Prologue
"Wala ka pa bang nabalitaan sa ex- girlfriend mo, Nemesis?" pagtatakang tanong ni Andrei sa kaniya.
Humarap ito habang umiinom ng alak. "Marami akong naging ex- girlfriend, Andrei. Sino sa kanila?"
"Si Marissa Failma," tugon naman ni Andrei sa kaniya.
Tumalikod siya rito at patuloy lamang ito sa kaniyang pag-inom ng alak.
"I don't care about her, Andrei. Wala akong balak pag- usapan ang tungkol sa kaniya. I am in good condition now. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya dahil kung hindi dahil sa kaniya ay wala ako kung ano man ang napagtagumpayan ko ngayon," seryosong saad nito sa kaniya.
"Nakita mo na ba siya ngayon? Magmula no'ng umuwi ka rito sa Pilipinas?"
"H-Hindi pa, pero wala akong balak na kitain siya. Ayokong magkaroon muli ng connection sa kaniya. Baka magkasumbatan pa kami. Pero kung makita kong muli siya, handa kong bayaran ang lahat ng pagpapaaral niya sa akin."
"Bakit ganyan na lamang ang galit mo sa kaniya?"
"B-Basta, Andrei, ayoko na siyang pag-uusapan at kapag binanggit mo pa ang kaniyang pangalan ay tatanggalan na kita ng trabaho. Amo mo pa rin ako kahit kaibigan kita."
"P-Pasensiya ka na sir, hindi na mauulit."
Pumunta si Nemesis sa kaniyang toy factory at kapag tinititigan niya ang laruan ay naiinis lamang ito sa kaniya.
"I'll never forgive you, Marissa. Kapag naaalala ko ang nangyari parang pinatay mo na rin ako. Siguro ako talaga ang karma mo," bulong sa kaniyang isipan ni Nemesis.
Bigla na lamang pumasok ang kaniyang girlfriend na si Charlotte.
"Honey, hapon na ah, bakit ka pa narito?" tanong ni Charlotte sa kaniya at pinalipot niya ang kaniyang braso sa braso ni Nemesis.
"N-Nothing, hon, let's go--" nakangiting saad nito sa kaniya.
Sa ngayon si Nemesis ay isang matagumpay na CEO ng kaniyang sariling kumpanyang "Toy Factory" at isa siyang matagumpay na Abugado. Samantala, si Marissa ay isa na ngayong guro sa isang pampublikong paaralan.