Kahit masama ang loob ginawa lahat ni Samaya ang mga sinabi ni Sergio, hindi na niya hinintay pa ang perang sinasabi nito na ise-send sa kanya. Minabuti niya na magtungo na lamang agad sa grocery at namili ng mga groceries na para sa isang linggo na sa tingin niya ay kakasya sa kanila kasama ang pamilya ni Sergio. Grocery sa supermarket at namili na rin siya ng mga frozen foods, pati na karne, gulay, isda at kung ano-ano pa na maaari nilang konsumo sa isang linggo. Wala kasi siyang panahon para mamili araw-araw kaya ganun talaga, pang isang linggo ang binibili nilang mag-asawa. Kaya lang nong una para sa kanila lang, pero ngayon para sa buong pamilya na nito. Kaya naman medyo malaki-laki talaga ang budget para sa grocery lang, hindi pa doon kasama ang bigas. Pero ayos lang naman ya

