Agad na bumaba ng sasakyan si Samaya at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong pa siya ng nanay ni Sergio, todo ngiti pa ito at kausap sa kanya pero minabuti niya na hindi na lamang ito pansinin tsaka nagtungo siya sa sala. Batid kasi niya na nandoon ang lahat ng pamilya ni Sergio, si Samuel, ang tatay ni Sergio, si Shan at ang nanay nito na kasunod niya. Nagtataka ang paraan ng pagtingin ng mga ito sa kanya, ngayon kasi ay nasa gitna siya ng sala nakapamiwangan, seryoso, matapang ang aura at tiningnan na tinitingnan niya isa-isa ang mga ito.. "Simula ho sa araw na ito hindi na kayo maaaring tumira pa sa pamamahay ko, iimpake ninyo na po ang inyong mga kagamitan lahat po dapat. Ayokong may maiwan pa kayo dito, gusto ko ngayon din umalis kayo sa pamamahay ko!" Mahinahon per

