Noong bata ako hindi ko talaga hilig ang makihalubilo, pero noong makilala ko ang kababata ko na si Silver natuto akong makipag-ugnayan sa iba. Si Daddy lang ang lagi kong kausap sa araw-araw. Nang mawala siya, nahirapan ako na makipag-usap sa iba dahil sa kaniya lang ako sanay. Nandiyan naman si Lola Isabella para sa akin, pero talagang pakiramdam ko kulang pa rin.
Wala akong ginawa noon kundi ang magkulong sa bahay. Doon ko nakita ang batang kinaiinisan ko, sa mismong bakuran namin. Doon din nabuo ang tunay naming pagkakaibigan, pero hindi ko inaasahang mapapako ang mga pangako niya. Kaya nagpasiya akong kalimutan na siya, dahil paulit-ulit lang akong nasasaktan kapag naaalala ko siya at ang mga pangakong iyon.
"Why are you forcing yourself to forget about him?"
Isang lalaki ang pumasok sa loob ng detention room. Nang basahin ko ang nameplate nito, nalaman kong Valentin ang pangalan niya.
Hindi ko siya sinagot at binigyan ng nagtatakang tiningin. Peculiar in mind?
"You know... puwede namang in a natural way. So, ano ang ginagawa ng dating pangalawang ranggo sa detention room? Na-de-detention ka na rin. Nawala na lahat ng incentives bilang isang ranggo. Alam kong mas magaling ka sa kasalukuyang pangalawang ranggo." Seryoso niya akong tinignan. Doon ko lang napansin kung gaano kalambot ang galaw niya. "Why did you let her win?"
Awtomatikong umarko ang kilay ko. Kung ako talaga ang pangalawang ranggo, hindi ako magpapatalo. Bakit nga ba siya nagpatalo?
Sa pangalawang pagkakataon, hindi ako muling nagsalita.
"Malapit ka nang ma-dismiss sa detention, maiiwan na akong mag-isa." Habang nagsasalita siya ay pasimple kong tinignan ang kabuuan niya. "Gagamitin mo pa ba?"
"H-ha?" takang tanong ko.
"Yung gitara, gagamitin mo pa ba?"
Mabilis kong inabot sa kaniya ang gitara at seryoso niya naman itong tinanggap. Mayamaya pa ay may inilabas siyang kapirasong papel. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ay isang music sheet.
"Matatapos ko na sana, na-detention lang dahil dito." Pabulong pa ang pagkakasabi niya.
"Dahil lang diyan?" Itinuro ko ang papel.
"Oo, nahuli ako...?" Unti-unting kumunot ang noo niya sa akin.
"Nang dahil lang diyan?"
Natigilan siya, takang natawa. "Hindi pinagbabawal ang musika rito, pero alam nating pareho na ayaw ng mga ranggo, mga opisyal at mga sangay nito sa mga ganitong bagay. Why are you suddenly clueless about this? Nakalimutan mo na ba, dating pangalawang ranggo?"
Hindi ako nakasagot. Ang tono ng pananalita niya, siguradong nanghihinala na. Alinlangan pa siyang napailing bago nagsimulang tugtugin ang nasa music sheet.
Namangha ako nang matapos siya sa pagtugtog at pagkanta.
"Why?" Muli siyang bumaling sa akin.
Nagdalawang-isip pa ako kung sasagot. "M-maganda."
"Really?" Ngumiti siya. "Ipe-perform namin sa Friday."
"Friday?" Perform?
"May gig kami ng banda ko." Mula sa humahanga kong ekspresiyon ay nauwi iyon sa pagtataka nang makita ang paraan ng pagtitig niya. "Before you leave... I just want you to know that he's still miserable without you. Kaya sana, 'wag mong itrato si Spark na para bang nakalimutan mo na ang lahat ng pinagdaanan niyo."
Mas lumala ang pagtatakang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Akala ko kanina ay nabasa niya ang nasa isip ko, pero hindi niya naman ako tinignan sa mata bago siya magtanong kanina nang pumasok siya. Ngayon, alam ko ng hindi ang kababata ko ang tinutukoy niya kanina.
Kung ganoon, sino si Spark? Siguradong konektado siya sa dating pangalawang ranggo.
