"Sige mauna na ako sa loob ng bahay Nanay, ikaw Samaya sumabay ka sa aking kumain hayaan mo sila magbuhat diyan. Si Samuel dapat ang nagbubuhat diyan nasaan ba ang lalaking iyon nanay?" Wika pa ni Sergio tsaka inilingon-lingon niya ang kanyang paningin sa paligid wala doon ang kanyang kapatid. "Naku nasa likuran ang kapatid mo anak medyo mahaba na pala ang damo sa likod kaya naman nagvolunteer siya na lilinisan iyon. Hala sige na pumasok ka na sa loob may sasabihin lang ako kay Samaya tungkol sa ipapagawa ko sa kanya mamaya, kaya mauna ka na anak at dumulog na sa hapag kainan." Wika ng kanyang Nanay kaya naman minabuti niya na tumalikod na sa pagpasok sa loob ng kanilang bahay. SAMANTALA "ARAY KO PO NANAY!" Nagulat si Samaya ng biglang kurutin ng nanay ni Sergio ang kanyang tagilira

