Three

2675 Words
Natanggap ko nang isa nga akong peculiar, pero hindi ko matanggap na sa eskuwelahang ito ay may kumuha ng pagkatao ko na naging dahilan ng pagiging magulo ng buhay ko habang namamalagi rito. "She's fine now. You don't need to worry that much. The dart just consists of a sleeping chemical that caused her to lose consciousness. I'm glad that you removed the dart immediately so the effect of the chemical is not that ill." Dahan-dahan kong iminulat ang talukap ng aking mga mata. Nahihilo pa rin ako at nanlalabo pa ang mga mata ko kaya hindi ko gaanong makita ang mga tao sa harapan ko. Malinaw na may dalawang babaeng estudyante at isang lalaking estudyante na nakikipag-usap sa isang nurse. "Thank you, Nurse Pamela." Si Nash. Muling bumalik sa akin ang alaala nang nangyari bago ako mawalan ng malay. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis. Masiyadong biglaan ang nangyari kaya kahit na maiiwasan ko na sana ang dart, ihinarang ko ulit ang sarili ko imbis na hulihin iyon. "Gising na siya!" Nagmamadaling lumapit sa kama na kinahihigaan ko si Felice. "Thank God, you're awake!" Mula sa tabi niya ay may lumapit pa na isang babae. Hindi ko inaasahang makikita ko siya rito. "Hennie!" Patakbong lumapit si Nash. Inismiran ko siya. "Frezz. Frezz sabi." "F-frezz nga. Sabi ko nga," bawi niya. Bahagya akong umupo at pinagmasdan ang mga tao sa harapan ko. Akala ko sa canteen na ako magigising. Dinala pa nila ako rito. Huminto ang paningin ko kay Maika na nakatayo sa harapan mismo ng kama. Hinawi niya ang maikli niyang buhok bago nag-iwas ng paningin. "I'm sorry. Again," anang niya. Naningkit ang mga mata ko. Nagbalik siya ng paningin sa akin at tumitig na rin sa mga mata ko. "Hindi ikaw ang dating pangalawang ranggo," sinabi niya iyon sa akin gamit ang kaniyang isip. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Peculiar in mind. Sa cafeteria pa lang ay naramdaman ko nang binasa niya ang isip ko. "You're in danger," dugtong niya pa. Balak ko sana siyang kausapin din gamit ang isip ko, pero nagawa ko itong pigilan dahil sa reaksiyon kanina ni Nathalie, ang ikapitong ranggo. "Kailangan mo itong ibalik sa unang ranggo. Hindi puwedeng pakalat kalat ang bagay na iyan sa eskuwelahang ito." Inabot sa akin ng nurse ang hawak niyang kulay pilak na dart. Kunot noo kong pinagmasdan ang dart na hawak ko na ngayon. "Whether you like it or not, ikaw dapat ang magbalik sa kaniya. 'Cause you also need to say sorry to him, of course." Awang ang labi akong tumingin sa nurse. Bago pa man ako makatutol ay nagsalita na si Nash. "Gusto mo... samahan na kita?" "Hindi na kailangan." Isinarado ko ang palad kong may hawak ng dart. "Sigurado ka Frezz?" si Felice. Hindi ako gumalaw, tinitigan lang ang kamao ko. "Be careful," si Maika. "Nagawa kong basahin ang nasa isip mo..." hudyat iyon ng pag-angat ko ng paningin sa kaniya nang muli niyang gamitin ang kaniyang ability. "Hindi malabong isa sa mga ranggo ay mabasa rin ang nasa isip mo." Huminto ako sa harap ng silid-aralan ng mga ranggo. Nakabukod ang classroom nila sa mga peculiars na wala sa ranggo. Ilang bakanteng silid din ang madaraanan bago makita ito. Nabanggit nila Maika at Nash na dapat ay kasama namin sa mga ordinaryong classroom ang mga ranggo, pero inihiwalay na ang mga ranggo ngayong taon. Pinagmasdan ko ang kulay itim na pader, ang salamin na bintana at ang pintuan. Repleksiyon ko lang ang nakikita ko mula sa labas at hindi ang loob. Tinted. Mas malaki ito kumpara sa mga normal na silid-aralan na nasa campus. Hindi ko alam kung kakatok ba ako o basta na lang papasok, sa huli ay napagpasiyahan kong kumatok na lang. Itinaas ko ang aking kamay para gawin na sana iyon, pero natigilan ako nang kusa itong... bumakas? Tumambad ang isang ranggo sa harap ko, nakasandal sa gilid malapit sa akin. "Are you lost?" seryoso munit nang-aasar nitong sinabi. Kaagad kong tinignan ang badge at nameplate niya; Clen Lew Morje, third rank. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang lalaking kasabay na pumasok ng unang ranggo sa canteen kanina na hindi man lang nagsalita. "Nasaan ang unang ranggo?" Hindi ko pinansin ang patuya niyang tanong at sinabi kaagad ang pakay. Ayaw kong magtagal dito. Baka makagawa pa ako ng gulo. Hindi ito ang tamang oras para gumawa ng bagong problema. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Kanina pa ako nakakaramdam ng pang-iinsulto dahil sa ginagawa niya, pero pinilit kong kumalma. "Really? Siya pa talaga ang hanap mo?" Seryoso akong nakipagtitigan sa kaniya para maintindihan niyang hindi ako nakikipagbiruan. Kailangan kong kumalma. Kumalma at ibalik ang dart. Nang hindi siya umalis sa harapan ko ay nag-teleport na ako papunta sa loob, ngayon ay siya na ang nasa likod ko na nararamdaman kong nakasunod na sa akin. "What the f**k?" anang niya pa. "How did you do that?!" Hinarangan niya ako ulit, hindi makapaniwala. "Wala akong oras para mag-exercise. Tabi." Hinawi ko siya. Wala ang pangalawa at ikaanim na ranggo na si Kianya at Travis. Nagbabasa ng libro ang ikaapat na ranggong si Ysabelle, nakatayo naman sa tapat ng book shelves ang ikapitong ranggong si Nathalie at papalapit naman sa amin ang ikalimang ranggong si Dash. "You don't belong here anymore, Hennie." Hinawakan ng ikatlong ranggo ang braso ko. Nagpantig ang tainga ko nang marinig na naman ang pangalan kong iyon. Para sa taong walang imik kanina ay nakakagulat ang ginagawa niya ngayon. Masiyadong agresibo. "Let her in..." Tila binalot ng kaba ang puso ko nang marinig boses na iyon. Walang imik at padabog na binitawan ng ikatlong ranggo ang aking braso. Nangaasar ko naman siyang nginisian. "What are you doing here?" anang unang ranggo. Malapit kaming tatlo sa teacher's table kaya naman doon ko pabagsak na inilagay sa ibabaw ng lamesa ang dart. Kahit na hindi ko man sila tignan isa-isa ay naramdaman ko kung paano nito naagaw ang atensiyon ng lahat. "Hennie," lumapit si Ysabelle. "Please not now." Napapikit ako nang mariin. Frezz nga sabi. "Ibinalik ko lang," kaswal kong sinabi. Tumalikod ako para umalis na. Tinignan ko pa nang masama si Clen na nakaharang sa harapan ko. Hahawiin ko sana ulit ito, pero kusa akong natigilan nang may maramdaman sa likuran ko. Tila bumagal ang takbo ng oras habang unti-unti kong nililingon ang unang ranggo na nasa aking likuran. Doon ko muling nakita ang dalawang pares ng pilak niyang mata. "A tiger can be a cat, a cat can be a tiger. Who are you?" halos pabulong niya nang sinabi, diretsong nakatingin sa mga mata ko. "Frezzilliana Hennie Vigo. Alam mo na ang pangalan ko, hindi ba?" Pilit kong itinago ang kaba na naramdaman dahil sa tanong niya na para bang nakahahalata na. "I'm not asking for the name, but who you really are." Napalunok ako. Humugot ako nang hangin bago inilibot ang paningin sa bawat sulok ng silid-aralan. Kailangan kong makatakas nang hindi napapaaway sa mga ranggo. "Nasabi ko na." "You heard me, I won't let you escape until you answer my question." Napaatras ako nang biglang maglaho ang unang ranggo. "Hindi ako sumasagot sa tanong nang walang kapalit. Sasabihin ko kung sino ako, kung sasabihin mo rin sa akin kung sino ka," pinilit ko na huwag magtunog kabado. Alam kong nasa paligid lang siya. Wala na ang ibang ranggo, mukhang kanina pang umalis na hindi ko man lang napansin. Umikot ako mula sa aking kinatatayuan para suyurin ang bawat parte ng silid aralan. Hindi ko siya makita. "Hindi mo maibibigay ang kapalit na sinasabi ko, 'di ba? Kung ganoon, aalis na ako." Unti-unti akong umatras hanggang sa tuluyang maabot ang doorknob. Alam kong nakikita niya ako ngayon at wala akong pakialam. Siya ang unang rango at hindi siya basta-basta. Kailangan ko siyang takasan. Akala ko ay makakaalis na ako nang may humila sa akin, dahilan para paatras akong malipat pabalik sa dulong parte ng silid. Kaagad akong tumayo at ipinorma ang kamay. "Hindi ka patas! Magpakita ka!" Kusa akong nagulat nang magpakita nga siya. Masiyadong malapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ako nagpadala at sinuntok siya. Napangisi ako nang masapol ko siya. Kaagad ko naman iyon na sinundan ng sipa, pero napangiwi ako nang dakmain niya ang paa ko at itinulak ako paatras hanggang sa tumama ang likod ko sa blackboard. Siya naman ang ngumisi sa akin. Dahil sa inis ay sinipa ko ang teacher's table. Aaminin kong nagulat ako dahil sa lakas ng pagsipa ko, pero hindi ko na ito pinagtuunan ng pinansin. Tumilapon ang lamesa sa direksiyon ng unang ranggo. Napaatras ako nang mawala ito sa puwesto niya at lumipat ulit sa harapan ko. Teleportation. "Ano bang kailangan mo?!" Nauubos na ang pasensiya ko. Nagpalipat lipat siya sa iba't ibang parte ng silid nang ganoon kabilis. "Who are you?" Talagang hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi. Hindi ako nakagalaw nang lumipat na naman siya sa harapan ko. Gustuhin ko mang umatras ay hindi ko na magawa dahil naipit ako sa pagitan niya at ng pisara. "Bakit kailangan mo pang malaman?" Hindi na nakatakas ang inis sa boses ko. "I already know. I just want to confirm." Mabilis akong binalot nang panibagong kaba. Dahil sa kabang iyon ay nagawa ko siyang itulak nang malakas. Alam niya na. Kung sabagay, siya ang unang ranggo. Hindi imposibleng hindi niya maisip na iba ako at ang dating pangalawang ranggo. "Kapag sinabi ko... titigilan mo na ako, 'di ba?" Mabilis kong iniharang ang palad sa harapan ko dahil alam kong mag-te-teleport na naman siya sa harapan ko at nangyari nga. Ipinagpasalamat kong naging maagap ako. Hindi siya sumagot. Kahit hindi ko makita ang mata niya ay alam kong handa na siyang makinig. Inalis ko ang pagkakaharang ng aking kamay malapit sa kaniyang dibdib. Inis kong hinawi ang nakaharang na takas na buhok sa aking mukha. Hindi ko na inisip kung anong puwedeng mangyari kapag sinabi ko na hindi talaga akong dating pangalawang ranggo. Paano nga ba kapag nalaman ng lahat? Papaalisin nila ako rito? Napangisi ako. Puwede. "Maglolokohan lang tayo kung babanggitin ko pa ang pangalan ko sa'yo, pero siyempre mas gustong kong Frezz ang itawag niyo sa akin." Huminto ako sa pagsasalita bago ngumisi. "Tama ka, hindi ako siya. Ngayon, puwede na ba