"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba aalis ka?"
Walang ekspresyon na tanong ni Zaivier sa akin.
"I choose to stay. Isn't it obvious?" Ngumuso pa ako.
Nagsimula lang siyang bumato ng bato sa dagat.
"Sana ay umalis ka na lang."
Wala pa rin siyang ekspresyon.
"Zaivier, naman!" nafufrustrate na sabi ko.
Derecho siyang tumingin sa mga mata ko. "Sana ay umalis ka na lang para mapatunayan mo na kaya kitang hintayin, Zira. Umabot man ng ilang buwan o kahit taon pa."
Pinaghahampas ko naman siya. "Dapat ay sinabi mo agad 'yan para tumuloy na lang ako. Pagkakataon ko na iyon para masilayan man lang ang Maynila."
Hinuli niya ang mga kamay ko tapos ay inupo niya ako sa pagitan ng mga hita niya.
Nag-init naman ang mukha ko.
"Mas maganda rito kumpara sa Maynila, kasi nandito ako."
"Ewan ko sa'yo!"
He chuckled.
Humigpit ang yakap niya sa akin.
"Sorry for making you cry." Naramdaman ko pa ang pagdampi ng labi niya sa ulo ko. "I didn't mean it, Zi."
Napangiti naman ako.
"Apology accepted, Zaivier."
Ang buong maghapon namin ay ginugol namin sa paliligo at pagbaybay sa kahabaan ng dalampasigan.
"Zaivier, tignan mo."
Itinuro ko ang castle inspired na rest house pero mukhag abandona na ito.
Hawak kamay naming pinasok ang rest house.
"Sayang naman at pinabayaan lang ang ganito kagandang rest house," panghihinayang ko nang makumpirma nga namin na abandona na ito.
Ngumiti naman si Zaivier at tila may naiisip na kung ano.
"Ano 'yon?" tanong ko sabay kunot ng noo.
"Linisin natin 'tong rest house at from now on, dito na tayo maglalagi para naman hindi na tayo lamukin doon sa tent na ginawa natin."
"Seryoso ka ba? Paano kung biglang dumating 'yong may-ari?" pag-aalinlangan ko.
Umiling siya. "May nakita ka na bang ibang tao rito bukod sa atin? Tila inabandona na ang Islang ito, Zira. Hindi na babalik ang may-ari ng rest house na ito."
Siguradong siguradong naman siya.
Sa huli ay pumayag na rin ako sa ideya ni Zaivier. Sa mga sumunod na araw ay ginugol namin ito sa paglilinis dito sa rest house.
"Zaivier, ano ba! Pawisan ako!" pag-angal ko nang bigla niya akong yakapin mula sa likod.
"Ngayon ay mas may kasiguraduhan na kahit anong mangyari ay makakabalik ka sa akin. You'll always find me inside of this castle inspired rest house."
Sapo sapo ko ang ulo ko nang magising ako. Ngayon ay sobrang sakit ng ulo ko. Wala nanaman akong maalala tungkol sa panaginip ko maliban sa isang kulay puting mala kastilyong rest house.
Bumilis ang t***k ng puso ko.
Maaaring si Zaivier lang talaga ang gusto ko at hindi ko lang matanggap na nagkakagusto ako sa lalaking ni hindi nageexist sa realidad kaya naman iniisip ko na may gusto ako kay Troye.
Pero posible ba talaga tayong magkagusto sa lalaking tanging sa panaginip lang natin nakikita?
Hindi na ako muli pang dinalaw ng antok kaya naman alas singko palang ay tapos na akong maligo. Malamig ang hangin sa labas kaya ginamit ko na ang jacket ni Troye. Nang muli akong lumabas ng tent ay nagtama ang mga mata namin ni Shaneya pero agad siyang nag-iwas ng tingin. Dumerecho na lang ako sa may mesa kung saan pwede magtimpla ng kape.
Pero bago marating ang mesa ay madadaanan ang tent nila Troye at sakto namang lumabas din siya.
And he's topless.
"Good morning."
Bati niya sa akin ng wala man lang kaekspre-ekspresyon ang mukha. Pero imbis na bumati ako sa kanya pabalik ay sinungitan ko siya.
"Gusto mo ba na magkapulmonia? Ang lamig lamig tapos nakahubad ka," sabi ko tsaka nilagpasan na siya.
Narinig ko pa ang pagtili ng ilang kababaihan.
Baka hindi pulmonia ang gusto niya baka atensyon.
"Mahirap bang iwasan siya?"
Lumingon ako sa nagsalita.
"Oo, kung hindi niya alam kung bakit ko siya iniiwasan. You don't have to worry, Shaneya. Me and Troye were just friends."
"Ayaw kitang kaibigan para kay Troye."
Bigla namang nag-init ang dugo ko. Ang babaeng 'to patahi-tahimik pa, naknakan naman pala ng kamalditahan.
