SILY: Behind her fake smile

2368 Words
“Wait. This doesn't make sense anymore, isn't?” Naguguluhang sambit ni Rio. “It doesn't make sense, Kireigh and I-- don't know how to progress that.” “It‘s true. It's true that I still love him. That I still begun to love him again. It's crazy right? This is stupid!” “Are you sure?" “I think so...” Nanatiling nakaupo sa hospital bed si Kireigh. Nakayuko lang siya habang kinakausap si Rio. “Baka naman confused ka lang. Baka naman nabigla ka lang. Baka...baka nakalimutan mo na talaga siya. Baka hindi mo na siya mahal.” “I still love him.” Matamlay ang boses niya nang sabihin iyon. “Akala ko rati okay na ako. Na nakalimutan ko na siya. Na paggising ko hindi ko na siya mahal. Pero nakita ko siyang muli—nabuhayan ang puso ko dahil sa kaniya.” “Paano kung naguguluhan ka lang talaga?” “Hindi ko alam.” Peke siyang tumawa habang nilalaro ang mahahaba nitong kuko. “I forced myself to forget him." She wipes her tears. “And I suddenly love him again.” Sa sobrang gulo na ng utak ni Rio lumapit siya sa pader at maingat na nilapat ang noo rito. Tinaas niya ang kaniyang kanang kamay at mabagal na hinampas ito. “Hindi ko alam na mas tanga kapa pala sa akin, Kireigh.” Mariin na pumikit si Rio at nanatiling nakaharap sa pader. “Hindi na ako magtataka kung bakit mag-kaibigan tayong dalawa.” Pilit lang na ngumiti ang dalaga habang pinapanood ang ginagawa ng kaniyang kaibigan. Inaamin naman niyang totoo ang sinasabi ni Rio ngunit napakatagal na ng panahon na iyon pero iyong pagmamahal niya hindi pa rin nagbabago. “Don‘t tell me may balak kang balikan siya?” Humarap na sa kaniya si Rio. Hinihintay kung ano ang magiging sagot ni Kireigh sa tanong. “Huwag mo ng subukan. Huwag mong subukan na bumalik pa sa kaniya. Binabalaan kita–bilang kaibigan mo gusto kong maging masaya ka pero kung iyon ang magiging rason para lumala ang syndrome mo, I'm telling you, I'll do everything para mailayo kita sa lalaking iyon.” “Hindi pa sumagi sa isipan ko ang bagay na iyan. Wala rin akong plano na balikan siya. Magulo pa ang isip ko ngayon.” “Don‘t lie to me, Kireigh, kilala kita. Alam kong gagawa ka ng paraan para mas mapalapit pa sa kaniya.” “I still have this syndrome—my heart is still suffering from my past.” “But the only way to overcome that syndrome is to stay with the person who can make you happy. And that will be him—Kriford has the ability to make you happy.” “Pero may kakayahan din siya na saktan ako. How can I handle him, If, in the first place, I can't handle my emotion? Oo, inaamin ko sumaya ako sa sandaling magkausap kami pero sa mga sandali ring iyon nagkaroon ako ng realization. Lahat ng mga pangyayari in the past, awtomatic na nag flash back. ‘Yung pain, yung trauma na naranasan ko patuloy pa rin akong pinapatay.” Ilang taon na ang lumipas ngunit iyong sakit na iniwan ng lalaking inakala niyang hindi siya iiwanan, iyong lalaking inakala niyang mamahalin siya habang buhay ay ang magiging rason at naging rason kung bakit nahihirapan siyang maging masaya muli. Kung bakit nahihirapan siyang magmahal at mahalin ang mga taong gusto siyang mahalin. Idagdag pa ang naranasan niyang trauma dahil sa pagkamatay ng kanilang mga magulang sa murang edad. Triple ang sakit na kaniyang dinaranas sa araw-araw. At ngayon na bumalik na ang lalaking hinintay niya ng matagal, baka mas higit pa ang sakit na maranasan niya. To the point na hindi na niya kaya pang labanan ang sakit at hindi na niya magawang ipaglaban ang sarili. “So, anong plano mo? Kasi sa totoo lang parang anumang oras sasabog na itong isip ko. Hindi ko na kayang pakinggan pa lahat ng sasabihin mo.” “Hindi mo naman kailangan na makinig sa akin. Ilang taon kong dinala mag-isa ang lahat ng ito—I can fight with this alone.” “N-no... Hindi iyon ang gusto kong sabihin. Ang akin lang parang hindi ko kayang i-handle ang lahat ng nalaman ko. Huwag mo sanang isipin na wala akong pakialam sa'yo. Kaibigan kita. Makikinig ako kahit gaano pa kahaba lahat ng ike-kwento mo.” Mahabang pagpapaliwanag ni Rio. Gusto niyang pagaanin ang loob nito ngunit mas bumigat lang ata ang pakiramdam nito dahil sa sinabi niya. “Naiintindihan ko naman iyon." Sapilitan na ngumiti si Kireigh. Hinawakan niya ang kamay ni Rio. Nakatayo sa ito sa gilid niya. “Hindi mo kailangan na makinig sa akin.” “Hindi iyon ang gusto kong iparating, Kireigh. Huwag mo sanang masamain.” “Sapat na sa akin na nasa tabi kita. Sapat na sa akin ang presensiya mo. Na may kaibigan na pinipilit intindihin ang sitwasyon ko.” “Pe-pero..." Naging garalgal ang boses ni Rio. Pinunasan ni Kireigh ang kaniyang mukha na nabasa ng luha. “Reigh, I'm so sorry. I'm sorry kung wala akong nagawa noong mga panahon na nahihirapan ka. I'm sorry kung hindi ako nag abala na tanungin ka kung ok lang ba. Kung kaya mo pa ba...” “It‘s okay, Rio. Don't blame yourself for what happened to me in the past. I'm the one who should blame myself because I chose to suffer from it. I chose to feel the pain. I chose to fight alone. I chose this decision.” Mapaklang turan ni Kireigh. Kung mayroon mang dapat sisihin sa kung ano ang nangyayari sa dalaga, walang iba kun’di ang kaniyang sarili. Ang tanging nasa isip niya lang na may kasalanan kung bakit siya’y nahihirapan ay dahil sa kaniya. “Kireigh, don't be like this. Wala kang kasalanan sa kung ano ang nangyayari sa iyo. Hindi mo kasalanan kung ano ang nangyari sa nakaraan mo. Pagsubok ang lahat ng dumating sa buhay mo.” Sinusubukan na pagaanin ni Rio ang kanilang usapan ngunit pawang nakarehas ang puso ng kaniyang kaibigan sa nakaraan. “Reigh, what else do I need to know? You can share it with me kung nahihirapan ka nang kimkimin ang lahat.” Pagsasaad niya. Tahimik lang siyang pinagmamasdan ni Kireigh. Mukhang wala pa rin sa sarili ang dalaga. Malalim ang kaniyang iniisip. “Reigh, bakit hindi ko alam ang tungkol sa inyo ni Kriford? Bakit hindi ko alam na nagka-nobyo kana pala?” Nag-iisip ng idadahilan ang dalaga. Ayaw niyang ipaalam ang buong kwento tungkol sa kanila ni Kriford. Ayaw niyang malaman ni Rio ang totoong pinagdadaanan niya noon at hanggang ngayon. Pero hindi naman tama kung maglilihim pa siya rito. Ayaw niyang iparamdam sa kaibigan na hindi niya ito pinagkakatiwalaan. “Do you remember noong tinawagan mo akong magpapakamatay ka? Galing ako sa Valencio de Acienda na pagmamay-ari nila Kriford—we‘d decided to get married pero na aksidente ang sinasakyan namin. Huli na nang malaman kong hindi ako maalala ng taong pinangakuan akong mamahalin habang buhay.” “Sandali. Paanong hindi ka niya maaalala? Ano iyon nagkaroon agad siya ng amnesia?” “Hindi ko alam. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na alamin pa ang totoo. Pinaalis ako ng mga magulang niya. Pinalayo nila ako. Pinagbantaan ang buhay ko kung hindi ko lalayuan ang kanilang anak.” “Ano naman ang dahilan kung bakit ka nila pinaalis at pinalayo ng ganon-ganon lang? Sabi mo ikakasal na kayo, so, bakit? Anong problema?” Awtomatikong may pumasok na mga alaala sa isipan ni Rio. Finally, naintindihan niya na kung bakit hindi niya alam ang tungkol sa karelasyon ni Kireigh noon. Kung bakit hindi niya makilala si Kriford. Dahil ang totoo, sa ibang bansa na siya lumaki. Isang buwan ang nakalipas noong dumating siya ngunit patay na ang kaniyang mga magulang. Namatay ang mga ito sa sumabog na eroplano. Tanging si Kireigh lang ang nagbalita sa nangyari. Hindi naging maganda ang samahan ng mga magulang ni Rio noon kaya laking panghihinayang niya at hindi man lang niya naitama ang mga pagkakamaling nagawa niya. Inaamin niyang nagrebelde siya at nag desisyon na lisanin ang Sta. Buena. Kahit na ganoon nanatili parin ang magandang samahan nina Kireigh at Rio. Patungkol sa pagkatao ni Kriford walang sinabi sa kaniya si Kireigh. Hindi siya nag atubili na mag kwento. Kahit na parating nag o-open up si Rio sa dalaga. “Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam, Rio. Hindi ko maintindihan kung bakit nila ako pinahiwalay kay Kriford. At kung bakit hindi niya ako nagawang ipagtanggol noon.” Muli na namang naging garalgal ang boses ni Kireigh. Samantalang nanatiling seryoso ang tingin ni Rio sa kaniya. Pinagmamasdan ang kaniyang ginagawang pagpunas sa mukha. “Noong naghiwalay kami at naabutan kitang hindi na humihinga, sobra akong nagpanic. Tapos biglang tumawag ang kapatid ko, nilooban ang bahay namin at muntikan na siyang pagsamantalahan. Wala akong magawa. Umiiyak siya. Rinig na rinig ko ang pag-iyak nila. Pero hindi ko sila magawang puntahan dahil ako nalang ang mayroon ka. Ako nalang ang nag-iisang pamilya mo kaya kinailangan kitang i-revive." Pagkekwento ni Kireigh. Dahil doon mas naunawaan ni Rio kung bakit na-develop ang broken heart syndrome nito. “Nagsama-sama lahat ng sakit sa dibdib ko. Napakabigat. Napakasakit. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko noon.” Hindi na muling nagsalita pa si Rio at malayang niyakap ang kaibigan. Tinapik-tapik niya ang likod nito habang ang isang kamay niya ay hinihimas ang malambot nitong buhok. “Natakot ako. Natatakot ako sa tuwing naalala ko ang scenario na iyon. Mula sa ipagtabuyan ako ni Kriford, hanggang sa mag agaw buhay ka at talikuran ako ng aking mga kapatid.” Walang maisip na ibang paraan si Kireigh kung sino at ano ang pipiliin. Kung iiwanan niya si Rio baka hindi na niya muli itong makita pa. Kung iiwanan naman niya ang mga kapatid nito tiyak na magagalit sila sa kaniya. Nag desisyon siyang iligtas si Rio at balewalain ang nararamdaman ng kaniyang mga kapatid. Masakit man sa dibdib ngunit alam naman niyang darating ang kaniyang tiyuhin. Siya nalang ang nag-iisang pamilya ni Rio. Siya nalang ang maasahan nito at wala ng iba pa. Ilang taon ang lumipas at dala-dala niya ang sakit nang naging desisyon niya. Tinanggap niya lahat ng masasakit na salita na galing sa kaniyang mga kapatid. Pinilit niyang intindihin ang mga ito. Alam niyang walang kapatawaran ang ginawa niya. Katulad ng kanilang mga magulang—she decided to abandoned her siblings without knowing na masasaktan niya ang mga ito. Kahit anong gawin niya hindi na maibabalik pa ang nakaraan. Hindi na niya magagawa pang baguhin ang nakaraan. Malayo na ang loob ng mga ito sa kaniya. Dumagdag pa noong makita siya ng mga ito na magpapakamatay dahil sa depression na nararanasan. Balisa at wala sa sarili si Kireigh. Naging makasarili siya. Inakala niyang matatapos ang kamalasan na nangyayari sa kanila sa oras na mawala siya. She nearly killed herself. “I'm so-sorry... I mean it. I have no idea na sobra kang nag su-suffer sa nakaraan. I have no idea na ako ang may kasalanan kung bakit nasira ang relasyon mo sa iyong mga kapatid.” “Wala kang kasalanan.” Malamig ang tono ng pananalita ni Kireigh. “Walang may kasalanan. Kasalanan ko ang lahat dahil naging makasarili ako.” “N-no. It's not true. You know, hindi iyon totoo. You never been selfish to us. We're just blind to see your effort.” Nangingining na hinawakan ni Rio ang kamay ng dalaga. “I'm ju-just...” Mariin siyang pumikit. “I‘m selfish. I‘ve always been selfish and ungrateful to you...to all of you, even to my parents.” Rinig sa kabuuan ng silid ang paghagulgol ni Rio. “I should have died. You should let me die that time. I deserve to die.” Inalis ni Kireigh ang kamay ni Rio. Pagkamuhi ang nararamdaman niya sa kaibigan. Pagkamuhi na kahit kailan hindi na magagawa pang ibalik ang nakaraan. “Sana nga hinayaan nalang kitang mamatay noon.” Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Rio. Ngunit nanatiling matatag si Kireigh. Maybe, this is the right time para ipagtapat ang tunay niyang nararamdaman. “Sana namatay ka nalang.” “I‘m so-sorry. I'm sorry...” “Sana mas pinili ko sila—mabuti pang pinuntahan ko sila noong araw na iyon dahil ako nalang ang nag-iisang pamilya nila. Sana hindi ko sila hinayaan nalang ng basta-basta. Sana hindi ko pinaramdam sa kanila na hindi na kami magiging pamilya. Sana mas naging matatag at matapang ako para sa kanila.” Matalim ang mata ni Kireigh nang tingnan niya si Rio. Habang ang kaibigan niya ay patuloy pa ring umiiyak. Patuloy na humihingi ng tawad sa kaniya. “Sana mawala ka nalang sa buhay ko.” Triple ang sakit na naramdaman ni Rio nang sabihin iyon ni Kireigh. Parang biglang gumuho ang mundo niya. “Sana hindi nalang kita kinaibigan.” Umalis sa pagkakaupo si Rio. Pikit mata siyang lumuhod sa harapan nito. Pinipigilan niya ring umiyak. Alam niyang kasalanan niya ang lahat. Malaki ang naging kasalanan niya sa kaniyang kaibigan at sa mga magulang nito. “Alam kong hindi na mababago ng ‘sorry’ ko ang lahat. Alam kong galit ka sa'kin. At handa akong tanggapin lahat ng masasakit na salita na sasabihin mo sa akin.” “Kahit ilang beses ka pang humingi ng tawad, sira na ang pamilya ko. Sinira niyo ang pamilya ko!” Nagtatakang tumingin si Rio sa kaibigan. Alam niya kung ano ang tinutukoy ni Kireigh. At hindi niya ide-deny ang bagay na iyon. “Noong tinanggap kita sana naging mas mabuti kang kaibigan. Sana hindi ka naging makasarili. Pinagkatiwalaan kita. Tinggap kita bilang kapatid ko. Pero mas pinili mong sirain ang pamilya ko.” “I‘m sorry. I'm sorry. I'm sorry, Kireigh. I really do. I'm sorry...” “Sinira niyo ng magaling mong Ina ang pamilya na pangarap ng nanay ko.” “I'm sorry... but please...please...I'm begging you, Kireigh...please...stop it.” Pagmamakaawa ni Rio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD