“B-Babe ang sakit ng katawan ko, pwede bang tulungan mo naman ako dalhin mo ako sa hospital. Ipapa-pulis ko ang walang hiyang iyan! Ginamit pa ang katabaan niya para mabugbog lang tayong dalawa! Tang*na hindi ako papayag na ganito lang ang kahinatnan nating dalawa. Hindi pa natin nakukuha ang bigasan, kahit yung bahay, pero okay na sana kahit yung bigasan na lang ang nakuha natin kaya lang mukhang malabo na ang walang hiyang iyan bakit naman kasi bigla-bigla nagpunta iyan dito?!” Inis na wika ni Recca. Hindi niya pinansin ang babae pero siya tumayo siya mula sa pagkakalugmok at muling lumapit sa pinakang harapan ng tindahan nila nakasara na iyon. Pero hindi niya iyon tinigilan ng kakakalampag, hindi siya papayag na mawala na lang ng ganun ganun ang kanyang asawa. Hindi siya papayag na

