“Ate, dito ka na lang muna... Samahan mo ako.’’ Hawak ni Jerome ang kanang kamay ko. Ramdam ko sa boses niya ang lungkot. Ganito siya tuwing alam niyang papasok na ako sa trabaho.
I smiled at him so dearly, tapos ay bahagyang ginulo ang buhok niya gamit ang kaliwa kong kamay.
“Ikaw talaga, nandiyan na man si Ate Aika at si Mama, sila na lang muna ang magbabantay sa iyo habang nasa trabaho ako. Okay? Pag-uwi ko bibilhan kita ng paborito mong mansanas. Gusto mo ba iyong pulang-pula?’’ Bahagya ko siyang kiniliti na siyang ikinatawa niya. Nakaramdam ako ng takot noong makitang tila pagod siya. Kahit madalas ko iyong makita natatakot pa rin ako. May sakit sa puso si Jerome. At kung may pera lang sana kami ay matagal na siyang naoperahan. Siyam na taong gulang na siya at sa loob ng siyam na taon na iyon. Hindi man lang niya naranasang mag-Enjoy at maglaro sa labas tulad ng mga normal na bata. Sobrang naawa ako sa kalagayan niya. Minsan naiisip ko kung pwede lang ilipat na lang sa akin ang sakit na nararamdaman niya tuwing may iniinda siya. Kung pwede lang sa akin na lang ang sakit niya.
“Ate... Umiiyak ka ba?’’
Mabilis kong pinunas ang luha ko nang marinig ang sinabi ni Jerome. “Naku! Hindi... Na...napuwing lang si Ate,” Ngumiti ako sa kanya. “Sige na, huwag kang magpapagod ah? Huwag matigas ang ulo. Makinig ka palagi kay Mama at Ate Aika.’’ Bilin ko. Yumuko ako at hinawakan ang ulo niya para halikan. Sinundan niya ako ng tingin nang palabas na ako sa kwarto.
Pupunta pa ako sa kusina upang magpaalam kay Mama. Maliit lang ang bahay namin. Isang kwarto, maliit na sala at kusina. Sandali kong sinulyapan ang sarili ko sa mahabang salamin na nasa sala. Sandali kong inayos ang Puting polo shirt na tinernohan ng blue na skinny jeans. Bago dumiretso kay Mama sa kusina. Naamoy ko ang ginigisa niyang bawang. Hindi niya ako agad napansin, nakatalikod siya habang hinahalo niya iyon, iyong isang kamay niya nakalagay sa bewang niya. Dumampot ako ng isang pandesal na nasa mesa. Ito na lang ang kakainin ko.
“Cate? Umupo ka na diyan anak at ipaghahain kita. Nagtimpla na rin ako ng kape mo, iyang brown na baso na may takip ng star margarine. Inumin mo na at baka malamig na iyan.’’ Si Mama, habang patuloy sa paghahalo ng sinangag.
Tinanggal ko ang tinakip ni Mama sa kapeng tinimpla niya para sa akin. Sinilip ko rin ang platong tinakpan din ng platong stainless. Itlog at saging ang niluto ni Mama na ulam namin ngayong umaga. Anim na hiwa ang saging at kaunti lang din ang pritong itlog. Parang kinukurot ang puso ko. Ito ang isa sa mga dahilan ko kung bakit pilit akong nagsusumikap.
“Ma...’' Tawag ko kay Mama, matapos takpan ang ulam.
Nilingon niya ako. “Ano iyon, nak?’’ Tumaas ang dalawang kilay niya pero matamis siyang nakangiti sa akin.
Bumuntonghininga ako. Tumitig sa yero naming nangingitim na rin at may maliliit na butas. Kita ko ang ulap mula roon. Narinig ko ang paglagay ni Mama ng palayok at sandok sa hugasan namin. Hindi ko matatawag iyon na lababo dahil yari iyon sa yero at slab. Ginawa pa iyon ni Papa noong nabubuhay pa siya. Lalong dumoble ang bigat sa loob ko. Hindi ko alam kung paanong nagkakasya ang sakit sa puso ko.
