I felt so out of place here. Lahat nakaayos, nagtatawanan, nag-uusap tungkol sa business. Ang sosyal ng restaurant at mukhang sobrang mahal ng pagkain dito kung tatanungin mo ako. Hindi talaga ako sanay sa ganitong lugar. Mas gusto ko pa magluto sa bahay kasama si mama.
Si Ralphael ang nag-order ng steak para sa aming dalawa. Sabi niya siya daw ang magbabayad. Tahimik siyang umupo, isang kamay nakalapat sa mesa habang ako naman nakapatong lang ang kamay ko sa lap ko. Hindi ko alam bakit niya ako inimbitahan dito mag-dinner. Pwede naman akong magluto o kaya siya na lang kumain mag-isa. Habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko mabasa ang expression niya o malaman kung ano bang nasa isip niya.
“Calista, tell me more about yourself,” tanong niya pag-alis ng waiter dala ang pagkain namin. Sinimulan niya nang kumain habang ako naman ininom ang tubig ko hanggang sa maubos. Binalik ko ang baso sa mesa.
“What would you like to know sir?” tanong ko habang tinikman ang steak na sobrang sarap. Rare lang kami mag-steak sa bahay kasi ang mahal. Kung pwede lang, pupunta ako sa kitchen at bibigyan ng thumbs up ang chef.
“Are you married?” tanong niya bigla, dahilan para mapatingin ako sa kanya. Sandali kaming nagkatinginan bago siya bumalik sa pagkain niya.
“I’m not married but I’m not single either,” sagot ko habang mabagal kong ngumunguya. Napatingin siya sa akin, pinipigil ang ngiti. Tinaasan niya ang kilay.
“What? You don’t believe me?” tanong ko sabay tawa ng kaunti pero seryoso lang ang mukha niya.
“What’s there not to believe? So you have a special someone that makes you happy?” tanong niya ulit. Tumango ako.
“Well... our relationship is complicated. Hindi kami madalas magkita at kung magkita man, sandali lang. Pero tumagal kami kumpara sa ibang couples, if I’m being honest,” sabi ko sabay kibit-balikat.
Tumango lang siya. Tahimik. Tumunog bigla ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bag ko. Si Britt ang tumatawag. Sinagot ko at nilapit sa tenga.
“Hello.”
“Hey baby, tumawag lang ako para kamustahin ka. Kumusta work mo?”
“It’s fine. Everything’s fine,” sagot ko habang nakatingin sa bintana.
“I want to spend the night with you,” sabi niya na may konting lambing sa boses.
“Really,” sagot ko sabay ngiti ng maliit. Tumingin ako kay Ralphael na ngayon ay nakatitig sa akin na parang lawin. Napalunok ako.
“The things I’m gonna do to you tonight...”
Napakagat labi ako, nakalimutan kong nasa restaurant ako. Agad akong natauhan at napangiti ng pilit kay Ralphael na nanonood pa rin. Nilayo ko ang phone sa bibig ko.
“What time will you pick me up?”
“When I leave work. By the way, where are you now?”
Sumilip ako kay Ralphael na abala sa pagtetext pero nagtaas ng tingin nang marinig ang sagot ko.
“I’m having dinner... with my boss,” bulong ko habang nakangiti ng konti.
“Oh, I spotted her a few times. She’s really beautiful. Amanda ba pangalan niya?”
“It’s my other boss... her husband,” sagot ko, sabay tingin kay Ralphael na nagtaas ng kilay. Tumayo ako at lumayo ng kaunti.
“Oh, really?” tanong ni Britt, halatang nagseselos.
“You don’t have to be jealous, Britt,” sabi ko sabay tawa ng mahina.
“Why wouldn’t I be jealous of you? Anyway, I’ll call you when I leave work.”
“Yes,” sabi ko sabay tingin sa likod ko bago ko binaba ang tawag. Tumayo si Ralphael at tinuro ang pintuan na parang pinapasunod ako. Tumango ako at kinuha ang bag ko.
“Where are we going?” tanong ko habang palabas ng restaurant.
“You’re going to help me pick a suit,” sabi niya habang sumasakay sa kotse. Sumakay ako sa likod habang nagmamaneho siya. Ano? Magpapapili siya sa akin ng suit? E wala naman akong taste sa men’s fashion!
Habang tumatakbo ang kotse, naalala ko ang sinabi ni Britt tungkol sa gabi namin. Ang tagal ko na ring hindi nahawakan o nayakap. Hindi ko napansin na huminto na pala kami sa harap ng malaking designer store na may pangalan na Legacy.
Sumunod ako kay Ralphael papasok habang tinamaan ako ng malamig na hangin mula sa aircon. Lumapit agad ang isang babaeng naka-tight dress at pulang lipstick kay Ralphael. “Welcome back sir,” sabi niya. Tumango si Ralphael at naglakad papasok. Sinundan ko siya habang hindi ko namiss ang masamang tingin ng babae sa akin. Ganito talaga siguro pag nagtatrabaho ka sa mayaman. Lagi kang tinititigan ng tao.
Pumasok si Ralphael sa isang room na may dalawang couch, malaking salamin, at changing room. Pumasok ang isa pang babae dala ang ilang suits at binigay ang una kay Ralphael. Kinuha niya ito at pumasok sa changing room. Umupo ako at tumingin sa paligid, nagmamasid sa mga painting sa dingding.