Chapter Two

2626 Words
Ashley I've been working hard this past few weeks, gusto ko na talagang makaalis na puder ni Mama. Hinahanda ko na ang sarili ko na mag-eighteen years old, ang ibig sabihin kasi nito ay adulto na ako at pwede ko ng gawin lahat ng gusto ko. Minsan nga lang ay kinukuha ni Mama ng ipon ko, kaya paulit-ulit akong nag-uumpisa mula sa ibaba. Stupid and unfair, right? I trimmed my bangs today because it was blocking my sight. I wore a light lip tint and put some powder in my face. Hindi ako komportable na magmake-up, bukod sa hindi ako komportable ay hindi rin ako marunong at wala akong balak na matuto. Kaya araw-araw ay mukha akong panda, ang laki-laki na ng eyebags ko dahil sa pagpupuyat ko gabi-gabi dahil sa trabaho. Bukod sa gabi na natatapos ang trabaho ko ay nagpeperform din kami ng bandmates ko sa plaza kada umaga. It was a stupid set up, si Ryder na kaibigan ko, ang nag-isip non. Ang sabi niya ay para raw sa mga tao, para may pangpagising sa kanila but for all I know, tinotopak lang talaga ito ng kabaliwan niya. And we became use to the set up as time goes by, it became a routine to us. Nakasuot ako ng kulay gray na t-shirt, medyo nakikita ng tiyan tuwing tinataas ko ang kamay dahil maliit ito, naka-high waist din ako na blue jeans to match my top. I also wore a black and white nike sneakers that Ryder gave me yesterday. So thoughtful and nice of him, right? I don't why but he likes buying and giving me things. Sinukbit ko ang guitar case ko sa balikat at bumaba ng hagdanan. Naabutan ko si Mama na seryosong nagluluto sa kusina, kung titignan ay parang matino siya, pero kung tutuusin ay para sa kaniya lang naman 'yang niluluto niya. "Ma, alis na 'ko." Paalam ko sa kaniya. Nilingon niya ako at nagtaas ng kilay. "At saan ka na naman pupunta? Kakarating mo lang, ha?" "Pupunta ako kila Var." Nakita ko ang pagkislap ng mata niya. "'Yong mayaman mong kaibigan?" Suddenly, she slapped his forehead and chuckled. "What am I talking about? Lahat yata ng kaibigan mo ay mayayaman? Sino sa kanila?" I looked at her flatly. "Lahat ng kaibigan ko ay kaibigan ko lang, Ma. Hindi ko sila jojowain." Pagkatapos na magsalita ay lumabas na ako ng kabahayan at nilakad ang distansya papunta sa bahay ni Kosovar. Nakasanayan ko nang maglakad dahil halos araw-araw ko itong ginagawa. Tinali ko ang buhok habang naglalakad, kahit na medyo nangangawit ang mga binte ay nagpatuloy ako sa paglalakad, napangiti lang nang matanaw na ang bahay ng kaibigan ko. Habang mas napapalapit rito ay nakuha ng atensyon ko ang pamilyar na motor at isang lalaking nakahelmet na nakasakay rito. And I know exactly who the guy is. For some reason, I pity him. I don't know what's his relationship to Kosovar's girlfriend but it's obvious that she's really important to him. Maybe he's her ex? He's here most of the time, ilang beses ko na siyang nahuhuling nakikiusap kay Kosovar na makausap si Jezer but Kosovar's answer were always no. "Hi!" Bati ko sa kaniya nang makalapit ako. Lumingon siya sa gawi ko, inasahan ko na aalis siya agad tulad ng ginagawa niya tuwing nilalapitan ko siya pero sa pagkakataong ito ay nanatili siya na nakatingin sa akin. I'm so curious to know what he looks like, he always wears a helmet that blocks his face. Does his face looks intimidating as his voice? Kinagat ko ang ibaba kong labi at umiwas ng tingin dahil sa ilang. He usually leaves immediately when he sees me, what changed? Do I have something on my face? Do I look awkward? Am I wearing a bad outfit today? "Sorry, papasok na 'ko." Tinuro ko ang gate ng bahay ni Kosovar. "He left. Unfortunately." He said, his voice being muffled because of his helmet. Hindi ba siya naiinitan sa loob n'yan? "Oh, is that so?" I cleared my throat. "Sa sunod nalang ako bibisita then." "Didn't he call to inform you?" He asked out of nowhere. "Unfortunately, wala akong phone para tawagan niya." Nagkibit-balikat ako at saka ngumiti kapagkuwan. "Wala akong pera pangbili kahit keypad man lang." Natagalan bago siya nakasagot. "Why are you always here?" "Is it bad to visit a friend? Beside, Var's parents knows me and sabi naman ni Var ay okay lang naman kay Jezer na bumibisita ako." Napanguso ako habang nagtataka siyang tinitignan. "I don't even know why I'm talking to you, I usually don't talk to strangers." "You just did." I pouted again, I sighed and went back with my slumped shoulders. I guess I'm walking again all the way back to my home. ... The other day, since my mother brought another man in the house... again, I decided to go for a walk. Natrauma na akong maglakad papunta sa bahay ni Kosovar, baka wala na naman siya duon at maglakad na naman ako pauwi. Pagkauwi ko non ay sumakit pa ang binte ko dahil may kalayuan din ang bahay ni Kosovar. Hindi ko inasahan na may makakasalubong akong kaibigan. A hansome man, tall and white skinned. Mapungay ang mga mata, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi niya. The side of his bottom lip has a ring piercing, even his ears are full of piercings and he likes to wear black E-boy outfits but he still managed to look decent despite those. "Ryde!" Masaya kong bati kay Ryder, ngumisi siya at binuksan ang braso niya para sa akin. Walang alin-langan akong tumakbo papunta sa kaniya at niyakap siya. "Uy, bakit a naparito sa kanto namin? Bibisitahin mo 'ko, no!?" Panunukso ko nang humiwalay na sa kaniya. "Yeah, I was coming to see you." He smiled, but there was something about his smile that made me uneasy. "May sasabihin sana ako sayo. I already talk to the others, ikaw nalang kaylangan kong kausapin." Kumunot ang noo ko. "About what?" "Mamaya na 'yon, for now gumala muna tayo tapos ililibre kita. Alam kong hindi ka makakahindi sa libre." "Saan naman tayo gagala, aber?" Pumamewang ako at tinaasan siya ng kilay. He smirked and threw his arm over my shoulder. "Gagala nga 'diba? Edi pupunta tayo kahit saan natin gusto! Come on, Ash!" Sinama niya ako sa kaniya sa paglalakad. Kahit na gustong malaman kung anong gusto niyang sabihin ay nagpakaladkad nalang ako sa kaniya dahil tama naman siyang hindi ako makakahindi sa libre. Siguradong sasabihin niya rin naman mamaya kapag handa na siya. Hinayaan ko nalang siyang dalhin ako kung saan gusto niya at sa kung anong gusto niyang gawin. Gumala kami ni Ryder habang nagkekwentuhan, halos lahat ng mga street foods na nadadaanan namin ay binibili niya para kainin naming dalawa. Spoiled talaga ako nitong mokong na 'to, kapag siya ang kasama ko ay tumataba lang ako. Kahit naman sa half sister ko na ka-bandmates din namin ay spoiled niya rin. "You know what, Ash? Dapat nakalugay palagi ang buhok mo. Maganda ka, sexy at may talento, kaya nakatingin sayo ang mga kalalakihan dito sa paligid eh. Kaya lang palaging nakatali 'yang buhok mo, bagay pa naman sayo kapag nakalugay 'yan." "I don't see anything wrong with that, baka malay mo, nakatingin sila kasi mapanget ako." "Grabe ka naman sa sarili mo, Ash, sarili mo pa talaga iniinsulto mo." Natatawa niyang sabi. Nagkibit-balikat lang ako. Nagkaroon g katahimikan sa pagitan namin habang naglalakad, naging iba rin ang ekspresyon ng mukha niya. Dahil sa pag-aalala ay huminto ako at inabot ang kamay niya. Tinignan niya ang magkahawak naming kamay at tinignan ako sa mga mata pagkatapos. "I'm leaving, Ash." My world stopped just like that. "You're leaving? Where? Why?" "I'm