Chapter 2

2002 Words
Chapter 2 Kisses’s POV NAGISING ako sa ingay na nagmumula sa sala. Boses ‘yun ng tiyahin ko at para bang may kausap siya at halata sa boses niya na parang galit. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at hinaplos ang mukha ko. Kaaga-aga kaingayan agad ni tita ang naririnig ko. Tumayo agad ako at naglakad ako papunta sa pinto. Maliit lang ang kwarto ko dito sa bahay ng tiyahin ko. Dati kasi nila itong bodega pero dahil sa dito na ako tumira ay ginawa ko na lang kwarto ito. Lumabas ako at nakita agad ang tiyahin ko na nakatayo at nakapameywang pa. May kausap siyang lalaki ngunit hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito sa gawi ko. Kakamot kamot akong naglakad papunta sa kanila. Gusto kong sawayin ang lalaking bisita ng tiyahin ko at sabihin na umalis dahil ang ingay ng tiyahin ko. Tumingin pa sa akin ang tiyahin ko. “Bakit ang aga mo naman pong nag-iingay, tita?” tanong ko sa kanya. Magulo pa ang buhok ko pero wala akong pakialam. Kailangan ko siyang sawayin at baka mahampas pa niya sa ulo ang bisita niya. Nang makalapit ako sa tiyahin ko ay nakita ko ang mukha ng lalaking bisita niya. Napatigil ako nang makita ang bisita ni Tita. Nakaupo siya sa sofa, relax na naka-dekwatro habang may hawak na tasa ng kape. He looks like a king na napadpad lang sa sala namin. Halatang nasa 30s na siya, pero ang gwapo pa rin. Bakat sa suot niyang polo-shirt ang malapad niyang dibdib at ang matitigas na masel sa kanyang braso na may mangilan-ngilang litid na lumalabas. Mula sa jawline niya at tangos ng ilong ay masasabi kong paborito siyang anak ng Diyos. Perpektong-perpekto ang pagkagawa sa kanya. “Sino po siya, Tita?” tanong ko sa aking tiyahin habang inaayos ang buhok kong magulo. Bigla kasi akong nahiya sa bisita ni Tita. Dapat pala naghilamos man lang ako. Napatagilid tuloy ako dahil tinanggal ko ang muta ko. Sinalat ko pa ang gilid ng labi ko at baka may tuyong laway. Nakakahiya naman. “Siya ‘yung sinasabi kong Ninong mo na nakulong. Hindi ko alam kung bakit na naman siya bumalik dito,” inis na sagot ng tiyahin ko kaya nanlaki ang mata ko at ibinalik ang tingin sa lalaki. “Wee? Ninong ko talaga siya?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Ikaw na ba ang anak ni Silverio?” tanong ng lalaki. Ang boses niya ay malalim, lalaking lalaki talaga kaya halos mapamura ako sa isipan ko. Ang sexy kasi pakinggan. “Ahm.. opo. Ako po si Kisses Espinoza, nag-iisang anak ni Silverio at Miriam.” pagpapakilala ko sa lalaki. “Siya ang anak ng kapatid ko pero bawal mo siyang kunin sa akin. Dapat lang na nasa poder ko siya at hindi sa’yo. Hindi ka naman namin lubusang kilala. At isa pa, hindi porket nakalabas ka na ng kulungan ay hindi na mabubura ang kasalanan mo. Isa kang mamamatay tao. Kaya hindi ako papayag sa gusto mo!” inis na sabi ni Tita dahilan para manlaki ang mata ko. Parang ang sama kasi ng sinabi ni tita. Hindi niya kailangan pagsabihan ng masasakit na salita ang lalaki dahil napagbayaran naman yata niya ang kanyang kasalanan sa kulungan. Pero ano daw? Bawal akong kunin? Bakit naman nasabi ‘yun nit tita? Ano ba kasi ang pinag-uusapan nilang dalawa. Halata kasing galit si tita sa lalaki. “Anong ibig mo pong sabihin, tita? Anong bawal kunin?” nagtataka kong tanong. “Ito kasing gagong ‘to.. Nagpupumilit na kunin ka sa poder ko dahil nangako daw siya sa ama mo dati,” sabi ni tita at ibinalik ang tingin sa lalaki na kalmado pa rin na nakaupo at humihigop pa sa kape niya. “Hindi mo pwedeng kunin ang pamangkin ko dahil wala nang maglilinis ng bahay namin at magluluto dito. Maayos naman si Kisses dito at nakakain siya ng tatlong beses sa isang araw at nakakapag-aral. Wag ka ng umepal dahil Ninong ka lang naman niya.” galit na sabi ng tiyahin ko kaya napangiwi ako. Kaya naman pala ayaw niyang pumayag na kunin ako ng Ninong ko dahil mawawalan sila ng katulong. Ano pa nga ba ang aasahan ko. “Why don’t we let her choose who she wants to be with? Sa tingin ko ay hindi pamangkin ang tingin mo sa kanya kundi katulong.” sabi ni Ninong na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. “Manahimik ka! Kailangan ko siya dito sa bahay kaya wag ka ng makulit pa! Lumayas ka na at wag ng bumalik pa dito. Hindi ko ibibigay sa’yo si Kisses.” madiin na sabi ni Tita at tinuro pa talaga ang pintuan para palabasin ang Ninong ko. Tumingin sa akin si Ninong. Ilang segundo din kaming magkatitigan hanggang sa tumayo na ito mula sa pagkakaupo. Doon ko lang nalaman na napakatangkad pala talaga niya. Hindi nagsalita ang Ninong ko at naglakad siya papunta sa pintuan. Aalis na siya dahil hindi pumayag ang tiyahin ko. Curious ako kung ano ba ang pinangako ni Ninong sa papa ko. “Hoy, Kisses! Magluto ka na ng almusal.” utos ni Tita sa akin saka siya naglakad papunta sa kwarto nila ng asawa niya. Naiwan akong mag-isa sa sala habang iniisip ko kung tama bang manatili ako sa poder ng tiyahin ko. May point kasi ang sinabi ni Ninong, hindi talaga pamangkin ang tingin niya sa akin kundi isang katulong lamang. Pinag-aaral ako ng tiyahin ko pero kulang naman ang baon ko at kapag nanghihingi naman ko ay sinisigawan niya ako. Hindi ako makakahingi ng pera na hindi niya pinapagalitan muna. Napapikit ako at agad na nagdesisyon para sa sarili ko. Huminga pa ako ng malalim saka ko idinilat ang mata ko at mabilis akong naglakad papunta sa kwarto kong bodega. Nang makapasok ako ay agad kong kinuha ang backpack ko kung saan nakalagay ang mga gamit ko sa school. Kinuha ko din ang mahahalagang gamit ko tulad ng birth certificate at iba pa. Nagmadali ako upang maabutan ko pa ang nagpakilalang Ninong ko. Nakapagdesisyon na ako, sasama ako sa kanya. Baka sakaling gumanda ang buhay ko dahil sa kanya. Nang mailigpit ko ang mga kailangan ko ay kinuha ko ang kumot ko at inilagay ang mga damit ko na kailangan ko. Baka maabutan ako ng tiyahin ko kaya kailangan kong bilisan ang kilos ko. Natapos ako sa pag iimpake at agad na lumabas ng kwarto ko. Tumakbo ako papunta sa pintuan para sundan ang Ninong ko. Nang makarating ako sa pintuan ay napahinto ako dahil bigla kong narinig ang boses ng tiyahin ko. “Saan ka pupunta? Bakit may dala kang mga gamit?” tanong ni Tita at nagmadaling naglakad papunta sa akin. “Ano, maglalayas ka? Sasama ka sa kriminal mong Ninong? Ito ba talaga ang igaganti mo sa akin, Kisses? Matapos kitang kupkupin ay iiwan mo ako. Wala kang utang na loob. Hindi ka makakakain ng tatlong beses sa isang araw kung hindi sa akin. Kung alam ko lang na wala kang utang na loob ay hinayaan na sana kitang maging palaboy na lamang sa kalsada.” mahaba niyang sabi at sinusumbat ang tulong na ginawa niya sa akin. Natahimik naman ako habang nahigpit ang pagkakahawak sa bag ko. “Putangina kang babae ka! Ang lakas ng loob mong umalis dito sa pamamahay ko dahil lang sa may gustong kumuha sa’yo na ninong mo. Ninong mong mamamatay tao! Wala ang future sa kanya, Kisses. Kaya kung ako sa’yo.. wag mo ng ituloy ang binabalak mo. Magsisisi ka lang sa huli.” dagdag niyang sabi kaya napalunok ako ng ilang beses at iniisip ang pwedeng mangyari sa akin kapag pinili kong sumama sa Ninong ko na hindi ko pa lubusang kilala. Pero kailangan kong sumubok at wala akong magagawa sa buhay kung dito lang ako sa tiyahin ko. Baka sakaling gumanda ang buhay ko kung ang pipiliin ko ay ang tiyahin ko. “Malaki po ang utang na loob ko sa inyo, Tita. Nagpapasalamat po ako sa pagkupkop niyo sa akin kahit pa nga ginawa niyo akong katulong. Kahit hindi niyo ako binibigyan kapag may pagkain kayong binili sa labas at naririnig ko po ang linya mo sa mga anak mo na bilisan nilang kumain baka magising ako. Hindi naman ako nagre-react dahil alam ko namang inuuna mo ang mga anak mo at baka kulang ang budget niyo kaya hindi ako naisasali. Hindi po ako nagtatanim ng sama ng loob sa inyo, Tita. Pero gusto ko lang pong malaman niyo na kaya ako aalis sa poder niyo ay dahil umaasa akong baka gumanda ang buhay ko sa poder ng ninong ko,” mahaba kong sabi saka ngumiti sa kanya. Wala akong pakialam kung murahin man niya ako dahil sanay na ako. Hindi siya nakasagot kaya tinalikuran ko na siya at nagsimula na akong maglakad upang habulin ang Ninong ko at kilalanin siya. Narinig ko ang sigaw ng tiyahin ko at puro mura ang lumalabas sa bibig niya. Sunod-sunod ‘yun kaya ang sakit sa tenga. Tama lang na umalis ako sa poder niya para naman matuto ang mga anak niya sa gawaing bahay. Nagmadali akong maglakad at umaasa ako na sana ay maabutan ko pa ang Ninong ko. Baka kasi nakaalis na siya, paano na lang ako kung sakaling nakaalis na. Eh ‘di pinagtawanan ako ng tiyahin ko. At isa pa, dala ko na ang mga damit ko kaya wala ng atrasan ‘to. Tumakbo ako papunta sa kalsada at sa kasamaang palad ay hindi ko nakita ang Ninong ko. Bigla akong kinabahan at baka umalis na siya. Panay ang tingin ko sa kaliwa at kanan ng kalsada hanggang sa makita ko ang isang magarang kotse na nasa unahan. Nakatayo si Ninong sa gilid ng kotse at nagsisindi ng sigarilyo. “Ninong..” tawag ko sa atensyon niya. Agad naman siyang lumingon sa gawi ko. Naglakas loob akong lumapit kahit nahihiya ako. Wala na talagang atrasan ‘to dahil kaharap ko na siya. Inalis niya ang sigarilyo sa pagitan ng labi niya. Matamaan lang siyang nakatitig sa akin. Napakagat ako sa ibaba kong labi dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko. “N-Ninong.. ninong po kita tama po, diba? Pero pwede ko po bang malaman ang pangalan mo? Para po sana alam ko,” tanong ko sa mahinang boses. Hindi siya sumagot at hindi pa rin inaalis ang titig sa akin. Nakakapanghina tuloy ang titig niya. Ang gwapo pala ni Ninong lalo na kapag sa malapitan. “Thiel Montemayor,” saad niya sa baritonong boses. Napatango tango naman ako dahil ang pogi ng apelyido niya. “Nice to meet you po, Ninong.” nakangiti kong sabi at inilahad pa ang isa kong kamay kahit nahihirapan ako sa mga dala ko. Ngunit hindi naman tinanggap ni Ninong ang pakikipagkamay ko, bagkos ay kinuha niya ang kumot na dala ko na may lamang damit. “Sasama ka ba sa akin?” tanong niya kaya agad akong tumango. “Sasama po ako sa’yo dahil umaasa po ako na gaganda ang buhay ko, Ninong. At isa pa.. pagod na po ako sa tiyahin ko.” sabi ko sa kanya kaya tumango tango siya at agad na binuksan ang pintuan ng passenger seat. “Get in.” wika niya. Hindi ako nagdalawang isip na pumasok sa kotse niya. Ewan ko ba pero kampante ako na sumama kay Ninong kahit hindi ko pa siya masyadong kilala. Pakiramdam ko at safe ako sa kanya at gaganda ang buhay ko kung siya ang kasama ko. Siguro naman may asawa at mga anak na siya. Hindi naman siguro ako mabobored sa bahay niya. Sana nga ay kasing edad ko ang anak niya para may kabonding naman ako. Excited na tuloy akong makilala ang mga anak niya at asawa. Sana tanggapin nila ako at wag sana nila akong susungitan. Saka ko nalang aalamin kung ano ba talaga ang pinangako ni Ninong sa papa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD