HML-5.2

1027 Words
YOLLENCE [Sige. Magkita na lang tayo sa sasakyan, pero ang masaklap pa ngayon ay nakatunog si Signo.] Signo. Napatiimbagang siya sa narinig niya. Napahilamos na lamang si Yollence sa kanyang mukha dahil sa inis na nararamdaman niya. Napabuga na lamang siya ng malalim na hininga bago niya pinutol ang tawag. Nagmamadali siyang tumungo sa elevator. Nang nasa tapat na siya ng elevator ay agad siyang naghintay na bumukas ito. "S, saan na si Gideon?" tanong niya kay Simoun na nasa kabilang linya. Rinig niya sa background nito ang pagtipa nito sa keyboard. “Nasa elevator siya ngayon. Papunta siya sa 2nd floor ngayon." "Okay,” tugon niya rito. Pinindot na naman niya ang button sa likod ng tainga niya upang magbago ulit ang mukha niya. Ginaya na naman niya ang isa pang nagtatrabaho rito mismo sa gusali na ito. Minutes later, the elevator 'tinged'. Pumasok na siya, at pinindot niya ang 2nd floor. Hudyat na nandito na siya sa ikalawang palapag si Mayor Gideon. Akmang lalabas na siya nang biglang may tauhan na nakaabang sa kanya at nakatutok sa kanya ang baril na hawak nito. Kaagad naman nitong binaba ang baril nang makilala siya nito. Napangisi siya nang masilayan niya ang baril ng lalaki. Pipitsugin baril. "Ang cheap ng baril mo, Kuya. Nakakasuka lang," nakangisi niyang sabi na mas lalong nagpupuyos ito sa galit. "Relax lang, Kuya. High blood ka naman dyan," pagpapakalma niya rito. " "Cheap pala ha!" Napaangat ang gilid ng labi niya nang akma na sana nitong kalabitin ang baril ay agad niyang sinipa ang baril nito kaya tumilapon ang baril na hawak nito. Wala siyang sinayang na oras, at kaagad niyang tinadyakan ito sa tiyan. Napaubo ito sa ginawa niya at napadaing sa sakit. Napangisi siya sa nang makita itong nahihirapan. "Mahina pala ang tauhan ni Signo," napailing niyang sabi. Kaagad niyang inumang sa harapan ng lalaki ang baril niya. Bigla itong nataranta, at natakot nang makitang nakatutok ang baril niya sa harapan nito. "M-makikiusap ako, miss. Huwag mo akong papatayin." Pagak siyang natawa, at hindi nagdadawalang-isip na binaril niya ito sa ulo. Napaangat siya ng tingin nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Napansin niya sa ‘di kalayuan si Mayor Gideon. Namumutla ang mukha nito, at walang kurap na nakatitig ito sa kanya. Kumibit-balikat na lang siya. Hindi naman siya nito kilala kaya okay lang sa kanya. Napailing siya, at walang-sabi-sabing pinutok niya ulit ang baril sa lalaking nagmamakaawa sa kanya. Basta trabaho wala siyang sinasanto. Naglalakad na siya papalapit sa Mayor na natulala pa ring nakatitig sa kanya. Natatawa, at napailing na lang siya sa reaksyon nito. Ganito na ba siya kaganda kaya natulala na ito o baka naman, ngayon pa lang ito nakakita na may binaril sa harapan nito? "Let's go!" Hindi na niya hinintay pa na makasagot si Mayor dahil kinaladkad na niya ito papalabas ng gusali. Nang makita na niya ang sasakyan nila ay kaagad niyang pinapasok ito na hindi sapilitan. Tahimik lang ang binata na nakaupo sa tapat niya. Talagang nagimbal ito sa nakita kanina. "Mayor Gideon De Coltier." "Do you know me ?" Turo nito sa sarili. Tumango siya rito. "Yes. I know you, Mayor. Kaya huwag ka nang magtaka kung bakit kita kilala. It's obvious naman na maraming nakakilala sa’yo rito sa bayan na ito dahil Mayor ka," seryosong paliwang niya habang tinanggal niya ang damit an sinuot niya kanina. Wala siyang pakialam kung may makakita sa kanyang halos hubad na. Naka sports bra siya, at panty shorts kaya hindi naman siya hubad talaga. —— GIDEON Hindi makapaniwala si Gideon na may babae pa lang astig na katulad ng nasa harapan niya ngayon. Kung kumilos ay sanay na itong makipagbakbakan. Sa mismong harapan pa niya nakita na ang lalaking walang binaril nito. Kahit na nagmamakaawa na ang lalaki sa harapan nito ay wala siyang nababakasan na awa sa mukha ng dalaga. Tama nga. Sino naman ang hindi makakilala sa kanya kung Mayor siya rito sa bayan? Ang pinagtataka niya, bakit may nahanap itong ganitong gulo sa gusaling iyon? Bakit walang pulis na dumating? Nakakapagtaka lang. Sa labas parang normal lang. Hindi mo mahahalata na may nagaganap na barilan sa loob dahil sound proof ang gusaling iyon. Alam niya dahil nabasa niya sa newspaper. Nalaglag ang panga niya nang makitang naghuhubad ng babae sa harapan niya. "Hey, woman! Huwag kang maghubad dito sa harapan naming tatlo!" siya niya rito, pero inirapan lamang siya nito. Narinig niya ang pag-ismid nito sa kanya. "I don't care kung tumingin man kayo sa katawan ko. Anong akala mo sa akin maghuhubad ako nang walang suot na sports bra o shorts sa loob? Niknik ninyo!" mataray na sabi nito habang patuloy pa rin sa paghubad ng itim nitong suit. She is indeed right. May suot nga itong sports bra, at itim na maikling shorts. Tama bang tawagin na maikling shorts ang suot nito, kung ang sinuot ng dalaga ay parang itim na panty lang? Parang hindi nga shorts ang suot nito. Napatiimbagang siya nang mapagmasdan niya ang babae. Hindi ba nito nahahalata na tatlo kaming lalaki dito? Bumaling ito sa kasama nitong dalawang lalaki. May sinusuri ang mga ito na isang maliit na bote. Hindi niya alam kung ano iyon dahil kulay lila. "Anong tingin-tingin mo d’yan sa bote na hawak nila?" nakataas-kilay na tanong nito sa kanya habang pinagkrus nito ang mga braso sa bandang dibdib nito. Kumibit-balikat siya. "Curious lang ako." “Alam mo, ang mga taong mausisa ay madaling mamatay. Alam mo ba iyon, Mayor?" He frowned. Pamilyar sa kaniya ang boses ng babaeng ito at sa pagiging mataray nito sa kanya. Ngayon lang niya napagtanto dahil sa pagkabalisa niya kanina ay hindi na niya iyon napansin. Alam na niya kung sino ang kaharap niya ngayon. Napangisi siya, ang kaharap niya at ang nag-iisang taong napagsalitaan niya ng masasakit na salita ay nasa mismong harapan lang niya. "Dj Y." Nanlalaki ang mga matang napatingin ito sa kanya. "Anong itinawag mo sa akin?" "I know who you are, Yollence Melles o mas kilalang Dj Y." Napanganga ito sa sinabi niya. Ang ganda talaga ng babaeng ito kahit may pagkataray. Ang lakas talaga ng epekto nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD