Iyak lang ng iyak si Samaya dahil sa sobrang sama ng loob niya sa nanay ni Sergio. Hindi niya akalain na mararanasan ang ganitong pang-aalipusta at pananakit mula sa magulang ng kanyang asawa. Lalo na sa ina ng kanyang asawa, nasasaktan siya sa para sa kanyang sarili dahil hindi man lamang niya na naranasan ang masaktan ng kanyang mga magulang. At pinalaki din siya ng kanyang mga magulang na palaging mahinahon kung magsalita. Kahit nagagalit na ang mga ito sa kanya pero hindi siya nakakarinig ng masasakit na salita mula sa mga ito. Laging may pagmamahal pag-aaruga at kung may pagkakamali man siya ay hindi niya nararanasan man lang ang kahit na sigaw sigawan siya. Pero dito hindi lang masasakit na salita ang kanyang naranasan pati na ang pisikal na pananakit ay nagawa na nito sa ka

