Natulala ako, ngunit ang pagdaloy ng luha mula sa aking pisngi ay hindi nahinto. Narinig ko ang mga yabag ng paa na papalapit sa amin - ang aming mga kaibigan. Kasabay niyon ay ang pag-ingay ng paligid.
"Maika, wake up." Kinuha ni Nash si Maika sa braso ko at 'tsaka inalog na para bang kapag ginawa niya iyon ay mabubuhay ito.
"Nash... A-anong gagawin natin?" Nagsimula nang umiyak si Felice.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala akong magawa kundi ang tignan lang mga palad ko na may bahid ng dugo ng aking kaibigan.
Hindi ko lubos akalain na sasaluhin niya ang panganib na para sa akin.
Pakiramdam ko ay napakasama ko, inisip kong hindi siya totoo sa akin, pero ganito ang ginawa niya. Iniligtas niya ako.
"M-maika..." ni hindi ko na marinig ang sarili kong boses.
Kaagad siyang binuhat ni Nash nang dahan-dahan. Hindi ko agad nagawang tumayo lalo na nang makita ko ang lanta niyang kamay na tinuluan pa ng dugo na nagmumula sa kaniyang dibdib.
"Bakit niya sinalo ang pana?"
"Nakakalungkot, sana mabuhay siya.."
Hindi ko na nagawa pang lingunin ang mga nagsalita, abala sa sarili nararamdaman.
Mula sa harapan ko ay nakatayo si Dash, nakatalikod mula sa akin, sinusundan ng paningin si Nash na buhat si Maika. Tila gustong humakbang, pero hindi magawa. Nakita ko ang paninginginig ng kamao nito.
Susunod na sana ako sa nagmamadaling si Nash at Felice, pero kusa akong nahinto nang marinig ang halakhak sa entablado.
Hinarap ko ito. Nanginig ako sa galit nang makita ang nakakainsulto niyang pagngisi sa akin - ang Ejento Yomashi.
Nanghahamon ang mga tingin nito.
Alam kong wala akong laban sa kaniya kaya wala akong nagawa kundi ang tignan ito nang masama at pagbantaan sa isip bago tuluyang tahakin ang daan papunta sa infirmary kasunod nila Nash.
Bumagal ang takbo ko nang makita nasa labas ng clinic si Nash na sinuntok ang pader at si Felice na umiiyak.
Imbis na magtanong ay mas pinili kong dahan-dahang maglakad papasok sa loob.
Nanikip ang dibdib ko nang makita ang isang babaeng duguan at nakaratay sa higaan.
Lumapit ako roon.
"Hindi lang basta palaso ang tumama sa kaniya. May lason iyon na kapag dumaloy sa katawan ng tao ay maaaring magpatigil sa pagtibok ng puso niya sa loob lamang ng sampung segundo." Malungkot na tumingin sa akin si Nurse Pamela.
Hindi ko matanggap ang narinig ko. Nanghihina akong napaupo sa sahig. Pinigilan ko ang aking hikbi gamit ang pagtakip sa bibig ng kamay, ngunit kusang tumatakas ang mga iyon.
Kung hindi ko ba inaway si Maika ay hindi ito mangyayari?
Hindi niya man lang naipaliwanag ang panig niya.
Dahil hindi ko siya binigyan ng tiyansa.
Hindi ko alam na... ito na pala ang huli.
Ilang oras akong nakaupo sa sahig at umiiyak. Hindi ko pa rin matanggap na wala na si Maika. Si Maika na walang ibang ginawa kundi tulungan kami at maging mabuting kaibigan sa akin kahit na nagkamali siya.
Imbis na unawain ay kinamuhian ko pa siya. Hindi ko alam na magiging ganito kasakit mawalan ng kaibigan. Kaibigan na hindi mo na muling makikita.
Walang gana akong tumayo mula sa kinauupuan. Ganoon na lang ang lungkot na naramdaman ko nang makitang wala na ang katawan ni Maika sa higaan.
