Two Weeks Later Matapos kong i-check ang savings account ko, hindi ko mapigilang mapaluha sa tuwa. Sa wakas, in just three weeks, magkakaroon na ako ng sapat na pera para simulan ang operasyon ni Mama. Hindi ko ma-explain ‘yung nararamdaman ko—parang nabunutan ako ng tinik. Last week, binisita ko siya sa ospital. Nagbasa ako ng libro sa tabi niya habang hawak ang kamay niya. Mahina siyang nagsalita, pabulong lang, at paminsan-minsan ay pinisil ang kamay ko. Sabi ng doktor, paunti-unti na raw bumibigay ang kidney niya. Umiiyak ako noon, pero ngayon, meron na akong konting pag-asa. Habang abala ako sa paglilinis ng sala, napansin ko ang kakaibang kilos ni Ralphael kanina bago sila umalis ni Amanda papunta sa isang meeting. Parang... may something off. Kapag lumalapit si Amanda sa kanya, la

