YOLLENCE
Ala una na ng madaling araw pa lang ay nandito na sila sa isang madilim na eskinita. Nakasakay sila sa itim na van. Dalawa lang sila ang nandito sa loob dahil ang partner niya ay tumungo na sa gusali.
"Y."
Napabaling ang atensyon niya kay Simoun na nakaharap sa isang monitor. Tutok ang atensyon nito doon, at para bang isang lingat lang ay mapapahamak ang kasama nilang si Drake. Kumunot ang noo niya ng napatingin siya sa hawak nitong itim na damit, at isang handgun.
"Kunin mo na iyang handgun. Isuot mo na rin ang anti-poison na damit. Ginawa pa iyan ng team intelligent para kahit anong i-spray sa’yo ay hindi ka malalason sa gamot na inilagay nila. Kulay lila na nasa bote," paliwanag ni Simoun.
"Ang galing talaga!" Namamangha siya sa talento, at talino ng kasamahan nila.
Isinuot na niya kaagad ang ibinigay nito. Kaagad na naglagay ng isang pekeng nunal na malapit sa tainga niya. Ito ay nagsisilbing maliit na earpiece. Kinabit na rin niya ang handgun sa kanyang hita.
"Iyang handgun na iyan, pindutin mo lang ang pulang button.”
Napatingin siya kaagad sa handgun na nasa kanang hita niya.
"Ito ba?" Turo niya sa pulang tuldok. "Para saan naman itong pula?" takang tanong niya kay Simoun.
"Iyan para hindi ma-detect sa alarm nila na may dala kang baril,"paliwanag nito na hindi pa rin nakatingin sa kanya.
" Agent C, this is Agent S. Papasok na ba si Agent Y d’yan sa loob?" Napatango-tango ito. "Okay, copy."
"Agent Y, maghintay ka sa ibaba ng gusali na iyan.” Turo nito sa kaliwang bahagi ng madilim na eskinita. "Maghintay ka sa signal ni Agent C. Ito pala ang climbing rope. In case na ma-alarma sila sa ibaba ay d’yan kayo sa bintana dadaan." Kinuha niya ang itim na lubid, at tinali niya sa beywang niya. "Pwede mo iyang gawing belt at pindutin mo iyang antler button na kulay puti," paliwanag nito kaya sinunod naman niya ang sinabi nito.
"Cool!" bulalas niya sa sinturon na nasa beywang niya na naging lubid.
Akmang binuksan na niya ang pintuan ng van nang bigla itong nagsalita.
"Nakalimutan ko, Y. In case kung gusto mong magpalit o gumaya ng damit na katulad ng sinusuot ng tauhan nila ay pindutin mo ang green button sa damit na iyan. Naiintindihan mo?" Tumango siya dito at lumabas na.
Nandito na siya sa ibaba ng gusali, at naghihintay na ng signal sa partner niyang si Drake. Nasa loob na ito ng building na nagpapanggap bilang delivery boy. Siya naman ay nakaharap sa isang gusaling inuupahan ng mga sindikato na kailangan nilang patayin. May isa't-kalahating oras na ibinigay sa kanila ni boss. Kung hindi nila matatapos ito baka mabubulilyaso lahat ng plano o baka makatakas ang malaking isda na kailangan nilang hulihin. Isa rin sa mga tao iyon ay ang hinahanap niya na pumatay sa kanyang ama.
"Agent Y, pumasok ka na," sabi ng nasa kabilang linya.
"Copy."
Akmang papasok siya nang bigla siyang pinigilan ng isang naka itim na lalaki.
"Teka, Miss. May I.D ka ba?"
Pinakita niya kaagad ang I.D na kinopya pa nila sa isang tauhan ng gusali na ito, at pati mukha ng babae ay kamukha na rin niya. Alam niyang hindi na nagtatrabaho ang babae iyon dahil matagal na itong patay dahil pinatay ito sa loob ng restroom ng gusaling ito.
“Grace? ‘Di ba namatay na iyon?” rinig niyang bulong ng isa pang guard.
Siniko naman ito ng kasamahan nito.
"Ikaw pala iyan, Grace. Pumasok ka na.”
Ramdam niya ang boses nito na mukhang nag-alinlangan. Nakahinga siya nang mabuti, at agad siyang pumasok sa gusali, at agad niyang pinindot ang earpiece ng malayo na siya sa puwesto ng mga ito.
"C, nandito na ako sa loob ng gusali. Saan ka na ngayon?"
[2nd floor sa right side. Hanapin mo ang kwartong numerong 329,] sagot nito sa kabilang linya.
"Okay. May nakita ka bang kahina-hinala riyan?"
[Mayro’n. Kaya lang nagtataka ako. Bakit iba ang kulay ng bote na hawak ko? Ang sabi ni Boss kulay lila ang kulay na nasa bote.]
"Oh! Sige. Kunin mo ang lahat ng hinihinalang bagay d’yan para sa imbestigasyon na gagawin natin, at para masuri iyan sa lab."
"Copy!"
Pinatay na niya kaagad ang tawag at pumasok sa elevator na rin sa pinindot ang 2nd floor. Magsasara na sana ang elevator ng may kamay na pumigil sa kanya, at kaagad na pumasok ito.
Napakunot ang noo niya ng iba ang kulay ng mga mata nito, at iyon ay kulay pula. Hindi kaya—
"Mister?" tawag pansin niya rito.
"Yes?" Nakangising humarap ito sa kanya.
"Bakit pula ang mga mata mo? Contact lenses ba i—?"
Napaigik siya nang bigla siya nitong ibinalya sa pader ng elevator. Hinawakan niya ang braso nito na nasa leeg niya. Hindi niya iyon matanggal dahil sa higpit nang pagkakasakal nito sa kanya. Napatigil siya ng napatingin siya sa mga mata nito. Naalala niya. Isa ito sa mga eksperimentong ginawa ng isa sa malakas na sindikato sa bansa at binibili ito na nagkakahalagang dalawang milyon. Isa itong druga na nakakaapekto sa utak at pati sa buong katawan ng isang tao kahit na ipinagbabawal itong ibenta ay mayroon pa ring nakakalusot dahil may kapit ito sa heneral ng mga pulis.
Inabot niya ang butterfly hair stick na nakapulupot sa buhok niya, at mabilis niya itong hinila. Wala siyang sinayang na oras, at agad niyang pinindot ang pinakadulong bahagi ng may tranquilizer. Kaagad niyang sinaksak sa likod ng lalaki. Unti-unting bumagsak ang katawan nito sa sahig ng elevator. Napatingin siya sa itaas, at nakita niyang may CCTV doon.
"Sh!t!"
Pinindot niya ang earpiece na nasa likod ng tainga niya.
"S, paki-hack ng lahat ng CCTV nila sa elevator."
Rinig niyang nagtitipa na ito sa computer at may narinig siyang click.
[Done, Y. May mga taong nand’yan sa labas na nag-aabang sa’yo. Huwag kang magpahalata na hindi ka kasapi nila. Pindutin mo ang likod ng kanang tainga mo para mag-iba na naman ang itsura mo.]
Kaagad niyang pinindot ang kulay yellow sa relo at tinapat ang mukha niya roon. Napangiti siya ng nag-iba nga ang mukha niya.
"Done, S."
[Paglabas mo d’yan lumiko ka sa kanan. Hanapin mo ang kulay berde na nakasabit sa pintuan ng kwarto. Room 329.]
Nang bumukas ang elevator kaagad na sumalubong sa kanya ang malalaking katawan ng mga lalaki. Mga anim sila. Lumiko siya sa kanan at hinahanap ang numerong 329. Nang nasa tapat na siya ay kaagad niyang hinahanap ang kulay berde na nasa pintuan.
"Bakit kailangan nating kunin ang tela?"
[Nand’yan inilalagay ni Signo lahat ng susi.]
"Nagtataka ako. Bakit dito pa talaga sinabit sa halaman? Madali naman makapansin nito, at saka wala akong mahanap na kulay berde na tela, S. Nakita ko lang ay halaman na napapalibutan ng matinik na bulaklak."
Akmang hahawakan niya sana ito nang bigla siyang pinigilan ni S.
[Huwag. Mamaya na kita sasagutin sa tanong mo. Ang mas aatupagin mo muna ay ang nasa harapan mong tela. May nakapalibot na nakakalasong kemikal sa halaman kaya huwag na huwag kang magtatangkang hawakan iyan baka bigla ka na lang bumulagta sa sahig.]
Napatingin siya sa relo niya ng umiilaw ito kaya pinindot agad niya ito. Bumungad sa kanya si Agent C na tumatakbo, at lumiko sa kaliwa.
[Y, bilisan mo na. Kunin mo ang tela na nasa ibabaw ng halaman. Na-alarma na ang nasa ibaba. Magkita na lang tayo sa 3rd floor. Sa bintana ka dadaan,] hinihingal nitong sabi sa kanya at bigla na lamang nawala ito sa screen.
Humarap kaagad siya sa halaman. Hinahanap niya sa ibabaw ang telang sinasabi nito. Nang makita na niya ito ay kaagad niyang isinilid sa kanyang damit ang telang kulay berde.
Napamura na lang siya ng pagharap niya sa kaliwa ay pinaulanan siya ng putok ng mga nakaitim na lalaki kaya mabilis siyang nagtago sa pader. Kinuha niya ang baril na nakakabit sa kanyang hita.
“It's show time!”
Umalis siya sa kanyang tinataguan at pinutukan niya ang mga ito pabalik. Hindi siya nagdadalawang-isip na pinutukan ito sa ulo. at isa naman sa dibdib. Wala siyang awa sa mga taong halang ang bituka. Nang wala na ang sagabal sa kanyang daraanan ay tumakbo siya patungong elevator, at pinindot ang 3rd floor.
[Saan ka na, Y? Oh sh!t! F-ck this!]
Napakunot ang noo niya nang biglang nagmumura na sa kabilang linya si Simoun kaya napangiwi na lang siya.
"Tumigil ka nga sa kakamura mo d’yan, S. Ano ang nangyayari?" takang tanong niya rito.
[Y, papasok ng gusali si Mayor Gideon. Hindi ko alam kung bakit siya nandito!]
"Bullsh!t! Simoun, huwag mong sabihin sinundan na naman niya ako rito?!" hindi makapaniwalang aniya.
Ano naman ang ginagawa ng Mayor na iyan dito? Ngayon pa talagang madaling araw na may ginagawa silang trabaho! Nakakasakit na talaga ng ulo ang lalaking iyon!
[I don't know. Kaya kung ikaw gusto mo pang mabuhay ang minamahal mong si Gideon ay paalisin mo siya diyan. Baka madamay pa siya sa trabaho natin,] natatawang sabi nito kaya minura niya ng minura ang nsa kabilang linya.
Hanggang sa nawala na si Simoun sa kabilang linya. Isa pa itong gago. Nakakadagdag pa ito sa sakit ng ulo niya. Lalong-lalo na ang Mayor na iyon. Sinabing nang huwag nitong guluhin ang buhay niya. Talagang nakadagdag pa talaga sa pasanin niya. Napagdesisyonan niyang tawagin si C kung kumusta na ito sa 3rd floor.
"C, bababa ako sa 1st floor dahil may asungot na naman ang nakabuntot sa akin. Ang lakas talaga ng radar ng Mayor na iyan!"
Natawa na lamang ito.