Pagkatapos niyang sabihin lahat ng ‘yon, habang nakatingin ako sa bintana ng kotse, parang bumagal ang mundo. Ang mga ilaw ng lungsod sa gabi ay nagiging malabo, halos mag-blur-blur na lang. Pero kahit gaano ka-busy ang paligid, ang utak ko ay puro gulo. Parang may napakabigat na bagay na nakasabit sa dibdib ko, pinipilit kong hawakan pero palaging sumusulyap palayo. Sino ba ako ngayon? Tanong na paulit-ulit lumilitaw sa isip ko. Calista—isang babae na nagbenta ng sarili sa isang lalaki na hindi niya kailanman gustong mahalin. A contract. s*x. A deal to save her mom’s life. Parang pelikula pero ito ang realidad ko. Tinanong ko ang sarili ko, Bakit? Bakit ko pinayagan ang sarili kong mapasok sa ganitong kalagayan? Hindi ba sapat ang hirap na pinagdadaanan ko? Bakit kailangang paluin ako

