Jasany? "Hindi mo pa rin ba naalala kung sino ka?" Tanong ni mommy. Umiling iling ako habang natatawang sarkastiko. Hindi ko na alam. "Huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa talaga maalala. Baka makasama lang iyan sayo." Sabi ni mommy. Ngumiti ako sakanya. Gusto ko nga bang makilala si Isany Buenaventura? Hindi? Oo? Pero ang sabi ni Francisco noon, siya ang dahilan kung bakit umalis siya. Kasi gusto niyang hanapin ko ito. Is she better than Isany Feliciano? "Hindi ko nga alam mommy kung gugustuhin ko bang makilala pa siya. Gusto ko pero hindi ko alam kung magugustuhan ko. Is she better than Isany Feliciano?" Ngumiti si mommy. "Hindi ako ang makakasagot niyan, anak. Ikaw, anak. Kasi hindi ko naman alam kung sino si Isany Feliciano eh. Pero kilalang kilala ko si Isany Buenave

