"This store is to die for," bungad ni Bella habang paikot-ikot kami sa boutique, aliw na aliw sa mga naka-display na damit. Maaliwalas ang ilaw, ang background music mellow, at bawat sulok ng tindahan parang curated for fashion dreams. Napilit niya akong sumama today—shopping daw para sa romantic getaway nila ni Mark. Yes, as in asawa na niya. Finally. Ang tagal ding naghintay ni Bella sa love story nila at ngayon, kasal na sila at planning to have kids soon. Nakakatuwa. "I want a sexy lingerie," bulong niya sabay lapit sa lingerie section. Wala nang patumpik-tumpik, nagsimula na siyang mamili ng mga lacey pieces—red, black, sheer, backless, may feathers pa yata ‘yung isa. "Hold these for me," sabi niya habang iniaabot sa akin ang ilang daring sets. Ako naman, napangiti lang. Classic B

