Kabanata 86 5 YEARS LATER Napapikit ng mariin si Samaya sabay langhap ng malamig na simoy ng hangin ng siya ay lumabas sa awtomatikong pinto ng paliparan. Kaybilis ng panahon, limang taon agad ang nakalipas simula ng huli siyang tumuntong dito sa airport. Nang mga panahon na iyon, sobrang bigat ng kanyang kalooban. Halos ayaw niya sanang umalis, para bang wala ng patutunguhan ang kanyang buhay. Pero alam kasi niya noong panahon na iyon. Kailangan niyang umalis, kailangan niyang magpakalayo-layo para makalimot at para makabangon muli mula sa pagkakalugmok sa pakikipaghiwalay niya kay Sergio. Gusto niyang takasan ang bangungot na kanyang pinagdaanan mula sa kanyang asawang taksil at sa kanyang walang hiyang bestfriend. Kung bakit tuluyan silang nasira ng kanyang asawa kung bakit tuluy

