Kabanata 59

1451 Words

“Nasaan ang walang hiyang babae na iyan ang kapal ng mukha para saktan ang anak ko!” Narinig niyang galit na galit na wika ng nanay ni Sergio. Pakialam niya hindi na siya natatakot sa mga maaari nitong gawin sa kanya sumasobra na ito. Pati na ang mga anak nito mga walang hiya. Kung tutusin ay hindi dapat kakatakutan ang mga ganyang tao. Marahil lumalakas ang loob ng mga ito dahil nga siya ay hindi ginagalang ng kanyang magaling na asawa kaya naman ang pamilya nito ay ganun din ang turing sa kanya. “Ayan siya nanay, ang kapal-kapal ng mukha niya talagang sinagot niya ako at kung ano-anong sinabi niya sa akin na masasakit. Na kesya palamon daw niya tayo kaya wala daw akong karapatan na humingi ng pagkain sa kanya. Tapos kung ano-ano pang sinasabi, gusto ko lang naman kumain eh. Grabe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD