“Love p-patawarin mo ako, alam kong nagkamali ako pero pangako wala na talaga akong nararamdaman pa kay Recca. Ikaw ang mahal ko, simula pa lamang na ikasal tayo. A-Alam ko na may nararamdaman ako sayo, oo may mga plano kami ng hindi maganda sayo. Pero habang kasal tayong dalawa hindi ko napaghandaan ang nararamdaman ko, mahal kita sobrang mahal na mahal kita at binabalak ko na sanang tapusin ang sa amin ni Recca para maging maayos na tayong dalawa. P-Para wala ng hahadlang pa, pero dumating kasi si Dandan sobra akong nasasaktan. K-Kahit alam ko namang wala akong dapat ipag-alala pero sa tuwing makikita ko kung gaano ka kasaya kapag kasama siya, nasasaktan ako ng sobra. At i-iyong kaninang nangyari sa amin ni Recca, hindi ko iyon sinasadya tulala ako noon, balisa dahil nakita ko kayong kum

