"Sama ka kaya sa akin sa province, tapos kapag nagpatuloy pa rin sa mga ginagawang kabaluktutan ang asawa mo sumama ka na lamang sa akin sa America. Hayaan mo siya dito at saka 'di ba nabanggit mo na palagi ka lang niyang binabaliwala. Ngayon lang nag-e-effort kasi hindi mo na masyadong pinapansin." Wika ni Dandan habang kumakain sila sa isang restaurant. Inaya kasi siya nito na magtungo sa bayan para mamili ng maaring ipasalubong sa pamilya nito dahil hindi nga ito nakapamili pa. Tapos kunyari ay date daw nilang dalawa dahil sobrang tagal na panahon na noong huling kumain sila sa labas na magkasama. Hindi na rin siya nagpaalam sa kaniyang asawa dahil sigurado namang hindi ito papayag at saka bakit siya magpapaalam ay gawain nga nito iyong ganun. Na wala siyang karapatang malaman kung

