"D-Dito sila titira Love? Wala na ba silang ibang mapupuntahan or matitirhan man lang? Ano kaya kong maghanap na lamang tayo ng bahay na maaari nilang tirhan? Kasi alam mo naman na hindi ako sanay na maraming tao at may ibang tao sa bahay pwede bang ganun na lang ang gawin natin?" Nag-aalalang wika niya sa kanyang asawa. Baka kasi magalit ito kapag sinabi niya, kaya lang lumakas ang loob niya dahil hindi talaga siya sanay na may kasama sa bahay. Napansin niya ang pagtiim ng anyo nito at pagtalim ng tingin nito sa kanya. "Ganun pala ang tingin mo sa pamilya ko, ibang tao? At ang gusto mo tumira sa ibang bahay? Maghanap ng ibang bahay para sa pamilya ko? Matanda na ang tatay ko hindi na niya kayang magtrabaho pa. At saka sa kinikita naman natin kayang-kaya naman natin silang buhayin eh

