“Ha?! Seryoso ka? Ginawa sa iyo iyon ni Sergio? Aba at lokong tao iyon ah!” Nanggagalaiting wika ni Recca kay Samaya. Hapon na niyon at nauna ng umalis ang kanyang mga magulang, sumunod naman si Helen at ang ilan pang mga bisita. Ang natitira na lamang ay ang matalik na kaibigang si Recca at dahil sa sobrang bigat na ng kanyang dibdib hindi niya napigilan na magkwento dito. Hindi na kasi talaga niya kinakaya, hindi nga niya kinausap ng maayos si Sergio hinayaan lamang niya ito. Maging ito ay hindi rin naman nagkukusa na humingi ng tawad sa kanya. Na magpaliwanag sana kung bakit nito iyon nagawa, pero parang hinihintay pa nito na siya pa ang humingi ng tawad dito na siya pang mauna. “Oo totoo talaga, ano bang gagawin ko alam mo naman kung gaano ko siya kamahal hindi ba? Alam mo nam

