“I WON’T BE HOME TONIGHT SO DON’T LOOK FOR ME!” Napabangon ako mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Ralphael. Rinig na rinig mula sa kwarto ko ang pagbugso ng emosyon sa boses niya—galit, sakit, at kung ano pa mang hindi ko maipaliwanag. Napakapit ako sa bedsheet ko. Pinilit kong huwag lumabas. Ayoko namang makisawsaw sa gulo nila ni Amanda. Hindi ko naman karapatan. Hindi ako parte ng relasyon nila. Kaya nanatili lang ako sa loob ng kwarto ko, tahimik, habang sinusubukang huwag makinig pa sa ano mang sumunod na usapan—kung meron man. Napabuntong-hininga ako at muling humiga, pero hindi na ako mapakali. Bawat relasyon may problema. Alam ko ‘yan. Lumaki akong saksi sa pagsubok ng mga magulang ko bago mamaospital si Mama. Pero ang pagiging matatag ng isang relasyon