‘’Ma...’’ Tawag ko ulit. Mas mahina na ngayon. Inilipat ko ang tingin kay Mama na ngayon ay malungkot na nakatitig sa akin. Nangingilid ang luha kong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang plano kong mag-Apply sa abroad.
‘’May problema ba anak?’’ Malambing na tanong ni Mama sa akin. Humakbang siya ng ilang beses hanggang malapitan niya ako. Hinagod niya ang likod ko. Her warm touch makes me feel comforted. Umupo ako sa pahabang upuan na yari din sa slab. Humilig ako sa tiyan ni Mama. Ngayon ay hinahaplos niya ang balikat ko.
“Ma... Ano kaya kung mag-Abroad na lang po ako?’’ Inangat ko ang tingin kay Mama na ngayon ay nakaawang ang labi. Tila hindi makapaniwala sa narinig sa akin.
Bahagya niyang piniga ang balikat ko. “Ikaw, talaga anak... Kaya pa naman natin dito diba?’’ Napaos ang boses niya. Ramdam na ramdam ko doon ang sakit. I don’t know how it feels like for her seeing us like this. Masakit nga para sa akin na anak niya. How much more to her? How much more to a mother na ang tanging gusto lang ay mapabuti ang mga anak.
“Ma... Ayoko na po ng ganito, ayoko na pong nakikitang nahihirapan kayo, ayokong wala akong gagawin para baguhin ang sitwasyon ng buhay natin.’’ Napigtas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Bumuntonghininga si Mama. ‘’Masyado ka pang bata anak. Walang tatanggap sa iyo. Saka may trabaho ka naman anak diba?’’ I can sense the frustration on her voice.
Inis akong bumuntong hininga. ‘’Ma... Hindi na po ako bata, kaya ko na po. At kung edad lang naman po nasa tamang edad na po ako. 20 na po ako and I think there’s nothing bad about it.’’ Though malumanay naman ang pagkakasabi ko. Feeling ko nababastos ko doon si Mama. Tiningnan ko ang mga mata niya. Punong-puno iyon ng sakit, pero kung meroon man mas nangingibabaw doon. Iyon ay ang awa. Awa ng isang ina sa anak niya.
“Natatakot ako para sa kaligtasan mo anak. Hindi birong makipag sapalaran sa ibang bansa. Mas panatag akong dito ka na lang magtrabaho. Saka isa pa wala ka pang 23.’’ Pilit ni Mama sa akin.
Umiling ako sa kanya. I know I can make it, I know I can do it, makakapag-Abroad ako kahit wala pa akong 23. Bakit si Claire? Iyong pinsan ni Ave? 19 pa lang iyon noong pumunta sa Dubai.
“Ma, pwede po ako sa Dubai.’’
Bumuntong hininga si Mama. Tinanggal niya ang kamay niya sa balikat ko.
“Pasensya ka na kung hindi namin kayo nabigyan ng Papa mo ng mas maayos na buhay. Kung hindi lang sana siya maagang binawi sa atin.’’ Ramdam na ramdam ko ang sakit doon sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya ang lahat. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan ni Mama. Iyong pilit niya kaming tinataguyod sa pamamagitan ng paglalabada. Kung hindi lang ako nagpumilit na tumigil muna sa kolehiyo ay hindi siya papayag doon.
Tumayo ako at niyakap siya mula sa tagiliran niya. Hinaplos niya ang mga kamay kong yumakap doon.
“Mama, masaya po ako sa kung ano man ang namulatan kong buhay natin. Masaya ako kahit mahirap tayo, masaya ako kasi ni minsan hindi niyo pinaramdam sa amin ng mga kapatid ko na nahihirapan kayo, hindi ko kayo narinig na magreklamo sa tuwing napapagod kayo, hindi ko kayo nakitang sumuko kahit noong iniwan tayo ni Papa.’' Umiyak ako. Umiyak din si Mama. I don’t know if there are words that could define her, that could describe how strong and brave she is, I know it is not enough to say thank you and I love you, kapalit ng sakpripisyo niya. It is not enough just to love her and obey her.
“Mama... Alam ko pong napapagod na rin po kayo, sana hayaan niyo naman po akong ako ang gumawa ng paraan. Hayaan niyo naman po sana akong ako naman ang gumawa ng mga ginagawa niyo, hayaan niyo naman po akong tulungan kayo.’’
Lalong naiyak si Mama. Humigpit din ang yakap niya sa akin. “Hindi ako napapagod anak, at hindi ako mapapagod, dahil gagawin ko lahat para sa inyo.’’
Hinanap ko ang mga kamay ni Mama. Mahigpit ko siyang hinawakan doon.
“Tutuparin ko po ang mga pangarap ninyo ni Papa para sa amin. Ma, pagkatiwalaan niyo po sana ako.’’ I cried again. I needed to convince Mama. I need her to say yes to me. Ito na lang ang nakikita kong Alas para makaahon kahit kaunti lang.
Binawi ni Mama ang kamay niya sa akin at hinawakan ako sa mukha. Tinitigan niya ako doon at hinagkan sa noo. Bago siya tumango.
“Susuportahan kita anak, papayag na ako. Hindi para buhatin mo lahat ang responsibilidad namin ng Papa mo, kundi para tuparin ang mga pangarap mo.’’ Umiiyak na saad ni Mama.
Tumango-tango ako. “Iyong pangarap po ninyo ni Papa ang pangarap ko Ma.’’
Singhot ako ng singhot nang makalabas sa bahay, hindi ko na nagawang tignan pa ang mukha ko sa salamin dahil nagmadali na rin akong umalis. May oras pa naman akong natitira bago ang pagpasok sa trabaho. Kailangan kong dumaan muna kila Ave, need ko siyang I-inform agad na pumayag na si Mama na mag-Apply ako. Tahol ng mga aso ang naririnig ko at tunog ng mga motorsiklo habang tinatahak ang daan papunta sa bahay nila Ave. Hindi naman malayo ang bahay nila sa amin, dalawang skinita lang ang distansya mula sa amin. Pumasok ako sa maliit na daan papunta sa likod. Nasa gitna iyon ng dalawang malaking bahay. Isa at kalahating dipa ang distansya. Parehong magkaharap ang teres at pareho ng style ng relings. Magkaiba nga lang ang pintura sa kabila ay blue at white habang sa bandang kanan naman green at brown.
‘’Makikiraan po Kuya,’’ sabi ko noong makita ang isang lalaking nakahiga sa duyan nang dumaan ako. Alas otso pa lang ng umaga, pero nakahilata na.
“Sige lang Cate, may bayad na iyan pagbalik.’’ Natawa siya sa sinabi niya. Ngumiti ako sa kanya. Nagkatinginan kami, pero mabilis niya din ibinalik ang mata sa hawak niyang cellphone.
“s**t! Sige... Ang tanga naman nito!’’ Dinig kong mura niya noong makalagpas ako.
Napailing na lang ako. Iyon ang madalas kong marinig sa mga ML players, murahan. It’s common. Kahit sa mga batang mas bata ang edad kay Jerome.
“Cate! Halika, pasok ka...’’ Si Ave, noong makita niya akong paparating. Binuksan niya ang maliit na gate nila sa teres. Tila kagigising niya lang dahil gulo-gulo pa ang buhok niya. Nakasuot siya ng belvet na short at sphagetti, magkaterno iyon.
Masaya akong ngumiti sa kanya nang makalapit. “Mukhang masaya ka ngayon ah?”
“Pinayagan na ako ni Mama...” Sabi ko.
‘’Ayieh...’’ Tumalon-talon siyang hinawakan ang dalawang kamay ko. Parang mas excited pa yata siya sa akin. Sabagay sino ba naman ang hindi ma-e-Excite this had been our plans noong last year pa nang makapunta si Claire sa Dubai.
“Sa wakas Cate, makakapag-Apply na rin tayo sa Dubai.’’ aniya.
Masaya kaming nag-uusap noong biglang bumukas ang pinto nila.
“Anti Tess?” Gulat na sinabi ko noong makita doon si Anti Tess, nakasuot siya ng maong na blue na maiksing short at puting sphagetti, she’s bloated dahil na rin medyo mataba siya.
“Cate? Ikaw na ba iyan?’’ Tuwang-tuwa na sinabi niya.
Lumapit ako sa kanya at nag mano niyakap niya ako, natutuwa rin sa amin si Ave habang pinagmamasdan kami.
Sinundan ko ng tingin si Ave habang nag-uusap kami ni Anti Tess. Pumasok siya sa loob.
“Kumusta na ang Mama mo?” Si Anti Tess. Pinisil pa niya ang kamay kong hawak niya.
Inilipat ko sa kanya ang aking tingin. “O---okay naman po Anti,’’ Ngumiti ako.
“Nabalitaan ko iyong nangyari sa Papa mo...” malungkot na kwento niya.
Pilit akong ngumiti. Sa tuwing nababanggit sa akin si Papa, pakiramdam ko parang hinahati ang puso ko sa sakit. Minsan hindi ko maiwasang magtanong kung bakit ang agang binawi sa amin si Papa. Kung bakit sa dami ng masasamang taong nabubuhay dito, bakit ang Papa ko pa?
“Cate! Ito na oh, pwede na natin iyang asikasuhin bukas, total day off mo naman.’’ Si Ave, inabot niya sa akin ang isang brown envelop.
Inangat ko ang tingin sa kanya. Nilingon ko rin si Anti Tess na ngayon ay naka kunot ang noong nakatingin sa akin.
Binuksan ko iyon at kinuha ang passport ko. Bagong-bago. Last month lang iyong nadeliver sa akin, kay Ave ko ipinatago dahil ayokong makita iyon ni Mama. Ayoko kasing dumagdag pa iyon sa iisipin niya.
‘’Salamat, Ave.’’
Tumaas ang isang kilay niya at pinamewangan ako. “Hindi ka yata, masaya? Aber?’’ Pabiro niyang sinabi.
Bumuntonghininga ako. “Nakakalungkot lang kasing isipin----’’
“Hindi ba dapat kang matuwa dahil pinayagan ka na ni Anti Levi?’’ Tinabingi pa niya ang kanyang ulo.
“Bakit, mag-a-Abroad ka rin Cate?’’ Tanong ni Anti Tess.
Iritadang bumuntonghininga si Ave. “Kami Ma!” Usal niya. Kung sagutin niya ang Mama niya ay para lang silang magbarkada.
“Saan bansa ba?”
“Siyempre sa Dubai Ma! Saan pa ba?”
“Huy! Ave!’’ Sita ko sa kanya noong hindi ko nagustuhan ang tono niya. Kahit matagal silang hindi magkasama ng Mama niya, hindi pa rin tamang ganun siya sumagot.
Iritadang bumuntonghininga si Ave at umirap sa hangin. Baliw.
“Gusto niyo bang ako na lang ang bahala sa papel niyo? Iyong kumpanyang pinagtatrabahuan ko kasi kailangan ng cleaners pwede kayo doon.” Presinta ni Anti Tess.
Nanlaki ang mga mata ko. Ito na ba talaga ang tamang panahon? Is this really the perfect time to apply? may opportunity na agad. Kilala ko pa ang tutulong sa akin.
“Sige po Anti, gustong-gusto ko po iyan.’’ masaya kong sagot. Ibinigay ko kay Anti Tess ang passport ko, at ilan pang papel na kailangan niya. Sabi niya’y hindi daw magtatagal ang pag process ng Visa namin ni Ave papuntang Dubai dahil urgent daw iyon. Halong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko? Kung handa na ba akong lumayo para sa kinabukasan ng pamilya ko. I don’t know what future holds for me. Pero isa lang ang bagay na sigurado ako. Gagawin ko lahat para sa ikabubuti ng pamilya ko, para kay Jerome, kay Mama at kay Aika. Siguro sapat nang dahilan ko sila para maging matapang at maging matatag.
Ilang beses akong sumulyap sa cellphone kong kanina pa tumutunog. Hindi ko magawang mag-Concentrate sa trabaho dahil doon. Kaunti lang naman ang customer namin ngayong araw. Hindi tulad kapag araw ng Linggo. Martes ngayon at busy ang mga tao.
“Isang rim pa ng fortune light Miss ganda.’’
Inilagay ko ang limang pisarong Lucky Me noodles sa supot ng customer at agad na kinuhanan siya ng isang rim na fortune light.
“One thousand five hundred eighty-four po lahat Sir.’’ Sabi ko nang mai-punch lahat ng kinuha niya.
Ngumiti siya ng malapad sa akin. Naasiwa pa ako dahil sa malalagkit niyang tingin, gamit ang kanang kamay niya ay dinukot niya ang itim niyang wallet sa likod niya. Naglabas siya doon ng dalawang libo.
‘’Keep the change,’’ aniya na nakangiti sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Lalong naging malapad ang ngiti niya noong nginitian ko siya.
“Salamat po Sir.’’
Nang matapos iyon ay tinawag ko si Leslie na nasa kabilang counter. Wala pa naman siyang customer. Kumunot ang noo niya noong senyasan ko siya at itinuro ang daan pa punta sa banyo, pero kalauna’y tumango siya. Agad kong kinuha ang cellphone ko at naglakad na papuntang banyo.
Agad kong sinarado ang pinto nang makapasok doon. Sunod-sunod na text ang natanggap ko mula kay Aika. Naka 30 missed call din siya. Para akong nabibingi noong mabasa ang text niya.
Aika:
Ate, si Jerome. Inatake sa puso.
Hindi ko alam kung ano ang unang gagawin ko. Nanginginig ang mga tuhod ko, nilalamig ang mga kamay ko. Hindi ko magawang magsalita. Blanko ang isip ko. Hindi ko rin magawang umiyak dahil sobrang nabigla ako. Ilang beses akong huminga ng malalim, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Sana walang masamang nangyari sa kapatid ko. Sana ligtas siya. Dali-dali akong nagpaalam sa manager namin, ipinaalam ko sa kanila ang nangyari sa kapatid ko. Naintindihan naman nila iyon. Alas dos pa lang ng hapon at may apat na oras pa akong natitira para mabuo ko ang isang araw.
‘’Sige lang Cate, bubuoin ko na lang ang araw mo. Ingat ka,’’ Si Sir Jovanie noong nagpaalam ako sa kanya. Mabuti na lang at naintidihan nila ang sitwasyon ko.
Agad kong tinawagan si Aika pagkalabas sa grocery.
‘’Hindi pa siya gising...’’ Umiiyak na kwento ni Aika sa akin.
Lalo akong kinabahan sa sinabi niya. “Papunta na ako diyan. Huwag kayong aalis sa tabi niya. Si Mama nasaan?’’ Garalgal na tanong ko. Habang palingon-lingon akong naghahanap ng masasakyan.
‘’Nasa loob. Binabantayan si Jerome. Kanina pa iyak ng iyak si Mama...’’
Isang puting kotse ang tumigil sa kabilang bahagi ng kalsada. Mabilis kong tinakbo iyon at pumasok. Hindi na ako pwedeng maghintay pa ng taxi. Kailangan ko nang umalis. Kailangan ako ng kapatid ko sa hospital, kailangan ako ni Jerome.
“Manong sa Makati medical center po please.’’ Mangiyak-iyak na sinabi ko sa driver.
Nilingon niya ako. Hindi ko alam dahil bakit parang may mali sa tingin niya. Tinignan niya ako taas baba.
“Manong! Please! Kailangan kong pumunta ngayon sa hospital, kailangan ako ng kapatid ko, please lang manong!” Napalakas ang boses ko, hindi ko rin napigilan ang sarili kong umiyak.
“Ma’am... Hindi po ito Taxi, na...Nag mamadali din po kasi si Sir Daniel.’’
‘’It’s okay Manong, take her to her destination.’’ Baritonong boses ng lalaking katabi ko ngayon sa passenger seat. Nilingon ko siya, at pinasadahan ng tingin. Naka suot siya gray na tuxedo. Para siyang businessman. Businessman ba ito talaga o modelo?
“So---sorry, nasa hospital kasi ang kapatid ko at kailangan niya ako doon.’’ Nahihiyang pakiusap ko sa lalaki. Gwapo siya at mukhang mayaman, matangos ang ilong niya, maganda ang mga mata niya. Pero hindi ko ma appreciate iyon dahil na rin siguro sa problemang kinaharap ko ngayon.
Maya maya pa ay tumunog na naman ang cellphone ko. Tumatawag si Ave. ‘’Cate! Anong nangyari kay Jerome?” Ramdam ko sa boses niya ang gulat.
“Hindi ko alam! Sabi ni Aika inatake daw siya ng sakit niya!’’ Umiyak ako.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko Ave... Sobrang natatakot ako.’’ Humagulgol ako ng iyak. Sa tuwing may problema ako at feeling ko kailangan kong ilabas iyon. Kay Ave ko iniiyak, para kapag kaharap ko na sila Mama at mga kapatid ko, medyo magaan na ang loob ko. Hindi nila pwedeng makitang umiiyak ako, hindi nila pwedeng makitang nanghihina ako.
“Miss, I don’t know what’s going on, on you. But would you please calm down and keep quiet?!’’ iritadong sinabi ng lalaki sa akin.
Nilingon ko siya. Madilim ang mukha niyang nakatitig sa akin, sinalubong ko ang tingin niyang iyon, pilit kong pinantayan ang galit at inis na naroon. Kung alam niya lang kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ko ngayon! Naging mapungay ang mga mata niya at umawang ang kanyang labi. Siguro ay naisip niyang hindi ko siya uurungan.
“Sabihin mo sa akin Sir! Kung paano ako kakalma, nasa hospital ang kapatid ko. May sakit siya sa puso at hanggang ngayon walang malay! At hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambayad ko sa magiging bill! Ngayon sabihin mo paano ako kakalma?!” galit na sinabi ko.
Nakita ko ang bahagyang paggalaw ng panga niya. Nagsalubong din ang dalawang makakapal na kilay niya.
“I am talking to my business partner; would you please consider that?”
“Will you also consider my feelings? My situation, masama bang umiyak!?” laban ko.
Huminga siya ng malalim at umiling. Pagkatapos noon ay naging tahimik na ulit kami sa loob.
“Dito na Miss,” Ang driver nang itigil ang sasakyan sa harap ng hospital.
Naglabas ako ng singkwenta at inabot sa driver pero tinanggihan niya. Iyong lalaking kasama ko sa likod ay nakatingin lang sa akin. Nakahalukipkip ang mga malalaki niyang braso at nakasandal ang ulo niya sa head ng upuan.
“Salamat Manong,’’ Ngumiti ako nang magkatinginan kami sa center mirror.
Nakatingin pa rin sa akin iyong lalaki, siguro ay hinihintay niya ring mag Thank you ako sa kanya. Mabilis kong kinuha ang brown na sling bag ko. Nang muli ko siyang nakitang nakatingin sa akin ay inirapan ko siya. Pero imbes na magalit sa ginawa ko ay ngumiti pa siya at umiling.