Chapter One
Ashley
Hindi ko maiwasang mapairap nang magsimula na naman ang ingay sa kabilang kwarto. Tumagilid ako ng higa at tinakpan ang unan ang dalawang tenga ko para hindi marinig ang malaswang ingay na maririnig sa kabilang kwarto. Siguradong nagdala na naman ng lalaki si Mama sa bahay. Dapat ay sanay na ako sa ganito pero habang tumatagal ay mas umiinit lang ang dugo ko. Dapat ba ay ako ang mag-adjust sa kalandian niya?
Bumangon ako at binaliwala nalang ang mga ingay. Humarap ako sa salamin at pinusod ang buhok sa mataas na ponytail. Sinuklay ko ang medyo mahaba kong bangs gamit ang kamay at saka dinampot ang guitar case ko.
I never leave my guitar behind. It's like my boyfriend!
Lumabas ako ng kwarto at mabilis na tumakbo pababa ng hagdanan, nagmamadaling makalabas sa bahay. Ayokong magstay sa bahay kung puro kalaswaan lang ang maririnig ko. I need to go somewhere, maybe sa Forever Young Bar. Kosovar is working there, then I would have a company so I wouldn't get bored.
Nilakad ko lang ang distansya papunta sa Forever Young dahil may kalapitan naman ito, para na rin tipid sa pera. Pagkapasok na pagkapasok sa maliit na gusali ay sumalubong sa akin ang maingay na musika at mga iba't ibang kulay ng ilaw na nagsasayaw sa kisame. Nagtatrabaho rin ako dito around 6 PM to 8 PM, then my gig din kami ng banda ko rito around 9 PM at umuuwi lang mga 10 to 11 PM. Hassle yata 'tong buhay ko, ganito talaga kapag mahirap ka't nangangailangan ng pera. Pero may leave ako ngayong araw kaya wala akong trabaho.
I'm only 17 years old, I'm underage but everyone knew me here so I don't have a problem with that.
"Hey, Isaiah!" Nakipag-high five ako sa isang bouncer na nakasalubong ko papasok.
"Bakit ka nandito sa ganitong oras, Ash?" Pinanliitan niya ako ng mga mata. This guys is just too handsome to be a bouncer, I don'y know why he's here. Crush ko ang lalaking 'yan dati kaso wala naman akong oras na lumandi kasi study first muna ako.
My goal? Makaipon ng pera pang college, makapagtapos at iwanan ang kasalukuyang buhay ko. It may sound bad, but I want my mother out of my life.
I already accepted the fact that my mother will never change, ever since I was young, she's already like this. Kung may ipasasalamat man ako sa kaniya, iyon ay ang hinayaan niya akong mabuhay sa mundo. Or not? Ang pagkakaalam ko rin ay binalak niya akong ipalaglag noon habang pinagbubuntis niya palang ako.
"Maingay sa bahay, hindi ako makatulog." Nagkibit balikat ako. "Pupunta lang naman ako kay Var."
"Bahala ka nalang sa bahay mo," bumuntong hininga siya. "Sige na, pumasok ka na."
"Salamat," matamis ko siyang nginitian at naglakad na papasok. Marami-rami ang mga tao ngayon kaya nahirapan akong isiksik ang sarili ko sa kanila para lang makadaan. Mga amoy alak at sigarilyo ang mga tao kaya binilisan ko ang paglalakad.
Pumunta ako sa bar counter at napangiti nang makita si Kosovar sa loob na gumagalaw, naseserve at nagmimix ng drinks. Umupo ako sa bakanteng bar stool para kuhanin ang atensyon niya na napagtagumpayan ko namang gawin. Walang emosyon niya akong tinignan na para bang nasira ang araw niya dahil nakita niya ako.
"Ano na naman?" He asked in a bored tone.
"Wala lang, libre mo naman ako ngayon, sige na, kahit mumurahing beer lang." Ngumuso ako at pinaglapat ang dalawang kamay. "I know you can't say no to me when I'm begging. Please?"
"Tss..." kumuha siya ng dalawang bote ng mumurahing beer, binuksan ito at pinatong sa harapan ko. "Dalawa lang, mahirap na kapag nalasing ka."
"Yes po, hindi ko naman planong maglasing." I grabbed the beer and sipped a little as I watch Kosovar move around and serving drinks like professional.
I don't even remember how we became close, simula siguro nang magtrabaho siya rito para raw makapag-ipon ng pamasahe papunta sa Amerika para bisitahin ang girlfriend niya. Nang magbakasyon ay pinuntahan niya agad ang girlfriend niya duon, nang makauwi naman ay todo na ulit ito sa pagtatrabaho para mag-ipon na naman.
"Anong tinitingin mo, Mayieh?" Lumingon siya sa akin at nagtaas ng kilay.
"Until now, hindi ko alam kung bakit Mayieh ang tawag mo sa akin."
"You have a Marie in your name, so..." he shrugged. "What's you full name again? Allan Marie Velez? Where's the Ashley in that? Why do people call you Ashley again?"
Tinignan ko siya ng masama dahil sa pang-aasar niya. Inirapan ko siya at binaliwala na lang ang pang-aasar niya.
"Kamusta na kayo ni Jezer?" That's her girlfriend's name. Nag-ibang bansa raw ito, hindi ko alam ang rason. Walang may alam nito, kapag nagtatanong ako ay hindi siya sumasagot. Naging usap-usapan din sa eskwelahang pinapasukan ko ang pagkawala niya.
"Going strong," he simply answered. He's not smiling but I can see the glimmer in his eyes when he said that.
I only met her girlfriend once at hindi na naulit pa.
"Miss mo na siya agad, kakauwi mo nga lang galing sa Amerika. Bakit hindi nalang siya ang pumunta rito? You graduated pero hindi man lang siya umuwi para makita kang makaakyat sa stage at makapagcelebrate kayo."
"She's busy... and I celebrated with my dad and my stepmom anyways. And I'm planing to visit her again before college starts. Marami na naman akong naipon."
"So tanggap mo na ang stepmother mo?" I asked curiously.
"Why not?"
Wow, that's a first. "Bakit kasi hindi ka nalang humingi sa tatay mo ng pera? Maayos na relasyon niyo 'diba?"
"Bakit hindi mo na lang itikom ang bibig mo, Mayieh?" Sinamaan niya ako ng tingin. "If you wanna stay, just shut your mouth. May trabaho pa 'ko."
Inirapan ko siya at pinaikot ang stool patalikod sa kaniya. Uminom ulit ako at tumingin sa paligid, napapangiwi tuwing nakakakita ng magjowa na naghahalikan. Alam ko na kung saan hahantong ang mga gan'yang klaseng halikan. Mom loves her men more than me, actually kahit katiting siguro na pagmamahal ay wala siya sa akin.
Simula bata ako wala na siyang pakialam sa akin, palagi siyang wala sa bahay at palagi niya akong binubulyawan ang pinagsasabihan ng kung ano-ano. Ayos lang naman, as long as she won't hurt me physically.
Ang Papa ko? Iyon, may sariling pamilya. Siya 'yong may ari ng eskwelahan na pinag-aaralan ko nung high school, ang Monte Guirero High. Maayos naman ang pakikitungo niya sa akin, ginagampanan niya rin naman kahit papaano ang pagiging ama niya sa akin. He even offered na tumira ako sa bahay niya pero tumanggi ako dahil hindi maganda ng trato sa akin ng asawa at mga anak niya except for Addison na naging bestfriend ko pa. Ayoko lang na maging sampid sa pamilya nila, mas mabuti na tumayo nalang ako sa sarili kong mga paa. Alone.
Maya-maya ay tinawag ako ni Kosovar para sabihin na maghintay sa kotse niya dahil malapit na raw matapos ang shift niya. Naupo ako sa hood ng kotse niya at matyagang naghintay. Few minutes later, I saw him exited the bar and walked towards me.
Tumuwid ako ng tayo at nginitian siya.
Nang makalapit siya sa akin ay tinignan niya ako ng mabuti. "How are you?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Umiwas ako ng tingin, pinaglaruan ko ang bangs ko para kahit papaano ay matago ang luha na tumulo sa pisnge ko. I'm not usually a crybaby, but this is Kosovar and I know that he won't judge me. He's like the brother I always wanted, his presence always just feels so brotherly to me.
I tried to steady my shaky voice by taking a deep breath. "She brought another man home and done it there, I don't wanna be there."
"Sa bahay ka nalang muna matulog, nasa Amerika sila Dad so I have all the house for myself. You can use Jezer's room, I'm sure she'll be happy to help."
"I feel like I'm a burden," I pouted. "Pero hindi ako tatanggi d'yan." It's not like it's my first time to sleep in his house. Limang beses na yata akong nakitulog sa bahay niya.
"Thick face," he shook his head at me. "Sakay ka na bago pa magbago isip ko."
"Don't worry, kila Ryder naman ako bukas makikitulog kapag nagdala na naman ng lalaki ang mama sa bahay." Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at pumasok. Nilagay ko sa backseat ang gitara ko at saka kinabit ang seatbelt. Nagulat ako nang magkabit din siya ng sariling seatbelt niya.
"Wow naman, nagbabago ka na talaga! Gan'yan ba talaga kapag nagkajowa ka na?" Pang-aasar ko pa sa kaniya.
"If something like that happen at your place, you can sleep in my house anytime." He said, ignoring my joke.
"Kung ibang tao ka lang baka napagkamalan na kitang manyak."
"Sira, hindi ko pagpapalit si Jezer sa kahit kanino." He shrugged and started the engine, unparking his car. "I only see you as a friend, Mayieh, so remove that thought from that crazy head of yours."
Nalukot ang mukha ko sa pagka-di gusto. "Akala ko sasabihin mo kapatid, kaibigan lang pala tingin mo sa akin samantalang ako kapatid na turin ko sayo. Tse!"
...
"Oh, mga naiwan ni Jez." Inabutan ako ni Kosovar ng damit.
"Hindi ba magagalit girlfriend mo?" Tanong ko habang tinatanggap ang nakatuping mga damit.
"No, she's too nice to be mad, but I'll tell her later. Feel at home." Umatras siya paalis sa silid at sinarado ang pinto sa mukha ko.
Pinatong ko ang damit sa kama, humarap ako sa body mirror at saka nilugay ang mahaba kong buhok. Inayos ko ito habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.
Am I unlovable? Am I hideous? Bakit hindi ako magawang mahalin ng sarili kong ina? And to Papa, baka nagpapakaama lang siya sa akin dahil obligasyon niya iyon.
The only person I have right now are my bandmates, my sister, Addison, and Kosovar.
Nagbihis ako ng simpleng kulay pink na sando at pink na cotton shorts na binigay ni Kosovar. Hindi ako fan ng pink but this will do. Ang ganda ng kwarto ni Jezer kahit na masyadong pangbabae at kulay violet ang lahat. Nakakainggit siya, halatang mahal siya ng mga magulang niya. Even Kosovar loves her.
Nakakapagtaka lang. Hindi ba't stepsiblings silang dalawa? Tanggap ba ng mga magulang nila ang relasyon nila? Bakit bigla nalang umalis 'tong si Jezer? She's popular at school, hanggang sa matapos ang eskwela ay siya pa rin ang pinag-uusapan.
Pagkatapos ayusin ang sarili ay lumabas ako ng kwarto para mag-good night kay Kosovar pero nahuli ko siyang wala sa kwarto niya. Kaya pumunta ako sa baba at duon ko nga narinig ang boses niya. Sa pinto ay may kausap siya, hindi ko maaninag ang itsura ng kausap niya dahil nakaharang siya.
"Umalis ka na bago ko pa sirain 'yang pagmumukha mo, Emmanuel." May pagbabanta sa boses ni Kosovar at parang galit din ito.
"Just give me her number, I just need to talk to her then I'll leave her alone."
The guy sounded so desperate, hindi ko maiwasang mapansin ang baritono nitong boses.
"You have connections, right? Why don't you use that to get what you want?"
"That's disrespecting her privacy."
"Since when did you care about disrespecting someone's privacy?"
"Come on, bro, huwag kang gan'yan. Limang minuto lang—"
"Leave her alone, she already has a lot on her shoulder. Wala kang mapapala sa akin, kung ako sayo ay hintayin mo nalang siya hanggang sa makabalik siya."
"How are you sure that she'll return? She may die—"
"Do not f*****g there continue what you're going to say, asshole!"
Who is this man? Why is he desperate to talk to Kosovar's girlfriend. Ex ba siya ni Jezer? Posible. Curious ako pero hindi ako magtatanong, ayokong makisali sa kanila gulo nila at problema nila. May sarili akong buhay na dapat intindihin, hindi ko na kaylangang makisali pa sa gulo ng iba.
Aakyat na sana ako ng hagdanan nang mahuli ako ni Kosovar. Kumunot ang noo niya habang lumalapit sa akin. Tinitigan niya lang ako nang matagal na para bang may hinihintay.
Ano na namang trip nito?
"Hindi ka magtatanong?" He asked.
"Bakit? Gusto mong magtanong ako?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Dahan-dahan siyang umiling, sinalo niya ang noo niya at huminga ng malalim. "Matulog ka na, good night." Siya na ang naunang umakyat kaysa sa akin.
Hinawi ko ang medyo mahaba ko ng bangs na nakaharang sa mga mata ko. Tumingin ako sa nakasaradong pinto, naglakad ako papunta rito at hinawakan ang doorknob, Unti-unti ko itong pinihit pabukas at napairap sa hangin nang mapagtantong nakalimutan iyong i-lock ni Kosovar. Hindi ko sadyang nabuksan ito, titignan ko lang naman sana kung naka-lock ito.
Sa labas ay may lalaking naglalakad palayo sa bahay, lumabas ito ng gate at pumunta sa magara at mukhang mamahaling motorbike. Sumakay siya rito at nagsuot ng malaking helmet na kapares ng disenyo sa motor niya.
Hindi ko alam kung anong espirito ang sumapi sa akin para lumabas ng bahay at lapitan ito. Tinitigan ko nang mabuti ang lalaki na nakatingin na sa akin. He removed his hands from the motorbike's handle and folded his arms over his chest c*****g his head as if he's curious.
I was still eyeing him while closing the gate. Medyo malapit na ako sa kaniya at ang tanging nakikita ko lang sa mukha niya ay ang malamig niyang mga mata. Tinatabunan ng helmet ang ibang parte ng mukha niya.
"May I ask who are you and why are you here?" He asked, his voice being muffled by his helmet.
"Oh, I'm Var's friend. Wala akong matutuluyan ngayon kaya pinatuloy muna ako ni Var dito." Maayos kong sagot sa tanong niya.
"And Jezer agreed?"
"Var will tell her, but he said she wouldn't be upset because she's a good person."
"Aren't you gonna ask who am I and why am I here?" He asked, the confusion in his voice was too obvious.
"Hindi na ako magtatanong. It's none of my business anyways." Tinalikuran ko na siya at naglakad papasok sa loob ng bahay. Pagkadating ko sa kwarto ko ay para akong baliw na tumakbo sa bintana para tignan kung nanduon pa rin ba ang lalaki sa labas. He was still there, staring the gate like he's in daze.
So weird.
Ilang saglit lang ay pinaandar niya na ang makina ng motor niya at umalis. Sinarado ko ang bintana binagsak ang sarili sa kama.
Is he Jezer' s ex? Who is he?
Curious na curious ako, pero ayokong makisawsaw sa buhay ng iba. Ang intindihin ko nalang dapat ay ang buhay ko, hindi iyong buhay ng iba.