Pagbukas muli ng elevator, lumabas ako at dumiretso sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit, simple pero maayos—gusto ko pa rin mukhang presentable kahit madami akong iniisip. Pagdating ko sa living room, nakita ko si Amanda na nakaupo sa sofa, nakaharap sa laptop niya habang naka-leopard print robe. Naka messy bun ang buhok niya pero ang ganda pa rin niyang tignan. “Good morning,” bati ko. “Good morning, Calista. Kumusta ka?” sagot niya habang umiinom ng kape. “Okay naman po. Kayo po?” “I’ve been trying to find a dress online pero wala akong makita na hot enough. May party kasi kami ni Ralphael, hosted by one of his friends. Gusto ko siyempre, standout ako. Help me look?” Umupo ako sa tabi niya at tumingin sa screen habang nagba-browse siya sa isang site na Terry Costa. Lahat ng dresses

