Chapter 3

1815 Words
Chapter 3 Kisses’s Pov DINALA ako ni Ninong Thiel sa isang malaking bahay. Namangha ako sa sobrang ganda nito. Hindi ko akalain na mayaman pala si Ninong. Akala ko ay sakto lang ang bahay niya dahil wala pa naman akong masyadong alam sa kanya. “Bahay mo po ‘to, Ninong?” Tanong ko sa kanya habang pinapalibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Hindi sumagot si Ninong ngunit inilapag niya sa sahig ang kumot kung saan ko nilagay ang mga damit ko. “Ito na ang bago mong tirahan, Kisses.” sabi niya sa akin kaya napangiti ako. Hindi ako nagsisisi na sumama sa kanya. Sigurado akong hindi na ako maghihirap pa sa buhay. Hindi ko na din kailangan matulog sa isang maliit na kwarto na sobrang init. Sigurado kasi ako na malaki ang kwarto dito sa bahay niya. Agad kong nilapitan si Ninong at mabilis na yumakap sa kanya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko dahil nanigas ang katawan ni Ninong. Pero wala akong pakialam, gusto ko siyang yakapin dahil sa tuwa ko na kinuha niya ako sa bahay ng tiyahin ko. “Salamat po, Ninong. Masaya po ako na hinanap mo po ako at kinuha sa tiyahin ko,” nakangiti kong sabi. Ang tangkad ni Ninong kaya hanggang dibdib lang niya ako. Nahirapan akong yakapin siya kaya agad akong tumigil sa pagyakap sa kanya. Ngumiti ako kay Ninong. Ang seryoso ng mukha niya habang nakatitig sa akin. “Nga pala, Ninong.. may sarili po ba akong kwarto dito sa bahay mo?” curious kong tanong. “Ilan po ang anak mo? Ayos lang po ba sa kanila na dito po ako titira? Baka po kasi dagdag lang po ako sa palamunin mo kaya baka magalit po sila na nandito po ako sa bahay niyo.” sabi ko habang nahihiya. Nilalaro ko pa ang daliri ko habang naghihintay ng sagot ni Ninong. “I don't have a wife or kids, Kisses." sabi niya sa baritonong boses na ikinalaki ng mata ko. “A-Ano? Wala ka pang anak, Ninong? Hindi nga po? Ibig sabihin.. ikaw lang mag-isa ang nakatira sa malaking bahay na ‘to?” hindi makapaniwala kong tanong. Tinignan ko tuloy siya mula ulo hanggang paa. “Ilang taon ka na po ba, Ninong?” tanong ko sa kanya. “Next month ay 38 na ako,” sagot niya. “Matanda ka na pala, Ninong. Dapat po ay nag-asawa ka na at magkaroon ng anak,” sabi ko pa sa mahinang boses. Hindi siya nagsalita at naglakad siya papunta sa pinto. Sumunod na lamang ako dahil buhat-buhat na naman ni Ninong ang kumot na may lamang damit ko. Pumasok siya sa bahay niya kaya agad akong sumunod. Mas lalo akong namangha nang makapasok ako sa loob ng bahay ni Ninong. Kung maganda sa labas, mas lalong maganda dito sa loob. “Wow! Ang ganda naman ng bahay mo, Ninong.” nakangiti kong sabi saka ako naglakad lakad para tignan ang paligid ng bahay niya. “May katulong ka po ba dito, Ninong?” tanong kong muli. “Wala,” tipid niyang sagot. “Kung gusto mo po ako na ang tagaluto at tagalinis ng bahay mo, Ninong. Para naman po makabawi ako dahil sa pagkupkop mo po sa akin. Masarap po akong magluto eh,” sabi ko pa at kumindat kay Ninong. “Kung ‘yan ang gusto mo, hindi kita pipigilan.” sabi niya saka siya naglakad papunta sa mahabang sofa. Umupo siya kaya nakasunod lang ang tingin ko sa kanya. “Saan po ang kwarto ko, Ninong?” Tanong ko sa kanya. “Dadalhin ko po sana ang mga gamit ko sa kwarto para hindi mo makalat dito sa sala,” sabi ko at tinuro ang mga gamit ko. “Nasa kaliwa ang kwarto mo,” sagot niya habang mariin na nakatitig sa akin. “Okay po, Ninong. Iaakyat ko lang po ang mga gamit ko sa taas.” excited kong sabi at agad akong nagmadaling buhatin ang mga gamit ko at tumakbo papunta sa hagdan. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Ninong dahil masyado siyang maikli sumagot. Marami pa naman akong tanong sa kanya pero mamaya ko na lang siya tatanungin kapag nakapag adjust na ako dito sa malaki niyang bahay. Dali-dali akong naglakad papunta sa second floor. May nakita akong kwarto na magkatapat lang ang pinto. Ang sabi ni Ninong ay kaliwa daw ang kwarto ko kaya agad ko itong tinungo. Pinihit ko ang siradura ng pintuan at agad na binuksan. Bumungad sa akin ang malaking kwarto. Simple lang ang design nito. May queen size bed sa gitna at may sariling banyo. May study table din kaya perfect para sa akin lalo na’t estudyante ako. May closet din para sa mga gamit ko at higit sa lahat ay may aircon. Diyos ko! Last yatang gamit ko ng aircon ay nong bata ako dahil ‘yung kwarto ko sa dati naming bahay ay meron. Malaki din naman ang bahay namin dati pero nasayang lang dahil sa utang ni papa na hindi namin alam ni mama. Namatay tuloy si mama na puro problema ang iniisip. Kaya nong namatay siya ay saka naman nakuha ang bahay namin. Naiwan akong mag-isa kaya walang choice kundi ang magpa-ampon kay tita. Pero ngayon ay may choice na ako. Nandito na ako sa bahay ng Ninong ko kaya sigurado akong gaganda na ang buhay ko at masarap na ang tulog ko dahil may aircon. Hindi na ako pagpapawisan kapag natutulog ako. Inilapag ko na muna ang mga dala kong gamit. Plano kong lumabas ulit pero aayusin ko na muna ang sarili ko. Wala naman akong pasok ngayong araw. Pumunta na muna ako sa banyo upang maghilamos ng mukha ko. Kagigising ko lang kasi kanina. Kailangan kong mag-ayos dahil lalabas ako at magluluto ng almusal namin ni NInong. Hindi pa kasi ako kumakain dahil hindi ako nagluto sa bahay ng tiyahin ko at mas piniling sumama sa Ninong kong pogi. Matapos kong maghilamos ay dali-dali akong lumabas ng kwarto ko. Bumaba ako ng hagdan at naabutan si Ninong na busy sa kanyang phone at nakaupo pa rin sa mahabang sofa. “Ninong..” tawag ko sa atensyon niya. Nag-angat naman siya ng mukha at tumingin sa akin. “Magluluto po ako ng almusal natin. Ano po ba gusto mong pagkain?” Tanong ko habang nakangiti. “Anything. Basta hindi nakakalason,” sagot niya saka ibinalik ang tingin sa phone niya. Hindi na ako nagtanong pa at umalis ako sa harapan niya. Tinungo ko ang kusina ni Ninong. Nang makapasok nga ako ay namangha ako dahil ang lawak din pala ng kusina ni Ninong at aesthetic ang design. Parang kahit oras-oras akong maghugas ng plato dito ay ayos lang. Sisipagin talaga akong maglinis dito sa kusina dahil ang ganda dito. Agad kong pinakailaman ang kusina ni Ninong. May malaking ref kaya binuksan ko ito upang maghanap ng lulutuin. Gusto kong magpakitang gilas kay Ninong at para narin malaman niya na marunong akong magluto. Kumuha lang ako ng apat na itlog at tinigan ko na din kung may hotdog ba. Ito lang naman kasi ang madaling lutuin sa almusal. Dali-dali akong nagluto ng almusal para makakain na si Ninong. Makalipas lang ang mahigit isang oras ay nakahanda na ako ng almusal. Sakto naman na pumasok si Ninong Thiel. Nakatingin lang siya sa mesa na may nakahandang pagkain. “Anong gusto mo pong kape, Ninong? Purong black po ba o may halo?” tanong ko para ipagtimpla siya ng kape. “Black,” tipid niyang sagot kaya tumango ako at mabilis akong gumawa ng kape niya. Ganado akong gumawa ng kape ni Ninong. Pero kung tiyahin ko pa ang nag-utos sa akin ay talagang nakasimangot ako dahil may kasamang mura sa t’wing nag uutos siya sa akin. Nilapag ko na sa table ang kape na tinimpla ko. Agad akong umupo din sa upuan at excited na kumain kasama si Ninong. Marami akong itatanong sa kanya kaya susubukan kong magtanong ng kung ano-ano. “Matagal ka na po bang kaibigan ng papa ko, Ninong?” tanong ko sa kanya. Humigop lang siya ng kape at hindi sumagot. Ang tahimik pala ni Ninong pero ayos lang, hindi pa siguro siya sanay na may kausap siya dito sa bahay niya. “Sobrang bata po ni papa nang mabuntis po niya si mama kaya po ako nandito sa mundong ‘to. Kaya po kita naging Ninong, diba?” nakangiti kong sabi. “Hindi po kita nakilala agad. Siguro nagkita po tayo nong bata pa po ako kaya wala po akong maalala patungkol sa’yo. Pero masaya po ako na makilala ka, Ninong. Ikinalulungkot ko din pong malaman na nakulong ka po dati. Pero buti nalang po ay nakalaya ka na,” dagdag kong sabi. Ngunit nawala ang ngiti ko nang mapansin ko ang paghigpit ng hawak ni Ninong sa hawakan ng mug. Para bang may mali akong nasabi. Natahimik na lamang ako at baka ayaw pag usapan ni Ninong ang nakaraan niya na nakulong siya. Gusto ko lang naman sanang makipag usap sa kanya para may alam ako tungkol sa buhay niya. “Nga pala, Ninong, nag-aaral po ako. First year college po ako. Ang kinuha ko pong kurso ay teacher.” pag-iiba ko nalang sa usapan. “Anong ikinamatay ng ama mo?” Seryoso niyang tanong. “Ahm.. sa sakit po, Ninong. Tatlong taon po siyang pinahirapan ng sakit niya. Halos ibenta na po ni mama ang mga gamit na naipundar nila para lang sa gamutan. Pero sumuko din po ang katawan ni papa at tuluyan pong namatay.” pagkukwento ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at humigop muli sa kape na tinimpla ko. “Si mama naman po ay namatay dahil sa problema nang malaman niyang may utang si papa at ang bahay ang gusto nilang kunin. Na stress po ng sobra si mama kaya bumigay din po ang katawan niya.” pagpapatuloy ko sa kwento ko. Nakikinig naman si Ninong at hindi siya nagsasalita. “Eh ikaw po, Ninong.. paano po kayo nagkakilala ng papa ko? Hindi ka po kasi niya naikwento sa akin noong nabubuhay siya.” sabi ko upang malaman ko ang history nilang dalawa ni papa. “Kumain ka na lang dyan, Kisses.” sabi niya kaya napanguso ako at ibinalik na lang ang tingin sa plato ko. Nasaway pa tuloy niya ako. Nagtatanong lang naman sana ako kung paano sila nagkakilala ni papa. Pero ayaw yata niyang pag-usapan kaya hindi ko na lamang pipilitin pa. Ang mahalaga ngayon ay may maganda na akong tutuluyan. Wala na akong maririnig na napakaingay na tiyahin ko. Maayos na din ang kwarto at may magandang bahay. Natutuwa akong sumama ako kay Ninong Thiel sa bahay niya. Para sa akin ay hulog siya ng langit dahil dumating siya sa bahay ng tiyahin ko. Nailigtas niya ako sa bruha ay palautos kong tiyahin na ginawa akong katulong sa bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD