Napapahawak na siya sa kanyang tiyan dahil talagang gutom na gutom na siya, panay na ang tunog niyon habang nakatingin sa masasarap na pagkaing kanyang niluto para sana sa kanila. Pero ayun nga hindi nangyari na makasabay siya sa pagkain ng mga ito dahil hindi gusto ng nanay ni Sergio na makasali siya sa pagkain. Ngayon pakiramdam niya ay katulong lamang siya ng pamilyang ito lalo na si Shane na panay ang paabot ng kailangan nito. Katulad ng tubig, ulam at kung ano-ano pa kahit kaya namang abutin. At pwede naman na pamilya nito ang umabot dahil ito ang mga kaharap sa hapag kainan pero siya pa talaga ang gusto. Papasalamat naman siya kahit papaano dahil nag-enjoy naman ang pamilya sa pag kain na inihain niya sa mga ito, iyon nga lang siya itong gutom na gutom na pero siya pa rin ang

