"Hay naku, nakakatawa naman masyado ang asawa mo na yan! Sigurado ako na talagang kinakawa yun ng pamilya mo, alam mo naman si tita ayaw na ayaw talaga niya sa babaeng iyon dahil ako ang nagugustuhan niya para sayo. Nakakainis lang ba na tatawag tawag pa sa iyo ang pasaway na iyon hindi na lamang siya manahimik sa bahay niya. Tsaka ano bang inaayaw niya kina tita? Pamilya mo naman sila kaya maaari silang tumira sa bahay ninyo, sobrang maarte lang talaga yang Samaya na yan. Hindi na naawa sa nanay mo at sa tatay mo tsaka sa mga kapatid mo kaya kung ako sayo tama lang na pagsabihan mo siya, ituwid mo ang baluktot niyang utak." Wika ni Recca kay Sergio. Nasa opisina sila noon at katatapos lang mag-receive ng mga deliveries kaya naman tumuloy sila sa opisina pero heto at nakakandong na naman