"Frezz!"
Awtomatikong kumunot ang noo ko nang makita si Nash na papalapit sa akin. Hingal na hingal ito mula sa pagtakbo. Maging si Valentin ay nagulat sa biglaan nitong pagdating.
Hinawakan ako nito sa braso. Nang hihilain niya ako ay pinigilan ko siya kaagad.
"Ano bang nangyayari sa'yo?" Nag-aalala ako sa asta niya.
"Hinahanap ka ng mga ranggo!"
Napako ang paningin sa ko kaniya.
Ano na naman bang problema ng mga ranggong iyon?
Tuluyan na akong hinila ni Nash papunta sa labas ng detention room. Nahagip pa ng mata ko ang pagtabingi ang ulo ni Valentin, nagtataka.
Parehas kaming nagulantang nang lumitaw sa harapan namin ang ikatlong ranggo. Nakapaskil na naman sa labi niya ang mapang-insultong ngisi.
Humigpit ang pagkakakapit sa akin ni Nash. Malamig ang kamay niya, kinakabahan.
"Anong kailangan mo?" sabi ko.
Naglaho ang ikatlong ranggo. Kahit na hindi ako lumingon ay nararamdaman ko ang prisensiya niya sa aking likuran. Nag-teleport.
Pinakiramdaman ko ang kilos niya. Kailangan kong maging alisto.
"It's about the punishment, Hennie."
Nanlaki ang mata ko nang may maramdaman sa batok ko. Mabilis kong itinulak si Nash at yumuko bago sumipa patalikod. Wala akong natamaan dahil nawala na naman siya.
Gaya nang sinabi ng unang ranggo, hindi ako makakatanggap ng parusa kung hindi ako matatamaan ng dart na ibinato nito. Naiwasan ko, pero tinamaan pa rin ako.
Inihanda kong muli ang aking sarili, pinakiramdaman ang paligid. Umatras ako nang lumitaw sa harapan ko ang ikatlong ranggo. Dahan-dahan itong naglakad hawak ang kulay puti nitong dart.
Muntik na sana akong matusok niyon kanina, mabuti na lang at nakayuko ako kaagad.
Nawala ang mga estudyanteng nakakabunggo namin ni Nash kanina sa hallway habang tumatakbo. Mukhang nagsipagtago ang lahat dahil nandito ang isa sa mga ranggo.
"Sasama ako nang maayos, hindi mo na ako kailangang harasin." Muling dumako ang paningin ko sa hawak niyang puting dart.
Bigla itong nawala sa harapan ko. Naramdaman ko na lang na hawak niya na ang braso ko.
Kanina pa akong nakikipagtitigan sa mga ranggo. Mukhang malalim ang iniisip nila. Nasa isang kuwarto kami. Nakapuwesto ito sa basement ng classroom nila. Nakakagulat dahil hindi aakalain ng sinumang ordinaryo na may ganitong klaseng lugar, palaging ekstra-ordinaryo at palaging may pasabog.
Puti ang lahat ng dingding. Nasa isang lamesa at upuang pilak ako sa gitna mismo ng ssolid, sa harapan ko naman ay naroon ang mga lamesa na para sa mga ranggo. May bakanteng tatlo dahil pito lang ang bilang ng mga ranggo, pero sampu ang puwestong naroroon.
Daig ko pa ang nasa korte.
Hindi ako nakatali. Mataas ang kompiyansa nila sa sarili na hindi ako makakawala sa kanila, isa pa hindi gumagana sa silid na ito ang teleportation palabas. May mga lugar sa unibersidad na ginagamitan ng censor at system para roon. Sa tingin ko, maging ang harang na nagkukulong sa buong lugar na ito.
Matapos magbulungan ng mga ranggo ay sabay-sabay na humarap ang mga ito sa akin.
"Nagkasala ka dahil sa paglabag sa patakaran na dapat sundin ng isang estudyanteng nakabababa sa sampung ranggo," anang ikaapat na ranggong si Ysabelle.
Ngumisi ako.
"Dahil sa paglabag mo ay mahahatulan ka ng isang kaparusahan," ang ikapitong ranggong si Nathalie
Imbis na matakot ay mas napangisi lang ako.
"Maaari itong mapawalang bisa sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran sa ranggo na iyong pinagkasalaan," ang ikaanim, si Seb.
Doon na ako tuluyang natawa. Bakas ang pagtataka sa kilos ng mga ranggo, pero nanatiling nakaupo nang tuwid ang unang ranggo.
Naiinis na tumayo ang ikalawa na si Kianya at dinuro ako. "Walang modo! Alam mo ba kung nasaan ka ngayon? Alam mo ba kung bakit ka naririto? Alam mo ba ang maaari mong kahantungan dahil sa ginagawa mo?!"
Napailing ako.
"Silence," matigas na anang unang ranggo.
Nabigla ang lahat. Nanatiling nakaguhit sa labi ko ang nakakainsultong ngisi.
"Siyempre hindi," walang kagatol gatol ko siyang sinagot. "Wala akong alam sa lahat ng nangyayari simula nang mapadpad ako rito. Wala akong alam sa kung anumang mga sinasabi ninyo at mas lalong wala akong alam sa mga patakaran at batas ninyo."
Mas nadepina ang katahimikan dahil sa mga sinabi ko. Boses ko lang ang umaalingawngaw sa apat na sulok ng malawak na silid.
"What are you saying?" Nagtataka, ngunit naiinis rin na tanong ni Kianya. "Pareparehas tayong lumaki na sa lugar na ito, kaya huwag kang umakto na parang kinalimutan mo na ang lahat. Dati ka na ring nakapaloob sa mga batas ng ranggo, Hennie."
"Akala ko ba matatalino at espesiyal kayo?"
"Mas makabubuti kung itutuon na lang natin ang ating atensiyon sa paghuhukom," sabat kaagad ng ikaanim na ranggo.
Napansin kong ito ang may pinaka disiplina sa lahat ng ranggo. Minimal ang kilos at salita.
"How dare you to insult us? You're now a dethroned rank!" dugtong pa ni Kianya.
Tumawa ako nang nakakaloko. "Makinig ka, ikalawang ranggo. Una sa lahat, huwag na huwag mo akong tatawagin sa pangalang iyan. Pangalawa, hindi ako nakikipagsindakan sa inyo. Ipinaglalaban ko lang ang karapatan ko. Pangatlo." Nahinto ako. "...hindi ako ang dating pangalawang ranggo."
Umere ang katahimikan sa loob ng tatlong segundo.
"What?!" Nanlaki ang mga mata ni Kianya. "Nababaliw ka na!"
Halata ang pagkakagulat nila, maging ang ikaanim, ikaapat at ikalimang ranggo. Nakayuko lang ang ikapito at ang ikatlo nama'y nakatingin lang sa akin habang nakangisi. Sa kabila ng lahat nanatiling walang reaksiyon ang unang ranggo.
"What's the meaning of this, Hennie?" Mababakasan ang pagkataranta sa boses ng ikalimang ranggo. Ang ikalimang ranggong ito ang batid kong pinaka makulit at isip-bata sa kanilang pito.
Napakamot ako sa gilid ng aking tainga nang marinig na naman ang pangalang iyon. "Hindi ako ang Hennie na nakilala niyo noon. Maaaring kapangalan at kamukha ko siya, pero kahit patayin niyo man ako ngayon mismo... nagsasabi ako nang totoo."
"Then... how did it happen?!" Pahabol na tanong ni Dash, hindi pa rin nga talaga makapaniwala.
Hindi ako kumibo at tumingin lang sa unang ranggo. Hindi ko rin alam at iyon ang dapat kong alamin.
"Nakapagpaliwanag na ako. Wala akong alam dahil bago lang ako rito, kaya hindi niyo ako puwedeng parusahan."
"Who do you think you are to dictate us?!" Nahampas ni Kianya ang lamesang katapat. "Sige, sabihin na nga nating hindi ikaw ang dating pangalawang ranggo, pero ang patakaran ay patakaran. Walang mababago at kailangan mo pa ring maparusahan!"
Natatawa akong napasinghal.
Gusot na gusot ang mukha niya, nagpapahiwatig niya namang nilingon ang ibang ranggo.
"I vote to let her pass this time," anang ikatlong ranggo na nilingon ang unang ranggo.
"Lahat ng bagong estudyante binibigyan ng kopya ng rules!" Katwiran pa ni Kianya.
"Sa tingin ko hindi niya pa iyon nababasa." Tinignan ako ni Nathalie.
Umawang ang labi ko. Ipinagtatanggol niya ba ako?
"Pinagtatakpan mo ba ang impostorang ito?!"
Walang alinlangang nilingon ni Nathalie si Kianya. "Mawalang galang na pangalawang ranggo, but before your forgot I am a peculiar in mind."
Hindi nakapagsalita si Kianya at inis na napayuko, kitang-kita ko pa kung paanong nag-igting ang kaniyang panga.
"Dismiss." Lahat ay napalingon sa unang ranggo nang magsalita ito.
"W-what? What about the punishment?" tutol ni Kianya.
"I, the saikō ranku, are commanding all of you to close this case. Now, dismiss." Tila hindi narinig ng unang ranggo ang pagtutol ni Kianya.
Tumayo mula pagkakaupo ang unang ranggo at naglakad paalis. Sumunod naman sa kaniya ang apat na ranggo, naiwan si Clen at Kianya sa harapan ko.
"Tandaan mo, hindi ibig sabihing hindi ka naparusahan ngayon ay hindi ka na mapaparusahan sa susunod. Hindi nga ikaw ang dating pangalawang ranggo, pero mas binigyan mo ako ng dahilan para mas tutukan ka. I can't accept that a newbie like you just embarrassed me." Matapos nitong sabihin iyon ay mabigat na ang hakbang nitong tumalikod sa akin.
Tatayo na sana ako para umalis ngunit lumitaw sa harapan ko ang ikatlong ranggo. Bago pa man ako makaangal ay hinawakan niya na ang braso ko. Inihatid niya ako hanggang sa labas ng kanilang classroom.
Matagal kaming nagsukatan ng tingin.
"So... you are not the former second rank? I knew it. That's why something seems strange."
Gusto ko pa sanang kuwestiyunin ang sinabi nito nang biglaan na lang itong maglaho sa aking harapan. Wala akong nagawa kundi ang mag-teleport na rin pabalik sa pinagkuhanan niya sa akin kanina.
Doon na napatayo si Nash na nakaupo sa tabi ng isang pinto ng classroom kung saan ko siya eksaktong tinulak kanina. Talagang hinintay niya ako roon? Paano kung hindi kaagad ako nakabalik?
"Frezz! May nangyari ba sa'yo..." Unti-unting humina ang boses niya habang sinusuri ang kabuuan ko. "Wala na namang nangyari sa'yo?"
Napangiwi ako. "Gusto mo ba talagang may mangyari sa akin?"
"Hindi! Pero p-paanong..."
"All students should proceed to the gymnasium, an important meeting will be held..." Biglaang tumunog ang mga speakers na nakalagay sa taas ng kisame.
"All students should proceed to the gymnasium, an important meeting will be held..." Naulit iyon nang ilang beses.
Bumukas ang mga pinto ng mga classrooms at natatarantang lumabas ang mga estudyante. Hinarap ko si Nash, kinakabahan din ang mukha niya, nawala ang atensiyon sa akin. Sa reaksiyon pa lang nila, mukhang hindi na ito magiging maganda.
Kumaripas sa pagtakbo si Nash kaya naman sumunod kaagad ako sa kaniya.
Narating namin ang gym. Inilibot ko ang aking paningin para hanapin sina Maika at Felice. Nang makita ang dalawa ay kaagad kaming pumunta roon para umupo sa tabi ng dalawa. Ngayon ay pinapagitnaan namin ni Nash ang dalawa.
"Para saan ito?" Naramdaman ko ang kaba ni Felice nang itanong niya iyon sa amin.
Nanatili lang akong tahimik dahil wala rin akong ideya sa nangyayari.
Magsasalita na sana si Maika ngunit biglang bumukas ang itim at makapal na kurtina sa entablado. Tumambad sila Mr. Natividad at si Ms. Guazon, ang Dean. Nakatayo naman sa likod nila ang pitong ranggo. Mayroon pang isang lalaki na mukhang mas matanda kay Mr. Natividad. Mapapayuko ka nang kusa kapag dumaan ito sa harapan mo. Bukod sa nakakatakot ang paraan ng pagtingin nito ay umaalingasaw pa ang yaman sa anyo.
"A pleasant morning to all of you, our precious Tokuyu students." 'Ayun na naman ang ngiti niyang hindi ko malaman kung totoo o hindi. "Looks like you are confused and worried at the same time."
"This is not good," bulong ni Nash sa sarili, ngunit sapat na para marinig naming malapit sa kaniya.
Bumaling ang paningin ni Mr. Natividad sa amin. "Yes, this is definitely not good."
Mula sa gilid ay lumabas ang mga lalaking naka-suit at sunglasses; ang mga tokuyu guards. May tulak-tulak na cart, sa ibabaw nito ay may nakapatong na malaking fish bowl, pero hindi isda ang laman nito kundi... mga tinuping puting papel.
"Before the martial arts classes start, we gather all of the students here for this... yearly." Itinuro niya ang fish bowl. "See this? A fish bowl method. Ang masuwerteng mabubunot ay ang mga estudyanteng magpapakitang gilas sa gabi ng pag-aalay."
Nang marinig ko iyon ay kaagad kong binalingan si Nash na mas nadagdagan ang takot sa mga mata.
"There's nothing to worry about..." tila nagbibiro lang ito. "Sa sampung mabubunot ko ay isa lang ang isasakripisyo. Paano matatakasan ang kamatayan? Simple lang..." Umusog siya at inilahad ang palad para ituro ang unang ranggo. "Just impress him and you're free."
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Kung para saan man ito, masasabing kong ang walang kuwenta ang paraan nila.
Tumango ang ginoo na mas matanda kaysa kay Mr. Natividad.
Kaagad na isinenyas ni Mr. Natividad na palapitin ang may hawak ng fishbowl. "Ang pitong ranggo ay kasama sa bubunot ng mga masusuwerteng estudyante, ako, ang Dean and of course our school director."
Unang bumunot si Mr. Natividad.
"Angeliq Wang."
Kaagad na umingay sa kabilang gilid at nanginginig na tumayo ang isang payat na babae roon. Kahit kinakabahan ay pinilit nitong tumayo nang tuwid. Chinita ito at dinaig pa ang bond paper sa puti.
Sumunod ay ang Dean.
"Jeremy Tuazon."
Sa kaharap naming bleachers ay tumayo ang isang lalaki. Walang bakas ng kaba sa mukha nito, mukhang mataas ang kompiyansa sa sarili.
Sumunod ay ang ikapitong ranggo, si Nathalie.
"Greg Martin Herrera."
Tumayo naman ang isang lalaking may katabaan, bakas din ang takot sa mukha.
"Paano kung mabunot ako?" Halos maiyak na si Felice nang sabihin iyon.
"Kung mabunot ka man wala kang dapat ikatakot. Ang kailangan mo ay pahangain ang unang ranggo," si Maika.
"Paano kung hindi ko magawa? Anong mangyayari sa akin?"
Sumunod naman ay ang ikaanim, si Seb.
"Kirby Anatello."
Tumayo ang lalaking may mohawk na gupit. Mukha siyang tambay sa kanto na may class. Pinigil ko ang ngisi nang bahagya itong bumaling sa amin.
Bumuntong-hininga si Nash. "Iaalay ka. Pupugutan sa harap ng mga estudyante at ikakalat ang dugo mo sa... bulaklak ng Erurena."
Awtomatikong nagsalubong ang aking kilay. "Bulaklak ng Erurena?"
Nanatili ang takot sa mukha ni Felice, maging sa akin.
Sumunod ang ikalimang ranggong, si Dash.
"France Mestacio."
Confident na tumayo ang isang magandang babae, blonde ang buhok at makapal ang make-up. Malapit ito sa lalaking nabunot ng Dean na Jeremy ang pangalan.
"Sinimulang gawin ang pag-aalay pitong taon ang nakalilipas mula ngayon. Ang kataastaasang Yomashi ang nagpatupad nito. Pumayag ang mga matatandang tokuyu. Ang sabi ay nasa bulaklak ang magandang kinabukasan ng mga Tokuyu." Muling napailing si Maika. "Kapag lumago ang bulaklak ng Erurena, magiging maganda ang takbo ng susunod na henerasiyon. Iyon lang ang sinabing paliwanag para rito. Hanggang ngayon, wala pa ring dugo na umaangkop para sa bulaklak."
"Erurena? Ngayon lang ako nakarinig ng ganiyang pangalan ng bulaklak."
Sumunod ang ikaapat na si Ysabelle.
"Phillip Art Q-quizon." Tila ba ayaw itong banggitin ng ikaapat.
Walang ganang tumayo ang isang lalaki. Mukhang malinis sa katawan, guwapo, pero mukhang pinaglihi naman sa sama ng loob.
Nagtitigan pa ang ikaapat na ranggo at ang lalaki. natigil lang ito nang lumapit na sa fish bowl ang ikatlong ranggong si Clen.
"Anong mangyayari kapag hindi lumago ang bulaklak at umabot sa susunod na henerasiyon?" si Felice.
"Sabi ng mga matatandang tokuyu, ngayon ang pinaka nakakatakot na taon para sa henerasiyon natin. Dahil ngayon taon ang huling palugit sa paghahanap ng aangkop na dugo." Napabuntong-hininga si Nash. "Kapag hindi nakahanap, alam na natin ang mangyayari. Magkakagulo. Hindi. Higit pa sa gulo ang mangyayari."
"Pero hindi nila puwedeng basta na lang patayin ang mga estudyante rito! Paano na kapag nalaman ito ng mga magulang nila?" Hindi ko maiwasang hindi maghisterkal dahil buhay ang pinag-uusapan dito.
Tuluyan nang bumunot ang ikatlong ranggo.
"Odyssey Ponce."
Nag-angat ng paningin ang isang babae, blangko ang mukha, ni hindi ito kumurap nang tumayo.
"Pumirma ang lahat ng tokuyu para rito. Kapag tumutol o itinakas ang anak parehas na papatayin. Papatayin lahat ng angkan. Ganoon kahalaga ang hinaharap para sa mga katulad natin," sagot ni Nash.
"Hindi mo ba alam?" si Maika. "Alam na ng mga magulang natin ang tungkol dito. Dahil katulad natin, nag-aral na rin sila rito."
Tila nawala ang bulungan nang marinig ko ang sinabi ni Maika.
"Don't tell me hindi mo alam na graduated sa Tokuyu University ang mga magulang mo?" dugtong na tanong naman ni Maika.
Umiling ako.
Tumayo ang pangalawang ranggo. Mayabang ang pagkakangisi nito. Alam kong natutuwa siya sa nangyayari kahit na hindi ko naman makita ang buo niyang mukha.
Sa lahat ng ranggo ay siya lang ang nagtagal ang paningin sa bowl habang hinahalo iyon.
Napangisi ito.
"Felice Clementio."
Para akong nakarinig ng pagsabog nang matawag ang pangalan ni Felice.
Natulala siya at nagsimula nang manginig sa takot. Gusto ko siyang pigilan sa pagtayo, pero kaagad akong sinenyasan ni Maika na huwag nang makialam.
Sunod na tumayo ang unang ranggo. Naging mabilis ang ginawa niyang pagkuha ng papel.
"Spark Weyn Tan."
Spark? Ito ang pangalan na nabanggit ni Valentin kanina lang na sa tingin ko'y may koneksiyon sa dating pangalawang ranggo.
Tumayo ang lalaking tinawag na Spark. Pamilyar maging mukha nito sa akin. Tila bagong gising dahil sa magulo nitong buhok at mapungay na mga mata.
Siya ang lalaking nakita kong nakasandal sa pader sa gilid ng hallway. Siya ang dahilan kung bakit ako na-late at napunta sa detention room.
Tila may kuryenteng dumadaloy sa pagitan ng tinginan nila ng unang ranggo.
Mabagal ang naging paglakad ng school director na si Mr. Tokuguri.
Bumilis ang pintig ng puso ko habang pinapanood ang nakatuping papel na inaangat nito palabas ng fish bowl. Kahit ang pagbuklat niya rito ay nagdulot nang matinding kaba sa akin.
Lalo na nang...
Dumako ang paningin niya sa akin.
"Frezzilliana Hennie Vigo..."