sorry, Ash, but I have to leave the band... I have to leave you. It's for Dad's business, he received a good offer for his business in States and we have to move there." He squeezed my hand tightly. "And from what I heard, I think we'll stay there for good." "W-what about our band? What about Beyond Extreme? What about Reece? Alonzo? Addison? What about me, Ryde? H-hindi mo kaming pwedeng iwan." "I'm really sorry, Ash. I can't say no to Dad, and I don't think I have a choice, don't I? Hindi ko kayang mag-isa dito sa Pilipinas, hindi ako tulad niyo na kayang tumayo sa sarili niyong mga paa. All my life, I've been depending on my Dad and my family." Binitawan ko ang kamay niya at napatalikod sa kaniya, pumamewang ako at tumingala sa langit, sinusubukan na hindi tumulo ang mga luha ngunit nabigo ako. Nagsibagsakan ang mga luha ko, nanginginig ang mga labi at namumula ang ilong nang harapin ko siya ulit. "I-i understand, I understand why you have to leave. Hindi ko maiintindihan kasi hindi naman ako close sa nanay ko. Pero n-naiintindihan ko kung bakit ka aalis..." marahas kong pinahiran ang luha ko, "nalulungkot lang ako." "Ash, we can still communicate." "Ryder, wala akong cellphone, wala akong pambili at lalong hindi rin ako marunong gumamit non!" My voice craked at the end, I stomped my feet on the ground childishly and started sobbing. "Hindi kita makakausap! Hindi na kita makikita!" He looked at me helplessly, it looked like he wanted to speak but couldn't find the words. He tucked his hand on his right pocket jean and pulled something there. Cellphone niya ito. Tinitigan niya muna ito bago ilahad sa akin na pinagtaka ko. "Here, take my phone." He grabbed my hand and put the phone there. "Ryder! Hindi ko matatanggap 'to, okay lang siguro 'yong nililibre mo ko ng pagkain pero hindi okay 'to. This is your phone and I'm sure this cost a lot!" "Binilhan ako ni Dad ng bagong phone, Ashley, kaya tanggapin mo na. I already made you social media accounts, nasa note na ng cellphone ang mga emails and passwords. May bagong sim na rin 'yan kaya lagi mong pa-loadan nang makapag-usap tayo, ha? Magpaturo ka nalang kina Addi kung nalilito ka." Hindi niya inalis sa kamay ko ang cellphone, matiim niya akong tinitigan sa mga mata. "I'm sorry if I have to leave the band, I promise I'll come visit." "P-pero baka matagalan pa 'yon, Ryde..." "That's why I gave you my old phone. Alam kong kapag binilhan kita ng bago ay mas lalong hindi mo tatanggapin. We can communicate through that, we have our band's groul chat, too, we can video call, kaya tumahan ka na. We can still be friends, Ashley, even when I'm far away." I threw my arms around him, I cried on his chest as I hug him tightly, afraid to let him go. Bakit kaylangang mawala ng isa sa mga taong mahal ko? Mahal na mahal ko si Ryder, hindi lang kaibigan ang turin ko sa kaniya kundi kapatid na rin. Lahat ng miyembro ng bandang kinabibilangan ko ay mahal ko at pamilya na ang turin ko. Pero hindi ko siya mapipigilan, ang tanging magagawa ko nalang ay suportahan siya sa desisyon niya. Mamimiss ko ang pagkajologs niya, ang mga corny niyang jokes, ang mga pang-aasar niya sa akin, pangs-spoil at pag-aalaga sa akin. Umuwi akong akong luhaan sa bahay habang hawak-hawak ang cellphone na iniwan ni Ryder sa akin. Hindi ako makapaniwalang iiwan niya ako, na iiwan niya kaming mga kaibigan niya. Ano kayang naramdaman nila Addison nang sabihin sa kanila ni Ryder? I'm sure they're upset as much as I am. Dumagdag pa ng nanay ko sa bigat ng loob na nararamdaman ko. Nahuli ko siyang nasa salas, nakaupo sa couch at may katabing lalaki na nakahubad-baro. May mga alak, drugs at sigarilyo na nakalatag sa lamesa na nasa harapan nila. Hindi ako makapaniwalang napailing. God, this slut, really. "Seriously? Dito talaga sa salas? You didn't even bothered locking the door?" I asked bitterly, drying my tears with my fingers. "Saan ka nagpuntang bata ka? Bakit hindi ka na nagpapaalam sa akin? Nanay mo 'ko!" Pangbubulyaw niya pa. Nanay pa pala kita? Hindi na bago sa kin ang mga ganitong pangyayari at senaryo. Palagi niya itong ginagawa, sa sobrang tagal na nakasama ko siya ay nasasanay na ako. "Sorry, Ma. Nag-aya lang kasi 'yong kaibigan kong gumala." Napairap ako, tumitingin sa buong paligid pwera lang sa kanila ng bago niyang lalaki. "Aakyat nalang ako." "Sige, umakyat ka nalang, mabuti pa. Kahit kaylan papansin ka talaga, ano?" Napairap ako dahil alam na alam ko kung anong ibig sabihin niya. Hindi ako ganoong klaseng babae, hindi ako katulad niya na kung sino-sino ang dinadala sa kama. Kung iniisip niya na nagpapapansin ako sa mga lalaki niya, nagkakamali siya at mas kinamumuhian ko pa siya dahil duon. Banaliwala ko na lamang ang pang-iinsulto niya at umakyat na lamang papunta sa kwarto ko. Tinago ko ang cellphone sa kwarto at lumabas ng bahay sa pamamagitan ng bintana. Mababa lang naman ang tatalunin ko, gusto ko lang talaga makaalis na naman sa bwisit na pamamahay na 'to dahil alam ko na kung saan mapupunta ang pag-iinuman nila ng lalaking 'yon. Tinakbo ko ang distasya papunta sa bahay ni Kosovar. Hindi ako huminto sa pagtakbo hanggang sa umulan at patuloy pa rin ako sa ginagawa. Sinabayan ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng luha ko. Huminto ako nang matanaw sa kalayuan ang bahay ni Kosovar. Yumuko ako at nilagay ang kamay sa tuhod habang hinahabol ang hininga. Naglakad ako papunta sa bahay, patuloy ang pagbuhos ng ulan at ng luha ko. Bumagsak ang balikat nang makitang wala ang sasakyan nito, instead a familiar motorbike came to my sight. Walang nakasakay rito, wala ang weird guy na obsess na makausap ang girlfriend ni Kosovar. Hinanap ng mga mata ko ang lalaki at nahuli itong nakasandal sa pader katabi ng gate. Basang-basa ito sa ulan at nakayuko habang may suot na hoodie at tila may bandana ring nakatakip sa ilong at bibig nito. Huminto ako sa harapan nila at napatitig sa mga mata niyang nakatuon na rin sa akin. Hindi ko maiwasang isipin kung nakakahinga pa ba siya dahil sa bandanang nakatakip sa ilong at bibig nito, siguradong basa na rin 'yon. Ano 'to? May sunog? Even with his hoodie over his head, I could still see his intimidating hardened eyes that made me swallow my saliva back in my throat and look away. I walked towards the gate while looking down, tears still rolling down my cheeks. I tried pushing the gate open but it was really locked. Sino ba kasing tanga na tumakbo papunta rito? "You look like s**t," the intimidating man said with his muffled voice because of the bandana covering his mouth. "I know..." I wiped my tears while shifting to the pavement and sitting down. I hugged myself as silence engulfed us. I was hoping for him to just leave so he wouldn't have to see me like this and I wouldn't have to embarrass myself more. I closed my eyes while shivering from the coldness of the rain until something cold coated my shoulder and back. I opened my eyes and my heart leaped inside my chest when I saw the weird guy in front of me. I wanted to complain that his leather jacket didn't help me at all because it was also soaking wet, but that was still nice of him though. I can't make myself speak because what he did somehow made me feel better. Then he started walking away from me to his mortorbike, leaving his jacket with me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD