Chapter 2

2693 Words
Malalaki ang bawat hakbang na ginawa ko paakyat sa hagdan ng hospital. Hindi ko na nagawang pasadahan pa ang paligid dahil sa pagmamadali, takot, lungkot at galit ang nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako sa kalagayan ng kapatid ko, nalulungkot ako para kay Aika at Mama, galit ako dahil bakit parang pinaglalaruan ng tadhana ang buhay namin! Inis kong pinalis ang luha ko nang maramdaman iyon sa aking pisngi. Ayokong umiyak! Ayokong may makakita kahit isa kina Mama at Aika na pinanghihinaan ako ng loob. I am the eldest of the family kaya dapat maging matapang ako. Sandali kong inayos ang sarili ko nang makarating sa entrance. Isang guard ang lumapit sa akin. Suot ang puting polo at black slacks, black na sapatos at leather black na sumbrero, may hawak din itong itim na stick. Sandali kong pinasadahan ang guard. I think he’s in his late 40’s, pandak, kayumanggi at malaki ang tiyan. “Check up po Ma’am?’’ tanong niya. Naging singkit ang mata niya noong tinignan ako. Napalingon ako sa gawing likod ko, noong itaas niya ang isang kamay niya para takpan ang mata niya. Maybe the rays from car mirrors. Doon ay nakita ko ang sasakyan na sinakyan ko kanina. Napasinghap ako ng mapagtantong hindi iyon ordinary na kotse na madalas kong makita. Isa iyong sport car, puti ang kulay pero sa harap ay may tribal na itim ang kulay. Napaawang ang labi ko noong bumaba ang bintana mula sa bandang inupuan ko kanina. Iyong lalaking nakatabi ko kanina ay dumungaw mula roon. Tumahip ang kaba sa dibdib ko noong makita ang matalim at malamig na titig niya sa akin. Hindi naman iyon nagtagal dahil umandar din ang sasakyan. Marahil ay natigil sila dahil lang sa stop light at noong nag go sign na ay umalis na sila. “Itinakbo po kasi dito ang kapatid ko, kailangan ko siyang makita.’’ saad ko sa guard. Bahagyang nakunot pa ang noo ko noong sabihin iyon. Tumango siya at itinuro iyong banda sa receptionist gamit ang stick na hawak niya. ‘’Jerome Belo po ang pasyente ko Ma’am.’’ Sabi ko sa nurse na babae. Agad itong tumayo sa kinauupuan niya, kanina ay may ginagawa siya sa kanyang laptop. Sandali kong nilibot ang paningin ko sa hospital. Ilang grupo ng nurse at rescue team ang tarantang tumatakbo. Palabas sa isang pintuan malapit sa ER. May sasalubungin yata silang pasyente sa labas. “Ano po ulit pangalan ng pasyente niyo Ma’am?’’ Iyong babae. “Uhmm… Jerome Belo po.’’ Sagot ko. “Wait lang ha? Check ko kung saang room siya dinala.’’ Bumalik siya sa upuan niya. At nagtipa sa kanyang computer. Pinagmasdan ko siya. Nakasuot siya ng ternong puti na uniform blouse at pants. Maiksi ang buhok niya na hanggang balikat, siguro ay ka re-Rebond lang iyon dahil halos hindi gumalaw iyon kahit noong maupo siya. Ilang sandali pa ay nilingon niya ako. She smiled at me painfully. Muli akong binalot ng takot. Tumayo siya at nilapitan ako. “Miss, nasa ICU po siya.’’ “Ha?’’ iyon lang ang nasabi ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig. Lutang ang isip ko pakiramdam ko ay para akong nananaginip. At kung panaginip lang sana ay gumising na ako. Dinig ko ang bawat bayolenteng pagkabog ng dibdib ko. Sinabayan pa iyon ng panginginig ng tuhod ko. Diyos ko, sana iligtas mo ang kapatid ko. Nanlalabo ang paningin ko habang sinusundan ang nurse, ihahatid niya daw ako doon. Napalingon ako sa kanang parte ng ward nang marinig ang mga umiiyak. Isang babae ang pinu-Pump sa bunganga, nakahiga siya sa folding bed. Isang matandang lalaki na uban na ang buhok ang pinapaypayan ang babae, iyong matandang babae naman ang nag-pa-Pump sa pasyente. Katulad namin halatang wala rin silang kakayahan na magpagamot o magbayad ng mas maayos na silid para sa pasyente. Sandali akong tumitig sa puting ceiling ng hospital habang naglalakad. Sobrang bigat ng dibdib ko sa nakikita ko, life is unfair! People are unfair, hindi ba dapat iyong mga kagaya nitong pasyente ang bigyan ng mas maayos na silid? Dapat iyong mga kagaya nitong nag-aagaw buhay ang unang-inaasikaso? Lalo akong natakot sa kagalayan ng kapatid ko. Paano kung ganito rin ang maging sitwasyon namin? Mariin akong pumikit at umiling. ‘’Hindi iyon mangyayari!’’ inis na bulong ko sa sarili ko. It will not happen. It won’t let it to happen. Hahanap ako ng paraan. Mamalimos ako kung kinakailangan, mag mamakaawa ako sa mga kapatid ni Papa. Hihingi ako ng tulong kahit kanino! ‘’Dito Miss,’’ Itinuro ng babae ang isang silid. Pinasadahan ko iyon ng tingin. Purong salamin ang pintuan pero natakpan iyon ng berdeng kurtina. Tapos sa pader may mga letters na nakadikit. ICU. ‘’Ate…’’ Tumakbo sa akin si Aika nang makita niya ako. Mahigpit siyang yumakap sa akin, takot na takot. “Ate… Si Jerome…’’ Humagulgol siya. Nagbara ang lalamunan ko, habang yakap ang kapatid kong umiiyak. Gusto ko siyang aluin, gusto kong pagaanin ang bigat sa dibdib niya. Pero sa tuwing susubukan kong magbigkas ng salita. Tumutulo ang luha ko. Wala akong nagawa kundi, haplusin ang likod niya. Yakapin siya ng mahigpit at makinig sa mga hinaing niya. ‘’Paano kung pati si Jerome ay mawala sa atin? Paano na tayo? Paano na si Mama? Paano ka? Paano ako? Ayos na sa atin iyong mahirap tayong nabubuhay. Pero bakit kailangan may ganito? Hindi naman tayo masasamang tao, pero bakit tayo? Pinaparusahan ba tayo ng Diyos? Umiiyak na hinaing ni Aika. Huminga ako ng malalim. Hinawakan ang magkabilang braso niya, sandali ko siyang inilayo sa katawan ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Tumitig ako sa kanyang mga mata, doon kita ko ang sakit. Sakit na hindi ko alam kung paano ko papawiin. Mga tanong na hindi ko alam kung paano sagutin. ‘’Aika, kahit anong mangyari hindi dapat natin sinasabi iyan, mahal tayo ng Diyos he won’t give us burden na alam niyang hindi natin kayang lagpasan. Magtiwala lang tayo sa kanya. Okay?” Pag-aalo ko kay Aika. Tumango siya sa sinabi ko. Muling yumakap sa akin. I hugged her back. I said those words to her na pati ako ay hindi ko alam kung paniniwalaan ko rin ba. But I know… I know kahit ganito ang nararanasan namin ngayon God is just beside us. Umaasa akong magiging maayos din ang lahat. Kahit tabingi ako ng tiwala minsan, kahit may halong doubt sa akin. My only hope is that God will never give us a burden we can’t carry through. Paisa-isa ako ng hakbang nang pinapasok na ako sa ICU, si Mama ay nakaupo sa gilid ng kama ni Jerome, balisa. Malayo ang tingin tumutulo lang luha niya. Hindi din niya napansin ang pagpasok ko. Lumipat ang tingin ko kay Jerome, nakataas ang damit niya at maraming wire ang nakakabit sa dibdib at sa bandang tiyan niya, Isang hose ng oxygen ang nasa bunganga niya at sa kanang kamay niya’y isang heplack. Meron din sa kaliwa daanan ng swero niya. Wala pa siyang malay. Parang hinahati ng pira-piraso ang puso ko at unti-unting dinudurog sa nakikita ko. Nanlabo ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya. “Jerome…’’ Sumakit ang lalamunan ko nang tawagin siya. Parang gripong tumutulo ang luha ko. Bawat haplos sa pisngi niya ay sobrang sakit para sa akin. Sobrang sakit dahil ito ang unang pagkakataon na hindi niya hinahawakan ang kamay ko. Ito ang unang pagkakataon na hindi siya ngumingiti sa akin habang ginagawa iyon. ‘’Anak…’’ Marahan na hinaplos ni Mama ang braso ko. Marahan na halos hindi ko ramdam, sobrang gaan ng kamay niya. Ang sakit naman ng ganito! Hinarap ko si Mama. Sobrang pungay ng mata niya, alam kong pinipilit niya lang na magpakatatag. Kitang-kita ko sa mata niya kung gaano kasakit para sa kanya ang nangyayari ngayon. Takot ako sa kung ano man ang pwedeng mangyari ngayon. Pero wala iyon sa takot na naramdaman ni Mama, wala iyon sa sakit na nararamdaman ngayon ni Mama. A mother will bear every inch of pain, she’s bearing it and I know she’s hurting inside, hurt that no one could ever describe. Walang gamot doon, wala kahit isang salita na pwedeng makapagpatahan ng umiiyak niyang puso, walang makakapagpanatag sa takot niya. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit, hindi ko magawang magbigkas ng kahit na ano mang salita, nanginginig ang bibig ko sa tuwing susubukan ko. Tahimik na tumulo ang makakapal kong luha. Si Mama ganoon din. Panay ang haplos niya sa likod ko. Comforting me. Hindi ko alam kung bakit nagagawa niya pang patahanin ako, gayong alam kong mas kailangan niya iyon. ‘’Stable na ang lagay ng kapatid mo, pero kailangan niya pa ring manatili sa ICU ng 2 days o higit pa, I suggest na manatili muna siya sa hospital ng isang linggo pa after na ma sure ang stability.’’ Sabi ng doktor, kasalukuyan kami ngayong nag-uusap sa labas ng ICU. Tumango ako sa kanya. “Kung iyon ang kailangan ng kapatid ko Dok, I go for that…’’ Sabi ko sabay tingin sa ceiling. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ngayon ng gagastuhin sa hospital. ‘’May Idea po ba kayo Dok kung magkano ang maaari naming magasto?’’ Tanong ko sinabayan ko iyon ng malalim na buntong hininga. He smiled at me weakly, ‘’In his case, that would be around one hundred thousand, may philhealth naman kayo diba? Just prepare fifty thousand at kung magkulang man iyon gagawan natin ng paraan ako ang magiging bahala doon.’’ malumanay na sinabi ng Doktor. “Sa—salamat po Dok, salamat po, gagawan ko po ng paraan.’’ Sabi ko, hinawakan ko ang dalawang kamay. ‘’Anong balak mo ngayon?’’ Si Ave. Bahagya niyang pinisil ang mga kamay kong kanina niya pa hawak-hawak. Kasalukuyan kaming nasa harap ng hospital ngayon, inaya ko kasi siya dito sa labas para hindi marinig ni Mama ang pag-uusapan namin, ayokong pati ang gastusin ay isipin niya pa. Tumambay kami sa maliit na harden na nasa harap ng hospital. Tumingala ako sa langit, makulimlim. Tila dinadamayan ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon, umihip ang hangin sa buhok. Mabilis ko iyong inayos at inilagay sa tainga ko. ‘’Hindi ko pa alam Ave… Hindi ko naman pwedeng balihin sa trabaho ko ang singkwentamil, Ave, kaya hindi ko alam. Ngumuso siya at bumuga ng hangin pagkuwan ay nilingon ako. ‘’Kakausapin natin si Mama, tutal sasama ka naman sa kanya sa Dubai, hulugan mo na lang iyon sa kanya. Papayag lang iyon alam naman niya ang sitwasyon mo.’’ Huminga ako ng malalim at nagpakawala ng hangin. Sana nga papayag siya, sana nga maintindihan niya ako. Ilang minuto pa kaming nanatili doon bago nagpasyang tumungo sa bahay nila Ave, para kausapin si Anti Tess, hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang sasabihin ko. Pero buti na lang at si Ave na rin ang nagsabi noon at sinundan ko lang. ‘’Pwede naman Cate, kaso bukas pa ako makakapaglabas ng pera,’’ Si Anti Tess. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi, ito ang unang pagkakataong makakautang ako ng ganito kalaking halaga. ‘’Pa—Pa…pauntangin niyo po ako Anti?’’ Alanginin kong tanong. Ngumiti siya sa akin at lumapit tapos ay hinaplos ako sa likod. ‘’Ano ka ba, hindi ka na iba sa akin. Papayag ako Cate kahit hulugan mo iyon ng isang taon, kahit medyo mas matagal pa diyan.’’ Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso sa sinabi niya, ganito siguro kapag nagiging masaya ako sa kabila ng lahat ng nangyayari, ito na iyon. Iyong sinasabi nilang light in the dark. God never fails those people who hope and pray for his help. And I am one of those indeed. Yumakap ako kay Anti Tess, hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak sa tuwa. Sa wakas I have someone to lean on maliban kay Mama. Nagpasya na akong dediretso umuwi sa bahay pagkatapos. Isang hingang malalim ang ginawa ko pagkalabas sa bahay nila Ave. ‘’Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid Cate? Pwede ka naming idaan ni Ariel kung sakali,’’ Sabi ni Anti Tess. Tumingala siya sa kalangitan, ganoon din ako. Madilim iyon at nagbabadyang umulan. ‘’Hindi na po kailangan Anti, malapit lang naman ang bahay saka bibilisan ko na lang po ang paglalakad para hindi maabutan.’’ Sagot ko saka siya binalingan. “Oh, siya. Kung iyan ang gusto mo Anak. I-Text mo si Ave pagnakauwi ka na, Uuwi ba ngayon ang Mama mo?’’ Umiling ako sa kanya. “Hindi po Anti, dalawa po sila ni Aika ang magbabantay ngayon sa hospital.’’ Kumunot ang noo niya. ‘’Ganoon ba? Naku sana’y dito ka na lang matulog.’’ “Naku Anti hindi na po. Sige po Anti baka maabutan pa ako ng ulan!” Paalam ko at tumakbo na palayo roon nang umihip ang medyo may kalakasang hangin. Lalong nagdilim ang paligid. Ramdam ko na rin sa aking katawan ang paisa-isang patak ng ulan. Maabutan pa yata ako! Mahigpit kong hinawakan ang brown na sling bag ko at tumakbo. Lumalakas pa lalo ang ihip ng hangin, may ilang bata akong nakikitang nagsisi-takbuhan na rin upang sumilong. Sandali akong tumigil sa pagtakbo, mabilis na lakad na lang ang ginawa ko at tumingala sa langit nang maramdaman ang malakas na pagpatak ng ulan. Umihip muli ang malakas na hangin kaya tumakbo ulit ako. Hindi ko inalintana ang malakas na ulan, may ilang taong tumatawag sa akin upang sumilong muna pero kumuway lang ako sa kanila bilang tanggi. Natapat ako sa bagong bukas na grocery noong nagpasya na akong tumawid sa kabilang bahagi ng kalsada. Isang malakas na busina ang narinig ko. May kung anong malaking kamay ang humila sa braso ko. Sa lakas ng pagkakahila niya sa akin ay natumba ako at napadagan doon sa taong iyon. Tumahip ng husto ang kaba sa dibdib ko. Muntik na ako doon! Mabilis akong bumangon humawak ako sa aking dibdib dahil parang sasabog iyon sa lakas ng pagpintig, pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa takot. Bumangon din ang lalaking humila sa akin. Natamaan ng ilaw ng sasakyang dumaraan ang mukha niya kaya nakilala ko siya, siya iyong lalaki na nakasabayan ko sa sasakyan. Bago pa ako makapagsalita upang pasalamatan siya ay nagsalita na siya. “What do you think you’re doing Miss?!” Galit na sigaw niya sa akin. Hinawi niya pataas ang kanyang basang buhok, pero bumalik din iyon sa dati nilang pwesto. Halos magdikit na ang dalawang makakapal na kilay niya sa pagkakakunot ng kanyang noo. ‘’Are you going to kill your self?!’’ Sigaw niya ulit. Me? Going to kill myself? Hindi pa naman ako nasisiraan ng bait para gawin iyon. Bumuntong hininga ako. Itinaas ko ang dalawang kamay ko bilang pigil noong magsasalita na naman siya ulit. “Tatawid lang po ako sa kabilang bahagi ng kalsada, dahil doon ang bahay namin Sir! Hindi ako magpapakamatay!’’ Sabi ko, tinuro ko pa ang banda doon. Sandali kong hinilamos pataas ang mga patak ng ulan sa aking mukha deritso sa aking buhok. ‘’You better look on your way! Para wala kang madamay na ibang tao!” Galit na sinabi niya, so kung nabundol ako, kasalanan ko? Kumunot ang noo ko, bahagya akong napakuyom. ‘’Excuse me ah! I never ask for your help! Who told you to save me?! Didn't you see the car stop before it hit me?! Nakatawid na sana ako eh!’’ Laban ko. Narinig ko ang ilang mahinang pagmumura niya. Muli ko siyang nilingon, basang-basa ang blue niyang Givenchy T-shirt, nabakat iyon sa malaki niyang katawan. Pinasadahan ko ang kalsada, isang single motor lang ang nakita kong tumatakbo doon, wala na akong napansin pang sumusunod kaya nagpasya na akong umalis. ‘’Thank you na lang sa paghila mo sa akin kanina.’’ Iritada kong sinabi, hindi sana ganito ang paraan ang pagpapasalamat ko kung hindi niya ako sinisi sa nangyari. ‘’So? You’re angry instead of being thank—” Iritada akong bumuntonghininga. ‘’Nag Thank you na diba? Ano pang gusto mo?’’ Inis na tanong ko. Kneel to him? s**t! Sino ba nagsabi sa kanyang hilain niya ako. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Hahakbang na sana ako paalis doon pero hinuli niya ang isang kamay ko. “Ihahatid na kita sa inyo.’’ What?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD