Chapter 7

949 Words
I watched Jackson leave, his tall frame disappearing past the hallway. Nang tuluyan na siyang makalabas ng bahay, I turned around slowly, only to see si Ralphael nakaupo pa rin sa couch, tahimik habang hawak ang phone niya. Lumapit ako, dala ang tray ng juice, at dahan-dahang inilapag iyon sa mesa. I poured some into his glass at saka ko ibinaba ang juice box sa gilid. The atmosphere felt heavier now, parang nag-shift ang hangin sa pagitan namin. "What happened to your mom?" tanong niya habang huminto sa pagta-type sa phone. Napako ako saglit. I didn’t really want to talk about it—lalo na ngayon. But he was my boss, and as much as I wanted to shut it out, maybe venting a little wouldn’t be so bad. I bit my lip before slowly sitting down sa kabilang side ng sofa, directly opposite him. I took a breath, steadying my fingers na naglalaro sa isa’t isa. “She collapsed at school… tapos dinala siya sa hospital,” I started, swallowing hard. “The doctor said she needs a kidney transplant. Soon. Bago pa mahuli ang lahat.” Pinilit kong panatilihing steady ang boses ko, kahit na nararamdaman kong may mabigat sa dibdib ko na gustong kumawala. Para bang may luhang pilit na binubuo ang tear ducts ko kahit pa ilang beses na akong umiyak sa parehong kwento. Crying is not weakness. It’s a sign you’re alive, that you still care. Pero ayoko. Hindi ngayon. Not in front of him. “I’m sorry to hear that,” he said softly. Tumango lang ako, keeping my mouth shut para hindi ako mapaiyak. I sucked my bottom lip in, trying to distract myself, habang lumilipad na naman ang isip ko kung saan-saan. “Don’t do that.” Napatingin ako sa kanya. Huh? Don’t do what? I gave him a confused look, but he just rolled his eyes at me and went back to his phone. Hindi na siya tumingin ulit sa’kin kahit halos manghulog na ako sa kakatingin sa kanya. Ano raw ‘yon? Bakit parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya tuluyang sinabi? Bago ko pa masagot ang tanong sa utak ko, nag-ring ang phone niya. Tumayo na ako at iniwan siyang mag-isa sa sala. Wala na rin naman akong gagawin kaya dumiretso na ako sa kwarto ko. I needed a break—from the conversation, from my thoughts, from everything. Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame, iniisip kung gaano kalaki ang posibilidad na mawala si Mama. Masakit isipin. Sa dami ng pinagdaanan naming dalawa, parang hindi ko matanggap na baka hindi ko siya mailigtas. At ang mas masakit pa—wala pa kaming naipo na sapat na pera. Ilang linggo na, at wala pa ring lagpas forty thousand dollars sa account niya. What if I fail her? Nakakapanlumong isipin. Nagising ako mula sa tuloy-tuloy na pag-iisip nang may marinig akong katok sa pinto—malakas at sunod-sunod. Bumangon ako agad, pinunasan ang gilid ng mga mata ko bago buksan ang pinto. Si Ralphael ang nasa harap ko, nakasuot ng casual clothes. Black jeans paired with a blue button-up shirt na bahagyang bukas ang top buttons. He looked so different from earlier—less intimidating, more... approachable. Pero kahit casual, nandoon pa rin ‘yung presence niya. Yung tipong kahit wala siyang sabihin, mapapansin mo pa rin siya. At ang bango niya. A strong scent of cologne filled the air between us. Mahal, signature, and definitely masculine. “Is there something you need, sir?” tanong ko habang binuksan ko pa ng bahagya ang pinto. His eyes roamed from head to toe—hindi bastos, pero enough to make my skin tingle a little. Then he met my gaze. “I’m starving,” he simply said, straightening his posture. Napalunok ako. “I’m so sorry, I haven’t started din—” “I’m going out to eat. Join me.” Wait… what? Did he just say that? Pwede naman akong magluto, kaya ko naman. Tapos lalabas kami? Kahit pa friendly lang, boss pa rin siya at may asawa siya—diba? Pero... wala naman sigurong masama. I mean, kakain lang naman kami. Nakita ko ang impatience sa mukha niya habang hinihintay ang sagot ko. “Y-Yes, sir. I’m just gonna change my clothes.” “Meet me downstairs. And hurry up,” sagot niya, sabay talikod at lakad palayo. I closed the door and leaned against it for a second. What is going on with him? One moment he's kind and lowkey, the next, he's bossy and sharp-edged. Bipolar ba siya? Or baka normal lang ‘yun sa mga taong sanay sa power. Shaking my head, I changed into casual clothes—white blouse, fitted jeans, simple flats. Kinuha ko ang bag ko with my phone and a few bills, just in case, then bumaba na ako. “Let’s go,” Ralphael said the moment nakita niya ako. Hindi na siya naghintay pa. Diretso na agad siyang naglakad pa-garage, so I followed quietly. Pagdating namin sa garage, I couldn’t help but be amazed sa collection ng mga sasakyan nila. May ilang kotse akong di ko nga alam ang pangalan. Pero tumigil siya sa isang sleek, black na sasakyan—sobrang kinis, parang hindi ginagamit. He opened the driver’s side and slipped in easily. Naiwan akong nakatayo sa gilid, nag-iisip kung saan ako uupo—front or back? "Calista, are you gonna get in the car or not?" tanong niya, irritated na ang boses. Napabuntong-hininga ako. Ayoko sanang mag-assume pero baka gusto niya ng distance, so I got in the back seat at isinara ang pinto. He didn’t say anything, he just started the car and drove off.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD