HML- 4

1613 Words
GIDEON Ilang araw na niyang hindi nakikita si DJ Y. Marami na siyang tinanong, pero walang makakapagsabi sa kanya kung saan ang dalaga. Wala siyang matinong sagot na nakukuha mula sa mga kasamahan nito. Nakakasakit na ng ulo dahil hindi niya malaman kung saan na ito nagpunta. Kung saan-saan na niya ito hinahanap. Hindi na nga niya alintana na may iba pa siyang dapat unahin, at gawin bilang Mayor ng bayan ng San Isidro. Ngunit, hindi siya matatahimik dahil sa konsensya niya kapag hindi siya nakakahingi ng tawad kay DJ Y. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagalit at napagsalitaan niya ito ng masasakit na salita. Napabalik siya sa wesyo ng may nagsalita sa harapan. Napansin niyang sekretarya pala niya ito. "Anong sabi mo?" "Mayor, may gusto pong kumausap sa inyo sa telepono." Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. "Sino?" takang aniya. Kumibit-balikat lang ito. "Hindi niya sinabi, kung ano ang pangalan niya. Basta sabi niyang gusto ka lang niyang makausap ngayon din," magalang na saad ni Kevin sa kanya. Tumango lang siya bago nito binigay sa kanya ang wireless telephone. Tinanggap naman niya kaagad ito, at tinapat sa tainga niya. "Hello? This is Mayor Gideon. Sino itong kausap ko?” Narinig niyang tumawa ang nasa kabilang linya. Tawa na pang-uuyam. [Ikaw pala ang sinasabi nila, Gideon. Ang mayor ng bayan ng San Isidro.] Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Do I know you?" takang tanong niya sa kabilang niya. [Mayor, you may not have known me, but I am aware of who you are. May I remind you, Gideon De Coltier, keep away from Yollence Melles,] seryosong saad nito sa kanya na may himig na pagbabanta ang boses nito. He frowned. "Sino si Yollence?" he curiously asked [Seriously? You didn't know her?] "I shouldn't have asked if I already knew her," he said sarcastically. [Okay, fine. I'll tell you who she is. She works at the Elite Bar as a DJ. I'm warning you, mayor. Your entire family will be in danger if you don't avoid DJ Y.] Natawa siya sa sinabi sa kabilang linya na hindi niya alam kung sino ito. "Is it a threat?" [Maybe yes, maybe not. If you're wondering what's going to happen next, Mayor, that will be so fascinating.] "Paano kung ayokong makinig sa sinasabi mo na layuan ko si Yollence?" paghahamon niya rito. [Ikaw ang bahala. Alam mo bang malapit ako sa kinaroroonan ng kapatid mong babae Mayor? Pakinggan mo ang boses ng pinakamamahal mong kapatid.] May narinig siyang ingay sa kabilang linya na mukhang nasa labas ito. Maraming mga taong nasa paligid at narinig niya ang boses ng kapatid niya. "Mama naman…uuwi na nga ako. Huwag kang mag-alala dahil may bodyguard po akong kasama. Si Kuya Deon po ang nagsabi na kailangan may bodyguard akong kasama. Nakakairita na Mama ah. Nasasakal na ako sa kahigpitan ninyo nina Papa.” Malakas na pumipintig ang puso niya nang marinig niya ang boses ng kanyang kapatid dahil sa kaba. He clenched his jaw. "Huwag mong idamay ang kapatid ko!" galit niyang sigaw sa kabilang linya, pero ang hayop tumawa lang ito na parang demonyo. [Madali naman akong kausap, Mayor. Huwag ka lang lalapit kay DJ Y kung ‘di sabog ang ulo ng kapatid mong babae o di kaya buong pamilya mo.] Pagkatapos nitong sabihin niyon ay pinutol na nito ang tawag. Nanginginig ang katawan niya sa galit, at naguguluhan siya. Bakit hindi siya pwedeng lumapit sa DJ na iyon? "Sino ka ba, DJ Y? Bakit may tumawag sa akin na hindi kita pwedeng lapitan dahil ba mapanganib kang tao?" bulong niya sa kawalan. Napasandal siya sa kanyang upuan, at pumikit. YOLLENCE Nakaupo si Yollence sa malaking bato habang nakatingin sa magandang tanawin ng talon. Nakagagaan sa pakiramdam kapag nandito siya sa sekretong talon na binili pa ng ama niya noon ng buhay pa ito. Nawawala ang problema niya kapag nakakakita siya ng ganito kaaliwalas na tanawin. Her life seemed to have more brightness after witnessing this amazing sight. Kung sana nandito pa si Papa. Napabuntong-hininga siya. Masaya na sana sila ngayon na mag-uusap tungkol sa mga pangarap niya, pero ngayon ay wala na ito. Nakaramdam na naman siya ng lungkot dahil ang tinitingala niyang kanyang iniidolo ay wala na. Kung sinunod niya ang sinabi ng kanyang ama na lumayo siya sa mga kalalakihan ay ‘di sana hindi ito nawala ngayon. Nami-miss niya ang nag-iisang taong nagpapahalaga sa kanya. "P-papa, bakit ninyo ako iniwan? Natupad ko na ang pangarap ko na maging isang DJ." Napayuko siya, at umiyak na lang. Hindi niya makalimutan ang sinabi ng kanyang ama sa kanya. "Anak, kahit anong dumating sa buhay mo ay huwag kang sumuko. Kapag sumuko ka, hindi ka na matapang. Ibig sabihin noon ay duwag kang harapin ang kinakaharap. ‘Di ba sabi ko rin sa’yo na kahit na umiiyak ka ay matapang ka pa rin dahil ang mga matatapang na tao ay ipinapakita kung ano ang tunay niyang pagkatao." Napahagulhol siya lalo nang maalala na naman niya ang sinabi ng ama niya. "Pa, paano ko ipapakita kung sino ako kung ang nakaatang sa akin ay panganib?" Tumingin siya sa itaas. "Papa, naguguluhan na ako kung sino ang nasa likod ng pagkamatay mo at pati sila Mama ay hindi ko na nakita pa." Pinahid niya ang luha niya tumulo na naman. "Hello? " Kaagad niyang sinagot ng tumunog ang kanyang disposable cellphone. [Tik Tak Tik Tak. Naririnig mo ba iyon, Yollence?] Nanlalaki ang kanyang mga mata. Kinikilabutan siya nang marinig na naman niya ang boses na matagal na niyang hinahanap. Hangganga ngayon ay hindi niya ito nakikita. [Sinabi ko na sa’yo, Yollence. Kapag lumalapit ka na naman sa ibang lalaki ay papatayin ko kung sino ang lalapit sa’yo.] Napayakap siya bigla sa kanyang katawan nang bigla siyang nakaramdam ng takot, at kaba sa kanyang dibdib. Kahit natatakot siya ay nilabanan niya ang takot na iyon. Iniisip niya ang sinabi ng kanyang ama na dapat maging matapang siya. Hindi dapat siya nakaramdam ng takot. Huminga siya ng malalim at pinatatag ang loob na sinagot niya ang kabilang linya. "Huwag mo na akong takutin kung sino ka mang hayop ka dahil unang-una ay gusto mo akong makuha dahil nasa akin ang hawak kong antidote na gamot para sa minamahal mong babae. Sino ka? Wala kang karapatan para diktahan ang buhay ko na huwag lalapit sa mga lalaki!" Tumawa ito na parang nasisiyahan sa sinabi niya. [Oo. Gusto ko lang makuha ang antidote na kailangan ko, pero hindi para sa babaeng mahal ko. Sabihin ko sa’yo, hindi ako ang taong dapat mong katakutan, Yollence, dahil hindi ako ang kaaway mo. Isa sa malapit mong kakilala.] "Sino ka?" naguguluhan niyang tanong dito. "Bakit nararamdaman kong binabalaan mo ‘ko?" [Hindi ako pwedeng sabihin na kung sino ako. Gusto lang kitang tulungan, pero hindi ko magawa dahil nasa teritoryo ako sa isang taong kilala mo. Isang tao lang ang pumatay sa ama mo, Yollence.] Binabaan na siya nito ng tawag. Napatahimik siya. Napaisip sa sinabi nito. Kung hindi ito ang kaaway? Sino? Sinong kilala niya na dapat niyang kalabanin? Naguguluhan na siya kung sino ang totoong kaaway niya. Anong kailangan nito sa kanya? Ano ba ang napapala ng mga ito sa kanya? Napabalik siya sa wisyo ng tumunog ang kanyang relo na ibinigay sa intelligent agent nila. She pressed the red button. Bumungad sa kanya ang mukha ng boss nila. "This is B. I'd like to inform you that the drug syndicate has already arrived in the Philippines. Kailangan mong hanapin ang lider nila. Ang lider nila at ang hinahanap mong tao na pumatay sa ama mo ay iisa." Biglang nabuhay ang galit niya sa puso nang marinig niya iyon. Hindi niya pwedeng palampasin ito dahil ang matagal na niyang hinahanap lumalapit na sa kanya. Kapag ang pagkain na ang lumalapit ay walang pagdadalawang-isip na sunggaban iyon. "Copy B." [Mag-iingat ka, Y. May lethal dr-g silang nakakamatay ng ilang segundo lang. Ipadadala ko sa’yo lahat ng kailangan mo,] paalala nito. "Thanks. Anong oras sila darating?" [Mga alas dos ng madaling araw sila darating, at kasama mo si Agent C.] Napasimangot siya sa sinabi nito. "Bakit si C pa ang kasama ko? Ayokong kasama ang matabil na dila ng lalaking iyon.] Humalakhak ito. [Sino pa ba ang gusto mong kasama? Iyong may pagka-ingot o iyong may pagka-clumsy?] "Tumahimik ka na nga. Nakakairita ka na talaga.] [May sasabihin ako sa’yo Y. Ang Mayor na umaaligid sa’yo ay hinahanap ka pero ang masaklap pa ay nasa panganib na ang kanyang buhay ngayon pati ang pamilya niya.] Kumunot ang noo niya sa huling sinabi nito. Nasa panganib? Bakit? Bakit pa niya iniisip ang ibang tao kung may iba pa siyang mission na kailangan niyang asikasuhin. Anong pakialam niya sa buhay ng mayor na iyon? Ngunit sa huli ay nagtanong pa rin siya. " Bakit? ‘Di ba sinabi ko na sa inyo na bantayan mo siya?" [Oo. Binabantayan na namin siya ngayon kaya huwag ka ng mag-alala. Hindi namin kayang malungkot ka na naman kapag mawala si Gideon. Alam kong nakapasok na siya sa buhay mo kaya binabantayan mo siya dahil ayaw mong mapahamak siya ng dahil sa’yo.] Napatahimik siya sa sinasabi nito. Hindi niya pwedeng isali si Mayor sa mapanganib na buhay niya. Ngunit nang gabing iyon ay alam niyang nadawit na ito sa kanya. Lahat ng lalaking nakasalamuha niya ay madadamay sa kanya. She heaved a sigh. Napasimangot siya nang maalala niyang kasama na naman niya ang matabil na boses ng kaibigan niya. This is frustrating. Ayaw niyang kasama ang lalaking iyon dahil alam niyang may isang taong magseselos kapag ito ang ka-partner niya. Binibigyan na naman ng meaning ng lalaking iyon. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD