Kinabukasan. Nasa hapag kainan sila Samaya, kasama ang kanyang mga magulang at maging ang kanyang bestfriend na si Recca at Helen. Hindi na kasi niya pinauwi ang mga ito dahil gabi na rin naman kagabi. Kahit na nagsiuwian na ang mga ninong at ninang at ang iba pang mga abay ay minabuti niya na panatilihin ang kanyang mga kaibigan doon dahil nais pa niyang makasama ang mga ito. Ang kanya namang mga magulang ay balak na ring umalis mamaya para naman daw mabigyan sila ng privacy. Actually nauna na ang mga gamit ng mga ito sa nabiling maliit na lupa na malapit sa may dalampasigan. Nakapagpagawa na rin kasi ng bahay ang mga ito doon, isang payak na bahay na yari sa nipa. Iyon kasi ang laging pangarap ng kanyang mga magulang ang manirahan sa tabing dagat at magkaroon ng lupa na maaaring