Kahit hirap pa rin ay pinilit kong maglakad para makauwi sa unit. Wala na sila Nash at Felice sa labas at alam kong nakauwi na sila ngayon.
Binuksan ko ang pinto ng unit nang makarating.
Nadatnan kong nakaupo si Nash sa sofa. Ganoon pa rin ang damit niya at mugto pa ang mga mata. Tinatakpan niya ang bibig para hindi makapaglabas ng hikbi, ngunit kita sa kaniyang brasong gumagalaw na umiiyak siya.
"N-nash..." marahan akong humakbang palapit sa kaniya.
Huminto siya sa paghikbi. Kasunod niyon ay ang pagtayo niya at paglagpas sa akin. Tila may tumusok sa aking puso. Alam kong galit siya sa akin dahil parehas lang kami nang iniisip. Kung hindi ako ang natapatan ng pana, malamang buhay pa ngayon si Maika at hindi humarang para sagipin ako.
"Nash..." tinawag ko ulit siya at hinabol sa tapat ng pinto.
Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. "S-simula ngayon lilipat na ako ng unit."
Hindi agad ako nakapagsalita. Nabigla ako. Talagang galit siya - galit na galit.
Naiintindihan ko dahil alam ko kung ano si Maika sa kaniya kaya ganoon na lang ang naramdaman niya, pero masakit para sa akin na talikuran niya ng ganito kahit na hindi ko naman ginusto ang nangyari.
Wala akong nagawa kundi ang panoorin ang paghakbang niya palayo.
Miyerkules, kahit ayaw kong pumasok ay napilitan ako dahil ayoko namang bumaba ang grado ko. Dumaan sa unit si Nash para tuluyan nang hakutin ang natira niyang gamit. Namamaga pa rin ang mata niya at ang masakit pa ay para lang akong hangin sa paningin niya.
Nakailang buntong-hininga ako habang nilalakad ang daan papunta sa taekwando hall.
Nakakalungkot dahil alam kong nandito na nga siya, pero nang tawagin ko siya kagabi ay hindi man siya dumating. Sa tuwing kailangang kailangan ko siya ay wala siya para iligtas ako.
Nanatili akong nakatayo habang pinapanood ang mga estudyanteng pumapasok sa comfort room para magpalit.
"Bakit pinilit mo pang pumasok?" Nilingon ko ang aking gilid at doon ko nakita si Odyssey. "Alam ko ang nangyari kagabi kaya huwag mo akong tignan nang ganiyan."
Nagbaba ako ng paningin.
"Kung ayaw mo naman akobg sagutin e 'di magpalit ka na, dahil kung hindi mo naitatanong ay magsisimula na." Pagkatapos ay umalis na siya at pumasok na rin sa comfort room.
Sumandal ako sa pader at tiningala ang mataas na kisame. Nalungkot ako nang matanaw sa kabilang gilid sila Felice at Nash na parehas ring parang lantang gulay.
"Nariyan na ang mga ranggo!"
Natinag ako sa sigaw na iyon at naalis ang sarili sa pagkakasandal. Kaagad akong sumulyap sa malawak na entrance at doon namataan ang mga ranggo na suot na ulit ang cloaks.
Anim. Anim lang sila at alam kong sa lahat ng mga naglalakad ay wala roon ang unang ranggo.
Nanlumo ako bago napaupo sa sahig at nasapo ang mukha ko.
Sa pagkakataong ito naalala ko si Maika, narito siya palagi kapag may problema ako, narito siya palagi para payuhan ako, narito siya para bigyan ako ng pag-asa. Ngayon, wala na siya.
Aalis na sana ako mula sa pagkakaupo, nang makita ang ilang pares ng sapatos sa sahig. Nag-angat ako nang paningin. Nakita ko ang limang lalaking hindi pamilyar sa akin.
Tuluyan na akong tumayo, pero hindi ko inaasahang itulak ako ng nangungunang lalaki na may malaking katawan dahilan para tumama ang likod ko sa pader. Napaingit ako sa sakit. Nang makabawi ay kaagad ko siyang tinignan nang masama.
Ngumisi siya, ganoon na rin ang ginawa ng mga kasama niya. Galit ang nakikita ko sa kanila. Sa akin, galit sa akin.
"Anong tingin 'yan? Magyayabang ka na naman? Gagamitin mo na naman ang pagiging dating pangalawang ranggo para tapaktapakan kami?!"
Bahagya niyang inilapit ang mukha niya kaya naman itinulak ko siya.
"Wala akong oras para sa'yo."
Tinalikuran ko ang mga ito para umalis, ngunit sadya yatang makulit ang lahi nila para hilain na naman ako pabalik.
Nakapaskil ang galit na pagkamangha sa mukha nito. "Hindi mo ako natatandaan?! Tignan mo ang mukhang ito baka sakaling maalala mo."
Inis akong nag-iwas nang paningin nang ituro at ibalandra ng lalaking nasa unahan ang mukha niya.
Siya ang lalaking pinakanta ko, bago ako mapunta sa detention room.
"Natatandaan mo na?!" Sobrang yabang ng paraan nang pagkakasigaw niya kaya naman mas lalo akong nainis.
"Anong gusto mong mangyari?" Pinakalma ko ang boses ko kahit na naiirita na talaga ako. "Diretsahin mo na, sinabi ko nang wala akong oras para sa'yo."
"Tama na nga ang pagtatapang tapangan! Dahil hindi na ako takot ngayon sa'yo. Nalaman ko lang naman na hindi ikaw ang dating pangalawang ranggo at kakambal ka lang niya! Ang kapal naman ng mukha mong magpanggap at maging hambog!"
Natigilan ako.
Paanong nangyaring kumalat iyon?
"Gaganti ka?" Matapos ay nakangisi ko siyang tinignan.
Namumula ang mukha niya sa galit. "Bantayan mo ang sarili mo. Ipinahiya mo ako at inangasan, pero impostor ka lang naman. Makikita mo lulumpuhin talaga kita."
Nakaramdam ako ng kaba, pero hindi ko pinahalata.
"Wala talagang lihim na hindi mabubunyag dahil lumabas ang tunay mong pagkatao. Sa payat mong iyan siguradong isang pitik ko lang sa'yo ay mababalian ka!" Nakuha pa nilang magbiruan.
Nag-igting ang aking panga ko. Hindi ako makapagsalita dahil ako mismo hindi alam ang gagawin.
"Huwag kang basta-bastang tatalikod, Ms. Vigo. Hindi mo alam kung sinong nakasunod sa'yo."
Tumaas ang balahibo sa aking batok.
"Hoy!" Sabay kaming lumingon sa sumigaw. "Ano 'yan?"
Nakaramdam ng ginhawa nang makita si Kirby.
Tumawa ang lalaki. "Wala naman, pinapayuhan lang namin ang kaibigan mo na mag-ingat. Alam mo na, delikado sa school na ito hindi ba?"
Nginisian pa ako nito atsaka kunwaring pinagpagan ang uniform ko.
"Siguraduhin mo lang." Tinignan nang masama ni Kirby ang mga lalaki bago ako binalingan at pasiring na inalis ang paningin sa akin.
Matagal kaming nakatayo lang at tumitingin sa kung saan bago siya muling nagsalita. "Ang tatanga. Paanong hindi nila napansin na hindi ikaw ang dating pangalawang ranggo?"
Nanlaki ang mga mata ko.
"Matagal ko nang alam. Nakakatawa ka alam mo? Bakit nagpanggap ka pa?"
"Hindi ako nagpanggap, talaga lang na akin ang pangalan na gamit niya."
Inilingan niya ako. "Puro gulo inaabot mo rito. Sa susunod mag-ingat ka. Siraulo 'yung si Raven kaya hindi ka niyon palalagpasin. Kahit pa freshman lang iyon ay dapat kang matakot sa kaniya."
"Mukha nga." Mukha pa lang dapat na katakutan.
Sa kabila nang nangyari ay nag-aral pa rin ako ng taekwando. Madalas akong masaktan dahil wala ako sa focus.
Hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin. Ang pagkamatay ba ni Maika? Ang sinasabi ni Nash at Felice na nakita at nakausap nila ako kahit alam ko naman sa sarili kong hindi ako iyon? Ang galit sa akin ni Nash? O ito, ang pagkalat ng balita na hindi ako ang dating pangalawang ranggo.
Dahil sa pagod ko ay lumabas ako sa taekwando hall at sa canteen dumiretso, pero sa daan pa lang ako ay sinalubong na ako ni Valentin.
Blangko ang mukha nito habang nakasandal sa lockers. "Hindi ko inaasahang ganito nila kabilis malalaman na hindi ikaw si Hennie. Hindi malabong alam na rin ni Spark ang lahat."
Wala akong nagawa kundi ang bumuntong-hininga.
"Anong plano mo ngayon?" Naiiling pa siya. "Siguradong madami nang nagtatangka sa buhay mo at wala ang unang ranggo para iligtas ka."
Talagang wala nga.
"Tatahimik ka na lang ba?"
"Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin. Masiyado na akong madaming iniisip ngayon at hindi ko alam kung makakaya ko pa bang dalhin lahat dahil sawa na ako. Pati mga kaibigan ko, nilalayuan na ako."
Umalis siya mula sa pagkakasandal at tinapik ang balikat ko.
"Nagtatampo lang ang mga iyon, siyempre nawalan kayo ng isa pang kaibigan."
"Pakiramdam ko sinisisi nila ako sa nangyari."
"Hindi ko alam kung paano kita papayuhan, basta maging matatag ka lang. Walang problemang hindi nalulutas basta gawin mo ang lahat ng makakaya mo." Nginitian niya ako bago sinenyasan na aalis na kaya tinanguhan ko lang siya.
Nakayuko akong naglalakad papasok sa canteen. Samu't-saring pintas ang naririnig ko mula sa lahat. Pakiramdam ko'y bumabalik ang mga araw na lagi akong pinagkakaisahan, binubully at sa pagkakataong 'to wala na naman siya.
Mukhang ipinaparating lang talaga sa akin ng mundo na kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa.
Umupo ako at nagsimulang kumain ng pasta. Nakakailang subo pa lang ako ay nahinto na ako nang matanaw sina Felice at Nash na umupo sa table na hindi kalayuan sa akin.
"Pati kaibigan niya ayaw na sa kaniya. Sinungaling kasi."
"If I know ginagamit niya lang ang pagiging dating pangalawang ranggo para magkaroon siya ng friends at katakutan siya. Ang kapal ng mukha! Masiyadong mayabang."
Napangiti ako nang mapait.
Napadako ang paningin ko sa salaming kuwarto na kinakainan ng mga ranggo, walang laman.
Tinignan ko ang pabagsak na umupo sa harapan ko.
Kaagad akong kinabahan.
"How I wish naniwala na lang ako sa hinala ko. I knew it, you changed. I thought it's just because you are replaced as the second rank, but then... my alibi was wrong." Kahit nakangisi siya ay alam kong galit siya. "Now, I'll give you a chance to explain."
Matagal ko siyang tinitigan. "Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo."
"Nothing huh?" Bakas ang inis sa kaniyang pagtawa. "Do you know what I am feelingright now? I feel like an idiot. I became a fool in your eyes! In everyone's eyes. Are you happy now? Masaya ka na ba at napaglaruan mo ako?"
Nag-iwas ako ng paningin at pabagsak na binitawan ang hawak na tinidor. "Sana nagtanong ka muna bago ka magdrama sa harapan ko. At sino namang may sabing natuwa ako sa'yo at sa ginawa mo? Wala akong niloko na kahit na sino!"
"Damn it!" Hinampas niya ang lamesa sa lakas ay bumigay ito.
Umingay ang paligid nang sa amin mapunta ang pansin ng lahat.
Matalim ko siyang tinignan, nakaguhit sa sariling labi ang inis.
Napilitan ako tumayo para umalis, hindi napansin na sinundan niya pala ako hanggang sa ground.
Kaagad niya akong nahila.
"Puwede ba? Tama na. Hindi ko kasalanan na inakala niyong ako siya, naiintindihan mo?! Hindi ko iyon kasalanan!"
"Great. You didn't tell us because we're not asking?! What a lame excuse!"
"Hindi mo ako naiintindihan." Tinulak ko ang balikat niya.
Napahilamos siya sa kaniyang mukha bago ako matalim na tinignan.
"Yes, I really couldn't understand you! Imposibleng hindi ka nagtataka sa mga inaasal naming nakakakilala sa dating pangalawang ranggo. Damn, you're unbelievable. The fact that you see us looking dumb is an enough reason for you to say the truth!"
"Sa tingin mo ba ginusto ko iyon? Bakit hindi ko sinabi? Bakit mas pinili kong magpanggap?!" Bumilis ang t***k ng puso ko nang dahil sa galit. "Para sa'yo! Para sa'yo iyon, Spark!"
Nandoon ang gulat at sarkastikong pagkamangha sa kaniyang mukha.
"Seriously?! Because of me - what the f**k? Do you think that I would believe your shits, huh?! Tell me. Why did you do that? Am I that important to you, for you to sacrifice yourself to the future possibilities of this shits?!"
Natawa ako. "Hindi. Hindi ikaw ang importante para sa akin, Spark. Ang kakambal ko ang importante para sa akin. Ayokong kapag nalaman mo na umalis ang kilala mong Hennie ay sundan mo siya na maaaring maging dahilan ng mga masasamang future possibilities na sinasabi mo. Ayokong kapag nalaman niya na may masamang nangyari sa'yo ay masasaktan siya... dahil alam kong mahal ka niya."
"Stop..." umiling siya sa akin. "Stop please."
Wala na ang paniniwala niya sa bagay na iyon.
"Sa tingin mo ba makikipagrelasyon sa'yo ang kakambal ko kahit bawal kung hindi ka niya mahal?"
Talikuran niya ako. Sa ayos niya ay alam kong umiiyak siya.
"P-please... just drop it." Muli niya akong hinarap at hindi nga ako nagkakamali. "If she loves me why did she broke-up with me? Bakit niya ako ipinagpalit sa saiko ranku?!"
Pakiramdam ko ay kinurot ako sa puso. Nasasaktan ba ako dahil nakikita ko kung gaanong nasasaktan si Spark... o dahil nalaman kong nagkaroon ng relasyon ang kakambal ko at si Silver?
"Until now... I'm still hoping that she'll comeback to me. You broke my hope, 'cause you are not her. Funny, the casts are complete now. You want to know a secret? A secret that doubled the pain that I am feeling?" Puno ng sakit ang mga mata niya pinagkokonekta niya kami gamit iyon. "Ipinagpalit niya ako sa ranggong ginamit lang naman siya para mahanap ang kapatid niya."
Natigilan ako at hindi kaagad nakapagsalita.
"He used your twin just to find you." Ginulo niya ang buhok niya, bigo, kagaya ko. "I didn't know that she has a twin, ang alam ko lang ay may kapatid siya. And that is you... I remembered when she said how much you worth. And now I'm thinking, iyon ba ang dahilan kung bakit gusto kang hanapin ng saiko ranku?"
Napalunok ako. Pakiramdam ko tumigil ang paghinga ko. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.
"Bawiin mo ang sinabi mo..."
Nginisian niya ako, pero ang mata niya ay may lungkot pa rin. "Why would I? Iyon ang totoo. Iyon ang alam ko. Now I'm warning you, avoid him."
Tulala kong pinanood ang paglalaho niya.
Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang sinabi ni Spark.
Wala sa sarili akong naglakad-lakad. Gulong-gulo na ako at hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Hindi ko na talaga alam.
"Magkakasalubong pa tayo? Ito na ba ang suwerte ko?"
Inangat ko ang aking paningin sa limang taong humarang sa akin. Pamilyar na pamilyar ang boses niya kaya naman hindi ko napigilang hindi kabahan.
Si Raven.
"Bakit naman kasi hatinggabi na nasa labas ka pa? Natiyempuhan tuloy kita!" Tumawa siya maging ang mga kasama niya sa kaniyang likuran.
Asar ko siyang tinignan at tinangkang lagpasan, pero nahawakan niya kaagad ang aking braso nang mahigpit, na sa sobrang higpit alam kong magkakaroon ng marka.
"Bitawan mo ako."
"Matapang ka pa rin hanggang ngayon? Where do you get the guts huh, little humbug?!"
Natawanan ulit sila at nakakainsulto ang dating niyon para sa akin.
"Ano bang kailangan mo?!" Pinilit kong maging matapang kahit na sa loob-loob ko ay kinakabahan na ako nang sobra.
Nasa liblib na parte kami ng unibersidad at gabi na kaya naman imposibleng may makarinig sa akin kung sakaling hihingi ako ng tulong at kung may makarinig man... tutulungan ba nila ako?
"I already told y'ah b***h. I will teach you a lesson!" Matapos ay itinulak niya ako sa mga kasama niya na hinawakan kaagad ako sa magkabilang braso.
"Bitawan niyo ako!" Pinilit kong makawala, pero talaga lang na malakas ang mga lalaking nakahawak sa akin.
"Tahimik! Nakakabingi ka!" Lumapit siya sa akin at hindi ko inasahan ang ginawa niya.
Sinampal niya ako.
Pumaling ang ulo ko sa tagiliran. Hindi makapaniwalang ang lalaking ito ay nananakit nga ng babae sa kabila nang maamo niyang mukha.
Dahan-dahan akong lumingon pabalik at matalim siyang tinignan kahit pa alam kong nagtutubig na ang mga mata ko.
"Does it hurt?"
Kumuyom ang kamao ko.
"Mas pinapatunayan mo lang na wala kang kuwenta," mariin kong sinabi.
Natatawa na naiinis niya akong tinignan.
"b***h!" Dinakot niya ang pisngi ko gamit ang isang kamay. Sa sobrang diin ng pagkakahawak niya ay nasusugatan na ako. "How dare you!"
Muli niya sana akong sasampalin, pero naunahan ko na siya.
Napaupo siya sa sahig hawak ang sikmura dahil sa sipang pinakawalan ko. Akma akong susugudin ng dalawang nakaantabay sa kaniya nang umikot ako patalikod mula sa mga humahawak sa akin at sinipa ang mga ito sa kanilang tagiliran kaya't sabay na dumulas sa pagkakahawak nila sa akin at nagkaroon ako ng tiyansang tumakbo.
"What are you staring at?! Get her!"
Mayamaya pa ay naramdaman ko na ang paghabol nila sa akin.
Magteteleport na sana ako, pero laking gulat ko nang may humatak sa aking buhok. Masakit, pakiramdam ko matatanggalan ako ng anit.
Haharap sana ako para bumato ng suntok, pero nauhan na niya akong suntukin sa sikmura kaya naman napaupo ako sa sahig. Halos mapahikbi na dahil sa dobleng sakit.
"Gago ka tatakas ka pa?!"
Tuluyan ko nang sinalubong ang lupa nang tadyakan niya ako sa sikmura.
Hindi ko na kaya. Unti-unti nang bumibigay ang katawan ko.
"Bastard!" Nakahinga ako nang maluwag nang makarinig ng boses mula sa 'di kalayuan.
Itutuloy...