Ralphael’s eyes lit up the moment he saw me. Hindi na ako nakabalik dito simula nung huling araw na kinonfront niya si Amanda. Wala na si Amanda dito ngayon. Sabi ni Francis, nag-empake siya at umalis para mag-stay sa parents niya. Sabi pa ni Francis, ikinuwento raw ni Ralphael kung ano ang nangyari at tungkol sa divorce nila. Tahimik lang si Francis, walang tanong na binato sakin. Minsan iniisip ko kung alam kaya niya ang tungkol sakin at kay Ralphael, pero pinipili niyang magpanggap na hindi niya alam. Hindi ko alam kung paano ako kakilos kung sasabihin niya sa akin ang totoo. Nakakatakot, pero curious din. Naupo siya sa sofa habang palapit ako. Tinanggal ko ang bag ko, saka jacket, tapos umupo sa tabi niya. Nagkadikit yung balikat namin at nagtagal ang titigan namin. Para bang nag-sha

