"Everyone is nice and easy to get along with so don't worry about anything," sabi ni Francis habang sumulyap sa akin. Tumango lang ako saka inayos ang pagkakaupo ko sa car seat. Papunta kami sa bahay nila for a small family reunion na sinabi niya na yearly daw nilang ginagawa. Napa-oo na ako before pa, kaya wala nang atrasan. Besides, a little break from work and reality won’t hurt, right? Naka-knee length skirt lang ako with a designer blouse at simpleng sapatos. Chill lang. Pero si Francis? Parang may pictorial sa fashion magazine. Suot niya ay black jeans na parang may isang dosenang zippers, white turtleneck sweater, at brown leather jacket. Match pa ang brown shoes niya and may aviator glasses pa siya—kulang na lang may flash ng camera sa paligid. "Parang pupunta ka ng London Fashi

