“Pasensya na mga mare maaari bang umuwi na muna kay? Problema kasi ito ng pamilya, kailangan mapag-usapan namin kung ano ang problema. Message ko na lang kayo, kung kailan ba tayo ulit maglalaro ng majong. Sa ngayon kailangan ko munang makausap tong dalawa. Para matanong na rin 'tong anak kong si Shane, pasaway talaga alam niya naman kung gaano ko ini-spoiled ang batang ito.” Nakangiting wika ng nanay ni Sergio sa mga kaibigan nito. Halata sa mukha nito ang pagtitimpi ng galit hindi niya alam kung sa kanya o kay Shane. Pero sigurado naman siya, nasa kanya talaga iyon kahit na sinabihan na niya ang mga ito ay mukhang hindi pa rin natutunan. Talaga yatang napaka kapal ng mukha ng mga ito. “O sige mare kung iyan ang nais mo pero hindi naman siya nangingialam ako sa inyo, nais ko lang ito

