Nakatitig lang si Samaya sa laptop na noon ay sinusubukang buksan ni Dandan. Umaasa siya na mabubuksan ng kaibigan ang laptop ni Sergio para makakuha sila ng matibay na ebidensya na kuha ng cctv. Kailangan niya iyon para makapag file siya ng divorce at katibayan na rin na hindi siya pumirma sa kahit na anong papeles na hawak nito. At mapatunayan niya na wala siyang kinalaman sa paglilipat nito ng pangalan sa negosyo. Nandoon din ang takot at ang pangamba na baka makakita pa siya ng mga kasuklam suklam na video na ginagawa ng kanyang asawa at ng kanyang best friend. Pero nasimulan na niya eh kaya kailangan niyang tatagan ang kanyang loob kailangan niyang maging malakas para maging maayos ang lahat. Maya-maya ay matagumpay ng nabuksan ni Dandan ang laptop ni Sergio, huminga muna ito n