"Kung ganoon edi si Troye ang pagsabihan mo na umiwas sa akin para naman hindi ka na ngawa nang ngawa sa akin. Bwiset! Ang aga aga."
Kinuha ko ang tinimpla kong kape at nagtungo doon sa may duyan.
Nang matapos kami sa umagahan ay sinimulan na namin ang huling actibidad para sa outreach program, iyon ay ang mga seminar para sa proper hygiene, family planning at pag-aalaga ng kalusugan. After the seminar we gave some kits na makakatulong sa mga residente dito para mapangalagaan ang kalusugan nila.
Pagpasok namin ni Queen sa jeep na sasakyan papunta sa daungan ay nandoon na sina Troye. Magkatabi sila ni Shaneya at napansin ko pa ang pag-ismid niya.
Maldita rin talaga.
Hindi kami naging magkatabi ni Queen dahil wala ng space na kung saan pwede kaming maging magkatabi.
"Zira."
Lumingon ako sa katabi ko na tumawag sa akin.
Kumunot ang noo ko.
"Gio," sabi niya sabi niya sabay ngiti.
Tumango tango ako. "Gio Salvatore, 'di ba?"
"Mukhang kilala mo 'ko." Ngumisi pa siya.
Of course I know you! She's my childhood crush hanggang sa bago naging kami ni Dustin.
Gio Salvatore was the most popular boy in our batch in Montreal Elementary School.
Umubo pa si Queen at alam kong may gusto siyang ipahiwatig. Bigla ko tuloy naalala na nag-away pa kami dati noong grade 6 kami dahil sa pareho naming gusto si Gio.
"Kaschoolmate kita since elementary."
Tumango tango naman siya. "Mas maganda ka pala kapag malapitan, Zira."
Medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya naman inulan kami ng tukso.
"Thanks."
Iyon lang ang sabi ko at nag-iwas na ako ng tingin.
Kahit naman hindi ko na siya crush ay naiilang pa rin ako sa kanya. Hello! Ang tagal ko kaya siyang naging crush noon.
"Balita ko ay single ka ngayon, Zira."
Muli akong lumingon sa kanya nang kausapin niya ulit ako.
"Ah, oo."
Ngumiti naman siya.
Hanggang ngayon wala pa ring kupas ang kagwapuhan nitong si Gio.
Mapungay ang mga itim na mata niya, perpekto ang pagkakahulma sa panga niya, matangos ang ilong, manipis ang labi niya at moreno siya. Matangkad rin siya at katamtaman lang ang built ng katawan niya. Pero ang nakakapagpalaglag sa panty ng mga kababaihan ay ang killer smile niya na kung saan ay lumilitaw ang malalim na dimple sa kanang pisngi niya.
"I just want to know if I can get your number?"
Agad naman akong tumango. "Sure."
Aarte pa ba 'ko?
Sa pagpayag ko ay inulan si Gio ng panunukso mula sa mga kaibigan niya. Napailing na lang.
"Akala ko ba ay may boyfriend ka na?"
Nilingon ko si Troye na halos katapatan ko lang din pala. Salubong na salubong ang dalawang kilay niya.
Umiling naman ako. "Wala, ah."
Nakita ko kung paano mag-igting ang mga panga niya. Inirapan niya pa ako.
Gusto ko sanang matulog sa byahe kaya lang ay panay ang pakikipag-usap sa akin ni Gio. May time pa na nagsabi siya ng isang joke na bentang benta sa akin kaya napalakas ang pagtawa ko. Nagtama pa ang mga mata namin ni Troye at ngayon ay parang papatayin niya na ako sa sama ng tingin niya.
Baka naiingayan sa akin ang isang 'yon. Napakasungit talaga.
Akala namin ay sa bus 8 na kami sasakay ni Queen pabalik sa Montreal pero ang sabi ni Mrs. Madrigal ay doon pa rin daw kami sa bus na sinakyan namin papunta dito.
"Hoy, Zira!"
Ngising-ngisi naman si Queen na nakaupo sa kabilang side ng bus at katabi si Eiron. Ayaw ko sanang makipag-usap kay Queen dahil nasa pagitan namin si Troye at baka mairita siya. Iritable pa naman ang lalaking 'to.
"Bakit?" tanong ko.
"Edi kilig na kilig ka kay Gio? Hindi ba crush na crush mo 'yon simula elementary pa tayo?" Humagikhik pa si Queen. "Pinag-agawan pa nga natin 'yon, e," dagdag pa niya.
"Walang espesyal sa lalaking 'yon," pagsabat ni Troye na kasalukuyang nakapikit.
"Bakit sa'yo ba, Troye, meron?" tanong ni Queen.
Mahina pang nagmura si Troye kaya natawa si Queen habang ako ay napailing na lang.
"May nagpacute lang sa'yo na lalaki biglang wala ka na agad boyfriend? Ganyan ka ba talaga?"
Madiin ang pagkakatanong ni Troye at ngayon ay matalim na siyang nakatingin sa akin.
Umangat ang sulok ng labi ko. "Hindi ba ikaw na ang nagsabi na imaginary boyfriend lang ang meron ako?"
"Kahit na!"
Nagulat ako sa pagsigaw ni Troye.
"Damn it!" Inilagay na lang niya ang earphone sa magkabilang tenga niya at pumikit.
Ang lakas din talaga ng topak ng lalaking 'to.
Sa buong byahe namin pauwi ng Montreal ay hindi na ako pinansin ni Troye.
Nang makababa ako sa bus ay si Gio agad ang bumungad sa akin.
"Zira, okay lang ba sa'yo kung ihatid na kita sainyo?" tanong niya sabay ngiti.
"Hala! Nakakahiya naman, Gio. Tsaka taga jan lang naman ako sa Carnation."
"It's okay, Zira. Doon din naman ang way ko papuntang Tulips. Isabay mo na rin si Queen."
Pumayag na ako sa offer ni Gio dahil totoong madadaanan ang samin papunta sa kanila.
"Kukunin ko lang sa parking lot ang kotse ko."
Tumango naman ako sa kanya.
Napanguso naman ako nang irapan ako ni Troye bago siya pumasok sa loob ng university.
"Queen. sumabay na raw tayo kay Gio."
Nakakaloko naman akong tinignan ni Queen. "Usog ka nga don. Baka matapakan ko 'yong buhok mo. Ang haba, e."
"Baliw!" sabi ko.
Kasalukuyan naming hinihintay si Gio nang tumigil sa harap namin ang motor ni Troye. Matalim niya pa akong tinignan.
"Mas gusto mo nga palang sumakay sa kotse kesa sa motor."
Bigla niyang pinaharurot paalis ang motor niya.
Humagalpak naman sa tawa si Queen. "Ang torpe rin kasi. Ang labo niya."
Napailing na lang ako. "Malakas talaga ang toyo niyan sa utak ni Troye."
"Si Torpe at si Manhid," komento pa ni Queen.
May humintong puting Fortuner sa tapat namin at mula dito ay lumabas si Gio para pagbuksan ako ng pinto.
"Thanks," sabi ko.
Pinagbuksan niya rin si Queen.
"Thanks Gio. Gwapo na gentleman pa," papuri pa ni Queen kay Gio.
Natawa naman si Gio.
"Napagod ka ba sa byahe?" tanong sa akin ni Gio.
"Hindi naman. Puro tulog ang ginawa ko sa byahe," sagot ko.
"Good." He smiled.
"Sa dadating na inter school sports fest ay sumabay ka na rin sa akin papuntang St. Celestine, Zira."
Si Gio ay miyembero ng varsity ng basketball team.
"Wag na! Nakakahiya naman," pagtanggi ko.
"Come on, Zira! Wag ka na mahiya. Madadaanan ko naman ang sainyo."
Masyadong mapilit 'tong si Gio kaya pumayag na lang ako. Mauuna ang bahay ni Queen kesa sa akin . Sinabi ko kay Gio na pwedeng doon na lang din ako bumaba kina Queen pero ayaw niya.
"Bye! Thanks ulit, Gio!"
Pagpapaalam ni Queen.
"You know what, Zira? Matagal na kita gustong kausapin pero siyempre may boyfriend ka at noong wala ka nang boyfriend ay wala pa akong lakas para kausapin ka."
"Bakit naman? Ikaw nga 'tong nakakahiyang kausapin kasi ang sikat mo."
He chuckled. "Hindi, ah! Pero totoo naghihintay lang ako ng sign para kausapin ka at noong nagkatabi tayo kanina sa jeep, that's a very good sign."
I rolled my eyes. "Hay! Ang mga lalaki talaga."
Natawa naman siya.
"Thank you ulit, Gio, ah!" sabi ko.
"Thank you din, Zira."
Lumitaw ang dimple niya dahil sa pagkakangiti niya.
Siguro ay namatay na ako sa kilig kung crush ko pa rin hanggang ngayon si Gio. Pinanood kong makaalis ang Fortuner niya bago ako pumasok sa loob.
Namilog naman ang mga mata ko nang ang bumungad sa akin ay si Troye na prenteng prente ang pagkakaupo sa sofa.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"O, anjan ka na pala, Zira."
Si Mama na may dala dalang cookies at juice.
"Heto hijo, magmeryenda ka muna." Ngiting ngiti si Mama kay Troye.
Bumaling naman sa akin si Mama. "Bakit naman ngayon ka lang? Pinaghintay mo pa itong manliligaw mo."
"Mama!" nahihiyang sabi ko. "Hindi ko pa manliligaw si Troye."
"Pero iyon ang sabi niya."
Nagkibit-balikat pa si Mama tsaka umalis.
Nilingon ko ang nakangising si Troye. Nagkibit-balikat lang din siya.
Hay! Ano bang trip ng baliw na 'to?