Matapos nilang matiyak na okay na at nakuha na nila ang mga ebidensyang kailangan niya, inaya na siya si Dandan na umuwi ng bahay para harapin naman ang pamilya ng walang hiya niyang asawa. Hindi maaaring manatili pa ang mga iyon sa bahay niya. Naging mabait lang naman ang mga ito sa kanya dahil sa palalayasin talaga niya ang mga ito pero ngayon wala na siyang pakialam pa. Pero bago iyon, tiniyak niya na nakasara lahat ng maaaring pasukan sa tindahan, inayos din niya ang lock sa loob ng tindahan at paglabas nila ay dinoble pa niya ng lock doon sa labas. Para kahit na tangkain ni Sergio na pumasok sa loob para kuhain ang kung anumang mga kailangan nito, ay hindi nito magagawang pumasok. May nakita din kasi siyang money vault, mukhang kinalalagyan ng pera nito. Nakuha din niya ang pas

