Kinabahan ako sa narinig ko nang gabing iyon. Kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Hindi ako masiyado nakatulog kaya inaantok pa rin ako. Martes na ngayon at mamayang gabi na gaganapin ang party. Mas kinabahan ako dahil naalala ko na naman na kapareha ko pala si Silver. Kung tutuusin dapat hindi ko na nararamdaman iyon, dapat kampante na akong makasama siya dahil matagal ko na siyang kilala, pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Pakiramdam ko parang ibang tao siya.
Sumasagi rin sa isip ko ang mga sinabi ni Clen sa akin. Kung paanong pinaghirapan ni Silver ang puwesto.
"May hindi ka sinasabi sa akin." Sumulpot sa tabi ko si Nash, mukhang bagong ligo.
Heto na naman siya.
"Madalas ka palang pumunta sa taekwando hall. Nag-a-advance training ka ba para sa isang linggo? Ang daya mo ha, sana nagsama ka."
Natigilan ako at dahan-dahang napatingin sa kaniya.
"Huwag mo nga akong tignan nang ganiyan. Baka ma-misinterpret kita!"
Hindi ko pinansin ang biro niya. "Kailan mo ako nakita?"
"Last night. Maraming beses na rin. Ang seryoso mo masiyado. Magaling ka rin pala sa taekwando? Nag-take ka ba ng martial arts nang nasa labas ka pa ng university?"
Natahimik ako.
"Sige baka masunog 'yung niluluto ko. Sumunod ka na rin, kain tayo." Pagkatapos ay tumayo na siya at pumunta sa kusina.
Aminado akong may ideya na ako kung anong nangyayari, pero hindi rin ako makapaniwala. Hindi ako pumupunta sa hall.
Bakit sa halip na matuwa. Parang takot pa ang nararamdaman ko?
Kahit martes ay hindi kami in-allowed na pumasok. Inilaan daw kasi ang araw na ito para sa paghahanda ng mga estudyante para sa party.
Anong paghahanda ba ang gusto nila?
Namalayan ko na lang na binubuksan ko na pala ang kahon na pinaglalagyan ng gown at sapatos ko. Naroon ang dalawang rosas. Ang una niyang ibinigay na purong kulay dilaw at ang isa na may pula sa dulo.
May papel, pero walang nakasulat.
Lumabas ako sa unit. Nakita ko na kaagad ang ilang estudyanteng nakakalat sa labas. Nagtatawanan at nag-uusap.
"Kinakabahan na ako para mamaya."
"Ano naman kayang gagawin nila ngayon?"
"Malamang may buhay na naman na mawawala."
Nahinto ako sa paglalakad. Napayuko ang dalawang babaeng nag-uusap.
"P-paumanhin dating pangalawang ranggo, hindi namin alam na nandiyan pala kayo." Matapos magsalita ay sabay silang naglakad nang mabilis papalayo.
Gusto ko sana silang pigilan para magtanong, pero bilang inaakalang dating pangalawang ranggo ay hindi ko na ginawa. Dapat ay alam ko na iyon.
Ilang minuto rin akong nakatayo sa gitna ng hallway, walang pakialam sa mga estudyanteng dumadaan sa tabi ko.
Ipagpapatuloy ko na sana ang pagpunta sa labas, ngunit naudlot nang makita si Maika. Malungkot ang mata niya. Kagaya ko ay natigilan rin siya sa paglalakad. Hahakbang na sana ako para lapitan siya, pero mabilis niya akong natalikuran at naglakad papalayo.
Lumipas ang oras at dumating ang gabi. Pumunta si Felice sa unit para makeup-an ako. Nauna na raw si Maika sa venue.
Magandang tignan si Felice ngayon sa suot niyang ballgown at heels na kulay bronze, maganda rin ang pagkakaayos ng kaniyang buhok.
"Say, mwah!"
Ginaya ko naman ang ginawa niya.
"You look gorgeous na!"
Napangiti na lang ako at tumingin sariling repleksiyon sa salamin. Hindi lang iisa ang nagmamay-ari ng mukhang ito...
Mas pinili kong magsinungaling kay Felice kaysa sabihin ang nasa isip ko. Maging ako hindi alam kung bakit mas pinili kong pagtakpan ang bagay na iyon.
"Let's go!" sabik pa nitong inanunsiyo.
Lumabas si Nash sa mula kuwarto niya, gumuwapo siya sa suot na suit na binabagayan ng kulay bronze niyang necktie. Napaka eleganteng tignan.
"Maganda naman pala." Talagang hindi nawawala ang mapang-asar niyang tono.
Napaismid ako. "Wala sa lahi namin ang pangit."
Tumawa si Felice. "Oh wait, who's your partner?"
Napangiwi ako sa tinanong ni Felice.
"Sino nga ba, binibini-lang-ngayong-gabi?" si Nash.
Nagdalawang isip ako. Pakiramdam ko ay bawal.
"I-Ikaw, sino?" tinanong ko pabalik si Felice.
"Iñigo classmate namin ni Maika, speaking of Maika baka kanina pa siya naghihintay. It's better if we get going, right?"
Nakahinga ako nang maluwag. Nagpapasalamat dahil nakalimutan nila ang tanong nila sa akin.
Sabay kaming tatlo na pumunta sa field. Namangha kaagad ako sa nadatnan.
Sa field itinayo ang venue. Halos kulay pilak, tanso at ginto lamang ang makikita sa paligid. Pinapalibutan ng gintong lamp post ang buong venue at ng kulay ginto ring christmas lights. May mga artificial rin na kulay pilak at tansong mga dahon na nagsilbing disenyo. Literal na kumikinang ang venue.
Naghanap kaagad ako nang ibang lamesang mauupuan, dumiretso kasi sila Felice sa table ni Maika. Nagtaka sila, dinahilan kong doon ang table ng kapartner ko kahit na wala namang tao roon.
Lumipas ang kalahating oras. Kaagad na natahimik ang lahat nang dumating ang mga opisyales.
"They're here."
"Ugh. The creeps, Mae."
Maganda ang ayos ng Dean, elegante ang suot nitong gown na kulay ginto at sa maikling kulot nitong buhok. Sumunod naman ay si Mr. Natividad at Mr. Tokuguri na parehas na simple ngunit maawtoridad ang suot na mga suit, kapansin-pansin ang necktie na suot nila, bronze kay Mr. Natividad at Silver kay Mr. Tokuguri.
Tinignan ko ang suot ko. Ngayon ko lang napansin na nangingibabaw ako sa mga estudyante dahil ako lang ang nakasuot ng ganitong kulay. Kaya ba ganoon ang tingin na ibinigay nila sa akin?
"Nakaka-excite makita ang mga ranggo!"
"Shocks! 'Ayan na sila!"
Nakaramdam ako nang matinding kaba. Lalo na nang makita kong nakababa ang hood ng suot na cloak ng mga ito, pero lahat naman ay nakamaskara ng kulay ginto.
Talagang hindi nga maaaring magpakita ng mukha ang mga ranggo.
Unang pumasok ang ikapitong ranggo na si Nathalie, kulay ginto ang gown nito, kapansin-pansin din ang kulot nitong buhok na kulay lila, alam kong siya iyon dahil kulay ng buhok ang pinagbabasehan ko sa mga babaeng ranggo
Sumunod si Travis na ikaanim na ranggo. Itim ang suot nitong suitn, pero kulay ginto ang kurbata. Alam kong siya ito dahil sa medyo maputla nitong labi at itim na buhok.
Sinundan iyon ng ikalimang ranggong si Dash. Ganoon din ang suot niya, lumilitaw ang nakakalokong ngiti kaya unang tingin pa lang masasabi nang siya ito. Kulay brown ang buhok niya, pero hindi katulad ng kay Nash na medyo light.
"Ang guwapo nila..."
"Sana makasayaw ko sila mamaya! Kahit isa lang!"
Namangha naman ako nang makita ang ikaapat na ranggong si Ysabelle. Ginto rin ang suot nito, pero magkaiba sila ng disenyo ni Nathalie. Ang ikaapat na ranggo ay may blonde na buhok kaya alam kong siya ito.
Hindi nagpahuli ang ikatlong ranggo, si Clen. Katulad ng mga lalaking ranggo nakasuit din ito ng kulay itim at kulay gintong necktie na bumabagay sa blonde niyang buhok. Nalaman kong siya iyon dahil sa labi niya.
"Ang guwapo ni Clen!"
"I'm willing to die just to dance with the third rank!"
Sa likod naman nito ay naglakad si Kianya, ang pangalawang ranggo. Sa lahat ng babaeng ranggo ay siya lang ang may natural at itim na buhok. Nakangisi ito, kagaya ng karaniwang ekspresiyong makikita sa mukha. Nandoon din ang kalmado, ngunit sarkastiko niyang awra.
"She's really georgous."
"I admit it, pretty indeed."
Nanlumo ako nang makitang wala nang sumunod kay Kianya. Wala akong Silver na nakita. Nakaramdam ako nang kaunting kirot. Nagbaba ako ng paningin sa lamesa.
Sumulpot ang isang lalaki sa katabi kong upuan. Dahil roon ay napamura ako. Magkakrus ang dalawang braso nito. Tila inosente ang asta. Nakasuit ito ng kulay itim at kagaya ni Nash may kulay bronze na necktie.
"Bakit ka nandito?" Hindi ko gustong nandito siya ngayon.
"Ofcourse, I'm studying here so I'm required to attend."
Hindi naman iyon sarkatiko, pero nainis pa rin talaga ako dahil sa inosenteng pagkakasabi niya.
"Madaming lamesa. Bakit dito?"
Taas-kilay siyang tumingin sa suot ko. "Why are you wearing that kind of color?"
Kumunot na rin ang noo ko. "Anong masama sa kulay ng suot ko?"
"There's a dress code by color."
"At?" Wala naman sigurong masama dahil ito abg ibinigay sa akin. "Paparusahan ba ako?"
Nagkibit balikat lang siya at dineadma ang tanong ko.
Natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit hindi siya naiilang na nandito siya sa lamesa ko ngayon. Kung anu-anong sinabi niya noong isang araw tapos bigla siyang susulpot sa tabi ko at magpapanggap na parang walang nangyari?
Dumako ang paningin ko sa table nila Nash, nakangiti ito habang kausap si Maika. Si Felice naman ay tila may kausap sa madilim na parte, sa bakanteng... upuan.
"Where's your partner?" Hindi rin naman pala kayang magtiis ni Spark na hindi magsalita.
"Ang sa'yo nasaan?" balik tanong ko naman sa kaniya.
"I don't have one and I don't need one," rekta niyang sagot.
Imbis na tanungin ay hindi ko na lang siya inimikan at nagmasid na lang sa paligid. Binalot na naman ako ng lungkot.
Wala siya... hindi ba siya sisipot? Kung ganoon, sana pala hindi niya na lang ako niyaya. Babaliin niya rin naman palang muli ang pangako niya.
Nakakasawa na.
Nakita ko sa isang sulok si Jeremy at France na kapwa nakabronze na gown at suit, kasama ang circle of friends nila na hindi pamilyar sa akin. Sunod ko namang nakita ay si Odyssey at Kirby. Malungkot ang mukha ni Odyssey samantalang bugnot na bugnot ang itsura ni Kirby ngayon, nakabronze din sila. Sa dulong pillar naman ng venue ay naroon sila Angeliq at Greg, kasama si Phillip na nakatingin sa lugar nila Ysabelle na ang ikaapat na ranggo.
Ako lang talaga ang nakasuot ng ganitong kulay.
Tumugtog ang isang classical na musika. Tumayo ang ilan sa mga estudyante, maging ang ilan sa mga ranggo para sumayaw.
Si Kianya at Seb ang pagkapareha, si Dash at si Ysabelle naman at si Clen at Nathalie.
Nakaramdam ako ng kaunting inggit. Noong Prom kasi namin hindi ko pa naranasang sumayaw kaya ngayon ko sana gustong subukan, pero wala naman akong partner. Hassle.
"Wanna dance?"
Nilingon ko si Spark na seryosong nakatingin sa akin.
"A-ayoko. Korni."
Natawa siya. "Alam mo ba ang sabi-sabi? Once na hindi ka nakipagsayaw sa unang kanta sa aquintance party ay mamalasin ka buong taon."
Ako naman ang natawa. "Nakadepende sa kilos ng tao ang suwerte at malas."
"I know. But, are you sure you don't wanna try? Remember, graduating na tayo."
Napaisip naman ako. "W-wag na. Mapapagod lang ako."
"Is it that hard for you to say what you really wants?"
Hindi ako nakapagsalita.
"Lets dance, just one dance. When the song ends babalik na tayo."
Napabuntong hininga na lang ako. "Sige, pero huwag mo akong hahawakan-"
"Seriously? Sasayaw tayo kaya malamang hahawakan kita."
"Tss." Hindi na lang ako nagsalita at inabot na ang kamay niya na nakalahad sa akin para magpatulong sa kaniyang tumayo.
Mabagal kaming naglakad papunta sa dance floor. Kinakabahan ako lalo na't alam ko kung ano ang kahahantungan ng sayaw na 'to. Isa pa, alam ng buong eskuwelahan ang nangyari sa pagitan ni Spark at Glinnea.
Inihawak niya ang kanan kong kamay sa kaniyang kaliwang balikat at ang kanan niya namang kamay ay mabagal na sinakop ang aking kaliwang kamay. Mas trumiple ang kaba ko nang maramdaman ang kanan niyang kamay sa beywang ko.
"Relax, okay? Wala akong gagawing masama." Ngumiti siya, pero hindi ko rin magawang kumalma. Nang masanay ay natagalan ko na iyon, kahit ang pagkakatitig niya sa akin ay nabalewala ko na rin.
"S-sorry." Natapakan ko siya.
Napa-aray siya. "You hurt me again. Don't make it your hobby."
Nagpalitan kami ng nagsusukatang tingin.
"Hindi ko sinasadya."
"Hindi mo rin sinasadyang magmahal ng iba?"
Natigilan ako roon. Gusto ko na sana siyang bitawan at lumuwag na rin ang pagkakahawak ko sa kaniya, pero kinulong niya ang kamay ko sa kamay niya at ang bewang ko sa isa niya pang kamay kaya naman wala akong magawa kundi ang tinignan siya nang masama. Ayokong gumawa ng eksena.
"Spark," utas ko.
Nagsusumamo ang kaniyang mga mata. Maraming gustong sabihin na hindi masabi.
"That look again, but it felt so different."
Nag-iwas ako ng paningin. "Ayoko nang sumayaw. Bitawan mo na ako."
"Come back to me, Hennie... please."
Napalunok ako nang makita sa kaniyang mukha kung gaano siya kasinseryo, pero hindi ako ang Hennie na nakilala niya.
"Oh my god... Don't tell me!"
"Shocks! Is this really happening?!"
Maging ako ay natigilan nang sumulpot sa gilid namin si Silver.
May oras pa akong humanga sa itsura niya. Nakablack suit rin naman siya, pero silver ang necktie niya. Maging ang maskara, pero ang buhok niyang itim ay tila nilagyan ng silver glitters na mas nagpadagdag pa sa ganda ng appearance niya.
Ngunit ang mas nagpakabog sa puso ko ay ang makita ang kabuuan ng kaniyang mukha. Kahit pa natatakpan ang bandang mata niya. Ganito ang mukha ni Silver noon bata kung hindi lamang siya naging maskulado.
Sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko pakiramdam ko ay lalabas na ito.
Namalayan ko na lang na dumulas na ang kapit ko sa balikat ni Spark maging sa kamay niya.
Seryoso ang pagkakatingin ni Silver kay Spark, halos literal na may kuryenteng dumaloy sa mga mata nila.
Natigilan ang lahat sa pagsasayaw. Maging ang mga opisyales at ang mga ranggo ay sa amin na nabaling ang atensiyon.
"I'm starting to smell war..." Kahit malayo ay katakatakang narinig ko ang nangaasar na boses ni Clen.
Namatay ang tugtog, na sana hindi na lang. Dahil roon...
"May I have my property?" Matalim siyang ngumisi kay Spark.
Dahil roon narinig ng lahat ang sinabi niya.
Itutuloy...