Memories or Imaginations? Nakauwi ako ng bahay nang malalim ang iniisip. Hindi ko alam kung ano yung mga memoryang pumasok sa isipan ko o kung memorya nga ba ang mga ito o imahinasyon ko lang dahil sa kagustuhan kong malaman ang lahat tungkol sa aking nakaraan? "Ano nanamang bumabagabag sa isip mo?" Tanong ni mommy nang mapansin na nasa sala lang ako. "Gusto ko nang malaman ang totoo mommy. Gusto ko nang makaalala pero natatakot ako sa mga maaaring kong maalala. Paano kung hindi ko kayanin? Paano kung yung mga maaalala ko ang magiging dahilan kung bakit masasaktan ako?" Ngumiti siya saakin. Niyakap niya ako at hinagod ang likod ko. "Anak, sa buhay may dalawang bagay kang kailangan gawin kung mag mamahal ka. Ang mag handa at mag sakripisyo. Mag handa ka sa mga masasakit na bagay na maaa

