Meet again Umuwi ako nang naguguluhan dahil sa mga memoryang pumasok sa isip ko. Francisco confirmed me that everything is a memory. It's not my imaginations. Hindi niya lang nakompirma ang tungkol kay Joanna dahil wala siya noong nangyari iyon pero alam niya na nag away away kami. "Nakapag usap ba kayo?" Tanong ni mama pag pasok ko ng bahay. Tinignan ko siya. "Ma..." Napabaling ang paningin niya saakin. Biglang napalitan ng awa at pag tataka ang ekspresyon niya. "Anong nangyari sayo? Bakit?" Tanong niya saakin. May kapatid ba ako? Meron, hindi ba? Si Rency? Nasaan siya? Bakit hindi ko siya nakikita? "Ma, sino si Isany Buenaventura?" Nag simula na akong umiyak sa harapan ni mama. Hindi ko alam na may mas sasakit pa pala pag nalaman mong hindi pa ito ang huli mong dapat alamin. Hindi

