Tumingin ako kay Jackson na nakaupo sa tapat ko sa maliit na cafe. Sabi niya gusto niya tayong mag-meet para mag-usap. Nakasuot siya ng casual na damit this time, pero as always, on point pa rin ang itsura niya—ayos ang buhok, maayos ang damit, parang effortlessly cool. Inilapag ko yung bag ko sa tabi at inilagay ang mga kamay ko sa kandungan ko. Dumating ang waiter at umorder siya ng dalawang kape—mainit na pampagising kasi maaga pa ng umaga at hindi pa ako nakakain ng kahit anong mainit. “Una, gusto kong humingi ng sorry na na-judge kita agad—” Tinitigan ko siya, pero ngumiti lang siya ng konti tapos huminga ng malalim. Hinaplos niya ang buhok niya, inalis sa mukha, tapos inilagay ang kamay sa lamesa. “—Nakipag-usap na ako kay Raphael. Sabi niya, gusto niya ng divorce kay Amanda.” A