akong umalis?" Hindi siya kumibo. Sa isang iglap lang ay nawala na siya sa paningin ko. Umarko ang kilay ko nang madatnan sa unit ang isang lalaki. Hindi ko natupad ang ipinangako ko kaninang umaga, na kung sino man ang kasama ko sa unit hinding-hindi na ako maaabutan dito. "Nakabalik ka... nang maayos?" Walang gana ko siyang tinignan. Kaya siguro hindi ko ito nakita bago ako umalis sa unit. Siguradong nang mga oras na iyon ay tulog pa siya. "Parang hindi ka masaya?" Tumaas-baba pa ang kilay niya. Nahagip pa ng paningin ko ang suot niyang asul na pantulog. Mukhang hindi tatahimik ang mundo ko dahil kahit sa unit ay magkadikit pa rin kami. "Tabi." Hinawi ko siya sa pinto at pumasok sa loob. Patapon siyang umupo sa sofa. "Kahit ang pinagbiyak na buko magkaiba pa rin." Nilingon ko siya at tinaasan lang ng kilay. "Bakit wala ka rito kagabi?" "Well... may pinuntahan lang. Ayokong umuwi nang maaga dahil wala naman akong kasama, pero ngayon uuwi na ako nang mas maaga kasi nandito ka na." Napaismid na lang ako at inihagis ang bag ko sa sofa sa tabi niya. Nagkalat pa roon ang mga chips at softdrinks-in-can. Dumiretso ako sa kusina at kumuha nang malamig na tubig sa ref at bumalik sa salas. Lumapit siya at ininspeksiyon ang mukha ko. Kaagad ko namang tinabig ang kamay niya. "Huwag mo nga akong hawakan. Hindi ako nasaktan, ayos na?" Ayaw ko sa lahat ay hinahawakan ako. "Talaga? Paano nangyaring wala ka ngang galos kahit isa?" "Dapat ba meron?" "Oo! Kaya nga nakakapagtaka, e." Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya sa harapan ko para umupo ulit sa sofa at magsimula na namang kumain. Kinuha ko ang isang balot ng chips at softdrinks sa lamesa. "Saan ka pupunta?" Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay kuwinestiyon na naman ako ni Nash. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy sa pag-alis. Marami akong nadaanang mga estudyanteng nakapantulog na sa labas ng hallway. Pinag-uusapan ang nangyari kanina. Patago akong tinitignan, nararamdaman ko iyon. Napagpasiyahan kong pumunta sa parke. Nang makarating na ay dahan-dahan akong naglakad papalapit sa duyan. Naiilawan na lang ito ng isang maliit na post light kaya naman nanatili ang dilim sa paligid. Para sa akin ito ang pinaka tahimik na lugar sa university, ang parke. Umupo ako roon, inilapag ang softdrinks-in-can sa kabila at nagsimula nang kumain ng chips. Maganda ang pagkakapatas ng mga puno kaya kitang-kita ang mga nakakalat na bituin sa langit. Naguguluhan pa rin ako sa tuwing magiisip ako ng dahilan kung bakit nagkaroon ako ng impostor sa eskuwelahang ito. Bakit kailangang magkaroon ako ng impostor at pumasok sa eskuwelahang ito para magpanggap na ako? "Oblivious." Nag-angat ako ng paningin nang marinig ang boses na iyon. Ilang beses kong ikinurap ang mga mata ko. Tinatanong sa sarili kung ano na namang ginagawa niya rito. Nakasandal siya sa poste ng ilaw na katapat ng katabi kong duyan kaya naman tagilid ang puwesto niya sa akin. Nagmistula itong modelo na naglakad papalapit sa akin. Kinuha nito ang softdrink sa kabilang duyan at umupo. "Bakit ka nandito?" "I should be the one asking that." Nagtatawa akong tumingin sa kaniya. "Bakit? Pag-aari mo?" Nabulunan ako dahil sa kinakain, kaya kaagad kong hinablot sa kaniya ang softdrinks at diretso itong ininom. Sumama ang mukha ko nang maramdaman ang gumuhit na hapdi sa lalamunan. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Tumingin siya sa gilid nang balingan ko siya. "Nakakatawa ba?" asar kong tanong. "Tinatanong ko kung sa'yo ba kako ang lugar na 'to!" Pinihit niya ang kaniyang ulo paharap sa akin. Gayunpaman, hindi ko pa rin makita ang buo niyang mukha dahil sa cloak na suot. "This place is one of my possessions. The first rank's possessions are prohibited to touch nor to trespass." "Tapos?" Nagpanggap ako na walang pakialam. "It's one of the rules. Rules that are disobeyed are equivalent to a punishment, but as a new student I will let you pass this time." Nakangiwi ko siyang tinignan. "Rules kamo?" "You haven't read the rules?" "Oo..." wala sa sariling naisagot ko. Natahimik kaming dalawa at hindi na muling nag-usap nang panandalian. Kahit hindi ko siya tignan ay alam kong parehas lang kaming nakatingin sa bilog na buwan sa itaas. Bakit hindi niya pa rin ako pinapaalis? Akala ko ba... bawal? "You are a total opposite of Hennie." Nanatili siyang nakatingin sa buwan habang sinasabi iyon. Sandali ko siyang sinulyapan bago binalik ang paningin sa langit. "She's quiet and you're loud." Umangat ang aking kilay. "She's cold and you're hot..." Napangisi ako. "Hot tempered. It's not what you're thinking." Dahil sa sinabi niya ay tuluyan akong napabusangot. "Bakit mo ba kami pinagkukumpara?" Talagang nakaramdam ako ng inis. "Nothing. It's just that, you are the total opposite. She's like a lady and you are," naramdaman ko ang pagtingin niya sa kabuuan ko. "...nevermind." "Bakit nga ba kasi kinausap kita?" Asar na asar na ako. "Galit ako sa'yo, hindi mo ba nararamdaman?" Nang ibaling ko ang paningin sa kaniya, tila ba inosente siya at walang alam sa sinasabi ko. "Unang-una itinarak mo sa akin ang dart na akala ko may lason. Muntik pang may madamay kaya wala akong choice kundi saluhin pabalik ang lintik na dart na iyon." "I thought... maiiwasan mo, but it's your choice to get pricked, not mine." "Ano?!" Mas tumindi ang pagkakasalubong ng aking kilay. "Sa isang araw na pag-aaral ko rito kung anu-ano nang napagdaanan ko! Isa pa, hindi ba't halos atakihin ako sa puso nang gulatin mo ako dito mismo kagabi!" Talagang sumakit ang aking puso. Nanatili siyang inosenteng nakatitig sa akin. "Nasaan ang sorry mo? Hindi ka marunong?" sarkastiko ko pang tinanong. "Rankings can't do that..." Nabigla ako kaya natutop ang labi ko. Bawal? Kakaiba nga naman. Hindi ko alam kung dapat ba akong maawa o mainis kaya nauwi sa ngiwi ang aking labi. Asta kong iinumin ang softdrinks na hawak, pero bigla niya itong hinablot sa akin at itinapon ang laman. "Sinayang mo!" Anak ng... Hindi niya ako pinansin at inalis ang balat ng can hanggang sa ang pinong metal na lang ang makita. "We have a deal, right?" Nagtataka ko siyang tinignan. "You will say who you are, but I must say who I am first. Well, it might be late, but..." Natulala ako nang marinig iyon. Late. Iwinaksi ko ang nasa isip. "Anong connect niyan sa ginagawa mo?" Nagulat ako nang ibigay niya ang lata sa akin. "That's my name." Nakanganga kong tinitigan iyon. "Niloloko mo ba ako? Lata lang into, e." "I thought you had a brain." Bago ko pa man maipakitang nainsulto ako ay naglaho na siya. Tila bumagal ang takbo ng oras habang pinagmamasdan ko ang inupuan niyang duyan kanina at ang hawak kong lata na kumikinang dahil sa sinag ng buwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD