Napangiti ako nang makita siya sa harapan ko. Ngumiti rin siya sa akin, nang mga oras na iyon alam kong sa akin lang siya nakatingin kahit na natatakpan ng buhok niya ang kaniyang mukha.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "Gabi na..."
Napakamot siya sa kaniyang batok. "Wala lang, gusto ko lang pumunta rito. Medyo na-miss kita e."
Sabay kaming naupo sa damuhan. Dahil nasa garden kami ng bahay namin ay kitang-kita ang mga bituin na kumikinang lalo na ang bilog na buwan. Payapang panoorin at napakaganda sa mata.
"Sabi nila kapag namatay raw ang tao sa stars daw sila mapupunta." Naalala ko ang tungkol sa sinabi ni Daddy, iniisip si Mommy na hindi ko man lang nasilayan.
Kahit hindi ako lumingon ay naramdam kong napalingon sa akin si Silver. "Talaga? Is that legit?"
Napasimangot ako. "Sinisira mo 'yung moment e!"
Tumayo siya sa harapan ko. "Alam mo bang mas magandang sumayaw kapag bilog ang buwan?"
Kumunot ang noo ko.
"Sabi nila kahit na magkalayo tayo, magkikita't magkikita pa rin tayo kung magsasayaw tayo." Inilahad niya ang palad niya sa akin.
Medyo nakasimangot ko pang kinuha iyon. Naiinis pa rin ako dahil mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko kanina.
Inilagay niya ang aking kamay sa kaniyang balikat, ang isa ay inihawak niya sa palad niya at dahan-dahan niya namang inilagay ang kamay niya sa beywang ko.
"Hindi naman tayo maghihiwalay hindi ba? Bakit kailangan pa nating gawin ito?"
Nakita ko kung paano siyang ngumiti nang malungkot. "Nothing... curiousity I guess?"
Nakisabay na lang ako sa kaniya sa pagsayaw nang hindi nabubura ang pagkakasimangot.
Hindi ko alam na kaya pala kami nagsayaw noong gabing iyon ay dahil bukas iiwanan niya na ako - na inakala kong huli na naming pagkikita.
Ngayon ay pinapaniwala akong kasabihang iyon, dahil muli kaming nagkita ng aking kababata.
Pakiramdam koy nanigas ako sa kinatatayuan ko. Maging ang mga nasa paligid namin ay hindi na gumagalaw. Lahat ay gulat, nag-aabang at hindi makapaniwala.
Inis na natawa si Spark. "Property? Really saiku ranku?"
"Where do you get the guts to question me?"
Magsasalita pa sana si Spark, pero mabilis akong pumagitna. "You came late, I just can't resist the look in her eyes."
Nanlaki ang mata kong binalingan si Spark.
Naiinis na ngumisi si Silver sa kaniya. "We already talked about this Weyn, back-off."
Matagal silang nagsukatan ng tingin ni Silver. S isang iglap ay naglaho na lang siya sa harapan ko.
"Unbelievable. Ang dating pangalawang ranggo... at ang unang ranggo?"
Nailang ako bigla. Nakaramdam ako nang kaunting guilt dahil sa nangyari. Sana talaga ay hindi na lang ako pumayag sa alok ni Spark at naghintay na lang kay Silver. Hindi naman ibig-sabihing hindi siya nakarating sa tamang oras... hindi na siya sisipot.
"I'm late..." nahihimigan ang lungkot sa kaniyang boses.
Tumango ako. Nalaglag ang aking paningin sa baba. Kasabay niyon ay ang muling pagtugtog ng musika.
Dahan-dahan siyang lumapit. Marahan niyang kinuha ang kamay ko at inilagay sa balikat niya at ang kamay niya naman sa beywang ko.
"You look stunning..."
Nag-iwas ako ng paningin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pinilit kong ngumiti. Matapos ay tiningala ko ang langit, open-area ito kaya tanaw na tanaw sa puwesto namin ang bilog na buwan at ang mga nagkalat na bituin..
Dumapo ang paningin ko sa kaniya. Nang makita kung gaano siya kaguwapo at elegante ay bumalik ang paru-paro sa aking dibdib.
"I remember the night when our first dance happened." Nangiti siya nang malungkot. "That is the last night that we saw each other. Actually I just invented that thought, that when we danced together under the moon even if we departed from each other we will meet again."
Nabigla ako, pero hindi ko ipinahalata.
"I don't know that it will come true."
Isang bagay ang nakalimutan ko, kaya niyang basahin ang nasa isip ko.
"I'm sorry if I lied, I'm sorry I break my promise, I'm sorry I hurt you. But honestly that was the most difficult thing that I've done my entire life just to make sure that you wouldn't stop me from leaving. Because if that happened, I think I will break the promise that I made for my parents."
Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang hikbi. Kumakalat ang pamilyar na kirot sa aking dibdib, pero hindi na ito dahil sa galit.
"Hindi lang ikaw ang may mali. Kasi ako? Hindi ko man lang inisip kung ano ang dahilan mo. Buong buhay ko inisip kung bakit ganoon na lang kadali para sa mga taong mahal ko ang mangakong mananatili sa tabi ko, pero hindi rin naman pala nila kayang panindigan. Pasensiya na dahil mahina ako kaya nasaktan ako, kasi... naniwala ako." Napangiti ako nang mapait kasabay ng pagdaloy ng luha sa pisngi ko.
Huminto kaming parehas sa pagsasayaw.
"Buong buhay ko nagalit ako sa'yo, pero hindi ko alam na nahirapan ka para lang... makita ako. Bakit, Silver? Bakit mo ginawa iyon? Puwede mo bang... sagutin ang tanong ko? Bakit hinayaan mong masaktan ka kapalit ng kalayaang makita ako?"
Sa isang iglap ay nagbago ang mga tingin niya, hindi ko mabasa. Napakagulo dahil may isa siyang gustong sabihin. Alam kong isa lang, pero hindi niya pa rin masabi.
Ilang segundo ang dumaan at walang nagbitaw sa titig namin. Umawang ang labi niya, senyales ng pagsagot na sana ngunit ang nakatutulilig na ingay ng sintunadong mikropono ay inawag ang atensiyon naming dalawa kasabay ng paghinto nang mabagal na musika.
Umakyat doon si Mr. Natividad. Kagaya ng dati ay nakangisi. Hindi maganda ang naging pakiramdam ko rito.
"Good evening, ladies and gentleman. You all look gorgeous tonight. Mukhang pinaghandaan niyo talaga ang kasiyahang ito." Nangibabaw ang peke nitong pagtawa. "Everytime we conduct our acquaintance party the Yoguri agents are coming. Some of you have no idea about this, especially our newbies so this time you will witness the real show."
Nawala ang atensyon ko kay Mr. Natividad nang makita ang paglapit ni Clen sa banda namin. Nilagpasan niya ako at may ibinulong kay Silver. Nakita ko kung paano itong nagulat. Parehas silang nagteleport paalis nang hindi man lang nakapagpapaalam sa akin.
Nakaramdam akong muli ng lungkot. Nakalimutan niya kaagad ako.
Ibinalik ko ang paningin sa entablado na pinapalamutian din ng ginto.
"Tonight, we invited the Top 20 Yoguri Agents to observe our students. We are welcoming you up on stage 20th century Ejento's."
Nagsimulang lumakad papasok sa entrance ang dalawampung bagong mukha para sa akin. Inihatid ito ng mga guwardiya matapos pagbuksan ng pinto sa pila ng itim na kotseng pinanggalingan. Halos iisa ang tindig at ekspresiyon ng mga ito - mapababae o lalaking ejento ay blangko ang mukha at tila iisa ang sentro ng paningin.
Misteryoso ang suot nilang all-black slacks at black gown-type suit, ang pinagkaiba nga lamang ay fitted ang suot ng mga babaeng ejento kumpara sa mga lalaki. Kagalang galang ang lahat sa kanila. Tila walang kapintasan.
Literal na napapaatras ang mga estudyanteng nadaaanan ng mga ito, kusang humahawi.
Mas tumutok ang paningin ko sa lalaking ejento na nauunang maglakad; matangkad, maputi at may malaking katawan na siyang nakangisi sa akin. Tingin ko ay matanda lang ito nang ilang taon sa akin.
Tila tumagos ang paningin niya sa akin nang lagpasan ako. Hindi na ako nakagalaw nang panoorin ang mga itong pormal na umakyat sa entablado.
Nakaramdam ako nang matinding kaba.
"Your existance to this event is our pleasure. Thank you for coming," si Mr. Natividad na nakatingin sa matangkad na lalaki na siya lamang na kakikitaan ekspresyon sa lahat ng kasama niya.
"Ofcourse, it should be." Nakangisi pa rin siya. "This is not the first time that I visited here, but this is the first time that I saw a student staring at me without a trace of politeness."
Nagulat ako nang ibaling niya ang paningin niya sa akin.
Nilibot ko ang paningin sa aking paligid. 'Tsaka ko lang nakita na ang lahat ay nakayuko bilang paggalang - maging ang nga ranggo at opisyales samantalang ako lang ang nakatayo nang tuwid.
Natawa si Mr. Natividad, ngunit nahihimigan ko ang inis nito para sa akin. "We're very sorry for that, Ējento Yomashi."
Nagsalubong ang aking kilay. Pakiramdam ko'y pamilyar sa akin ang itinawag sa kaniya. Yomashi? Iyon ba ang nabanggit ni Clen na ika niya'y kataas taasang Yomashi?
"You, bow as a respect-"
Nahinto sa tangkang pag-utos sa akin si Mr. Natividad nang itaas ng lalaki ang kanan niyang kamay para pigilan ito.
"She don't have to..." Nanatili ang ngisi nito sa labi ngunit naroon din ang naniningkit at nanunuring mga mata. "Guess you're a newbie?"
Bakit... bigla akong nakaramdam ng inis sa asta niya?
Magsasalita na sana ako, nang maudlot ito sa pagtayo ni Mr. Tokuguri at ng Dean.
"She is Hennie Vigo, the second rank last year..." anang Dean na ngumiti pa sa lalaking tinawag na Ējento Yomashi ni Mr. Natividad.
Napangisi lalo ang lalaki. "I see. The famous Hennie who wear a silver ball-gown right now."
Pakiramdam ko'y insulto iyon at hindi papuri.
"We're very sorry for her attitude. That's how she really acts," si Mr. Tokuguri. "If you won't mind, may you proceed to the 'right' topic?" hilaw itong ngumiti sa matangkad na lalaki.
"Indeed." Sinagot nito ang director, pero sa akin nanatili ang kaniyang paningin. "May you all stand straight. We're about to start."
Isang salita lang nito ay umangat na ang ulo ng lahat maging ng mga ranggo. Tila kahit ang salita nito ay makapangyarihan.
Naiiling na tumingin sa akin si Kianya bago bumaling sa entablado.
"I'm here to witness the improvement of the students. Hindi naman na iyon bago para sa mga dati nang nag-aaral rito, hindi ba? Except from the... newbies."
Pakiramdam ko ay may diin pa ang huling salitang binitawan niya.
"As you can see I have some friends beside me." Tukoy niya sa mga katabing ejento. "They are here to grade your archery skills; to know who are those who have the potential to get to the last three spots in rankings. So for now, may I know who are the top three from the regular student got the highest grades?" Bumaling siya kay Mr. Natividad.
"To those who are mentioned please proceed on stage."
Tatlong ang may matataas na grade. Isang babae at dalawang lalaki na hindi ko parehas kilala. Sabay-sabay silang umakyat at nakipagkamay sa lahat ng agents na naroroon.
Sinenyasan ng Ējento Yomashi ang tatlo sa mga kasamang guwardiya kanina. Umakyat ang mga iyon dala ang... mga pana.
Kakaibang pakiramdam ang bumalot sa akin nang piringan ng mga nautusang guwardiya ang tatlong estudyante matapos ibigay ang pana. Ilang beses inikot ang tatlo sa puwesto at sabay ring hininto paharap sa aming mga nasa ibaba ng entablado. Hindi inalis ng tatlong guwardiya ang pagkakahawak sa balikat ng tatlong estudyante dahil sa oras na gawin nila iyon ay natutumba ang mga ito dahil sa pagkahilo.
Anong kalokohan ito?
Marahang nilapitan ng Ējento ang babaeng nasa gitna, inakbayan ito sa hindi pala-kaibigang paraan. Gumagalaw ang labi ng Ējento senyales na may ibinubulong ito sa babaeng estudyanteng iyon. Tinapik niya ito sa balikat bago lumayo ng bahagya roon.
Muling itinapat ni Ējento Yomashi ang mikropono sa labi. "Walk!"
Halos matalisod ang tatlong estudyante nang paglakarin ng Ējento. Naroon pa rin ang hilo, epekto ng pag-ikot sa mga ito.
"Halt!" nasundan kaagad ng panibagong utos mula sa Ējento Yomashi.
Kahit iika ika ay pinilit na huminto ng tatlo. Ngayon ay sa magkakaibang direksiyon na nakaharap ang mga ito. Dahil hindi kontrolado ang direksiyon na pupuntahan kanina nang paglakarin.
Ano ang binabalak ng Ējentong ito?
"Now... pull the string."
Natahimik ang lahat, naguguluhan sa sinabi ng Ējento. Maging ang mga ranggo ay mukhang walang ideya sa nangyayari.
"Who told you to move?!" sinabi niya ito nang may ilang estudyante mula sa baba ng entablado ang nagtangkang gumalaw. "Don't you want to help your fellow students? This is a test for these three archers!"
Nakakaloko ang ekspresiyon na ipinapakita nito.
Kahit ako ay hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko nang makitang sa akin nakatapat ang isa sa tatlo. Tila inaasinta ako nito nang mabuti. Doon ako lalong kinabahan. Sa oras na bitawan niya ang tali ay tatamaan ako.
Walang tinatapatang tao ang dalawang lalaki kaya suwerteng wala silang tatamaan, pero... sa akin nakatapat ang babaeng binulungan kanina ng Ējento. Nakapiring ito at hindi malalaman kung may tatamaan ba. Maliban na lang kung...
Tinignan ko ang Ējento Yomashi na nakangisi na sa akin.
Maliban na lang kung inutusan ito ng Ējento.
Nagawa kong tignan ang mga kaibigan ko na konti na lang ay maiiyak na mula sa gilid ng aking mata. Mukhang hindi lang ako ang nakakatunog na sinasadya ito ng Ējento Yomashi.
Nasaan ka na ba?
"Ējento Yomashi, this is not the right thing to do-"
Naputol sa pagsasalita ang Dean ng senyasan ng Ējento Yomashi ang kapwa ejento. Tatlo sa mga ejento ang naglabas ng baril at itinutok sa tatlong estudyante na nag-aalangan na sa ginagawa.
"Now my precious archers, don't release the arrows and you'll be shot dead." Walang mababakasang pag-aalinlangan sa bawat sinasabi nito.
Dahil roon ay hindi na nakatutol ang mga opisyales. Bakas ang pagdisgusto sa mukha ng mga ito. Kung ganoong hindi sila makalaban sa mga ejento, pinapahiwatig lang nitong mas mataas ang mga ito sa kanila bilang opisyal lang ng paaralan laban sa mga agents ng corporation.
Hindi ito makatarungan. Ilang araw lang ay nasa binggit na naman ako ng kamatayan at kailangan ko na namang magsakripisyo.
"In a count of one..."
Nakita ko kung paanong pinagpawisan ang babae katapat ko na may hawak na pana.
"Two..."
Wala ni isang gumalaw sa lahat ng mga nasa ibaba ng entablado maging ang mga ranggo, pero hindi katulad namin kampante sila. Blangko pa rin naman ang ekspresiyon ng mga ejento na nasa taas maliban sa Ējento Yomashi na kulang na lang ay humalakhak sa sobrang galak.
"Three!"
Tila bumagal ang oras habang hinihintay ko ang pagtama nang matulis na palaso na papalapit nang papalapit sa akin.
Hindi ko ito puwedeng iwasan. Kung gagawin ko iyon ay mamamatay ang tatlong estudyanteng nasa entablado na kinokontrol lang din ng Ējento Yomashi.
"Huwag! Maika!"
Sa isang iglap lang ay may katawan na bumagsak sa harapan ko. Kasabay niyon ay ang magkakasunod na pagputok ng tatlong baril mula sa mga ejento. Nakita ko kung paanong dumanak ang dugo sa tinamaang ulo ng tatlong estudyante. Kasabay ng magkasunod na pagbagsak ng tatlong ito ay ang mabagal na pagkabura ng ngisi ng Ējento Yomashi.
Hindi kaagad na rumehistro sa utak ko ang nangyari, ngunit nagawa kong agapan ang pagbagsak ni Maika at masalo ito.
Inubo siya ng dugo. Nanginginig kong pinanood ang pag-agos niyon mula sa kaniyang labi.
"Masaya akong naging kaibigan kita Frezz, patawarin mo ako..."
Wala akong nagawa kundi ang isigaw ang kaniyang pangalan nang kausapin niya ako gamit ang isip kasabay ng pagpikit niya at pagdaloy ng luha pababa sa kaniyang pisngi.
Itutuloy...