HML-3

1293 Words
DJ Y Nanlalaki ang mga mata ni DJ Y sa biglaang pangyayari. Sa mismong harapan pa niya nakita na sinuntok ng ilang beses ni Mayor ang hindi niya kilalang lalaki. Nang mahimasmasan na ito sa galit ay bigla siyang kinalakadkad ng Mayor papalabas ng Elite Bar. Dinala siya nito sa liblib na lugar ng parking lot na malapit sa kinaroroonan ng sasakyan niya. Hindi lang ba nito alam ang salitang gentleman? Kung makaladkad sa kanya ay para siyang isang aso. Hinarap siya nito, at nagtataka niyang tinitigan ang Mayor. Napansin niyang madilim ang anyo ng lalaki. Bahagya siyang napaatras sa nakikita niya ngayon. Takot dahil ayaw niyang makitang ganito ang ekspresyon nito sa kanya at nasasabik dahil gusto niyang haplusin ang pagmumukha ng lalaki para kumalma na ito. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Bakit ganoon ang pumasok sa isipan niya? Nabigla siya nang bigla itong sumigaw sa harapan niya. "Ano bang ginagawa mo?" Turo nito sa direksyon kung saan ang bar habang ang talim ng titig nito sa kanya. "Gusto mo bang pagnanasaan ng mga kalalakihan ang buo mong katawan?!" "Ano bang pakialam mo sa buhay ko, Mayor? Nagsasayaw lang naman ako.” Napairap siya. Feeling close din ito. Lalo namang nagpupuyos ng galit ang kaharap, at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. "Pagsasayaw ba ang tawag mo roon? Halos ipalandakan mo ang sarili mo sa kapahamakan!" mariin nitong sabi. Kumunot ang noo niya. Hindi niya maintindihan kung ano ang pinagpuputok ng botse nito. "Kapahamakan?" Pagak siyang natawa. Sanay na siya na nasa bingit ng kamatayan. Napailing na lamang siya. "Nagpapatawa ka ba, Mayor?" "Hindi.” Napatiimbagang ito. “Seryoso ako sa sinasabi ko. Gan’yan ka bang klaseng babae? Kung makapagsayaw ka sa harap ng maraming tao ay para bang gusto mong ipatikim ang katawan mo! Isa kang Dj! Taga tugtog ng iba't-ibang musika. Hindi iyong isang pukpok!" Napasinghap siya sa pang-iinsulto nito sa kanya at huminga siya ng malalim para maibsan ang sakit na naramdaman niya sa sinabi nito "Pukpok?" Napangisi siya. "Ano bang pakialam mo kung ganoon ako sumayaw? Hindi naman kita tatay para pagalitan ako. Tandaan mo, isa ka lang Mayor sa bayang ito, Mayor Gideon De Coltier. Mas aatupagin mo ang pagiging Mayor mo kaysa ako ang tinutukan mo ng atensyon. Huwag na huwag mo ‘kong insultuhin dahil mo ‘ko kilala." Tinalikuran na niya ang binata dahil ayaw niyang may nakakitang umiiyak siya sa harapan ng mga tao. Naalala na naman niya ang nakaraan niya. Sumakay na siya sa sasakyan niya, at pinaharurot ito. Habang nagmamaneho siya ay naglalakbay naman ang kanyang isipan sa nangyayari. Hindi pa rin niya nakalimutan hanggang ngayon. Masaya siyang umuwi sa kanilang bahay, pero ang nadatnan niya sa loob ng tahanan ay isang kabaong. Maraming mga taong umiiyak pati ang kanyang ina ay nagluluksa. Nagtataka ang dalagita kung ano ang nangyayari sa paligid. Bakit lahat ng mga tao dito sa loob ng bahay ay malungkot at umiiyak? "Mama, anong ibig sabihin nito?" nalilitong tanong niya sa kanyang ina. Napaatras siya ng sumalubong sa kanya ang galit na mga mata ni Mama habang nakatitig ito sa kanya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa nila, at lumapit ito sa kanya. Napasinghap siya at napabaling ang kanyang mukha sa kabilang direksyon ng isang malakas na sampal ang nakuha niya mula kay Mama. “M-ama…” Hindi makapaniwalang napatitig siya rito. Napahawak siya sa kanyang pisngi at napaluha. Ngayon lang siya nito pinagbuhatan ng kamay. Bakit ito galit sa kanya ngayon? May nagawa ba siyang hindi nagustuhan nito kaya galit si Mama sa kanya? "Tinanong mo pa talaga sa akin yan huh! Nang dahil sa’yo, namatay ang ama mo!" nanggagalaiting bulyaw nito sa kanya. Umiiling siya. "Mama, hindi ko po alam ang pinagsasabi ninyo. Wala po akong kaalam-alam sa mga nangyayari, Mama," naiiyak niyang sabi. "Walang kaalam-alam?” Pinanlilisikasn siya nito ng mga mata. “Noon pa man, sinasabi ng ama mo na huwag kang lalapit sa ibang lalaki, pero anong ginawa mo ?! Lumapit ka pa rin. Natatandaan mo ba ang bilin ng ama mo sa’yo?" sigaw nito. Napatitig siya sa kanyang ina nang maalala niyang sinabihan siya ng kanyang ama na bawal siyang makipaglapit sa ibang lalaki dahil mapapahamak ito o ang kanilang pamilya. Hindi niya alam, kung bakit siya pinagbawalan ng kanyang ama. Hindi man lang nito sinabi, kung bakit hindi siya pwedeng makipagkaibigan man lang. "Naalala ko, Mama." Hinawakan siya nito ng mahigpit sa balikat at kinaladkad patungong kabaong. "Naalala?" Pagak itong natawa, pero panay tulo ang mga luha nito sa mga mata. "Kung naalala mo, bakit nasa kabaong ang ama mo ngayon? Bakit?!" Naitulos siya sa kanyang kinatatayuan sa sinabi sa kanyang ina, at nanlalaki ang kanyang matang nakatitig sa kabaong. "Ma, sabihin mo sa akin na hindi totoong si Papa iyan," naiiling niyang sabi. Marahas siya nitong hinarap. "Anong hindi totoo?! Baliktarin mo man ang mundo, hindi na maibabalik ang ama mo dahil wala na siya dahil iyan sa kagagawan mo. Nandito nga siya, pero nasa kabaong na!" naiiyak nitong sigaw sa kanya kaya napapikit siya at hinayaang umaagos ang kanyang mga luha. Hinigit siya nito, at marahas na iningudngod ang kanyang pagmumukha sa salamin ng kabaong kung nasaan ang kanyang amang nakahimlay. Kahit masakit ang pagkakahampas ng mukha niya hindi niya ininda iyon. Mas masakit makita ang ama na nasa kabaong na ngayon. "O ngayon, naniniwala ka na? Nang dahil sa’yo, nand’yan ang ama mo. Sana ikaw na lang ang nasa kabaong, hindi ang ama mo." Napahagulhol na lamang siya sa sinabi nito. Sana nga siya na lang ang nasa kabaong. Gusto niyang siya na lang ang namatay upang hindi umiiyak si Mama ngayon. Masakit isipin na sa mismong ina niya pa narinig ang mga salitang iyon. Ang sakit lang talaga. Siya ang sinisisi ng lahat kung bakit wala na ang nag-iisang kakampi niya. Napahagulhol siya sa harapan ng kabaong. "Papa! Gumising ka d’yan! ‘Di ba sabi mo, hindi mo ako iiwan? Bakit mo ‘ko iniwan, Papa?! Hindi mo pa nga ako nakita sa entabladong mag-perform bilang DJ eh! Ang daya-daya mo talaga!" Wala siyang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya ngayon dahil sa pag-aatungal niya sa pag-iyak. Lumuhod siya sa harapan ng kanyang ina, at tumingala dito. Hinawakan niya ang kamay nito. "M-ma, h-hindi ko alam, Ma," umiiling na sabi niya habang tumutulo pa rin ang luha sa kanyang mga mata. Pagak itong tumawa sa harapan niya. "Alam mo iyan, Lence. Hindi mo lang itinatak sa kokote mo na hindi ka pwedeng makipaglandian sa ibang lalaki. Anong hindi mo alam?" Napaismid ito. "Alam mo iyan. Mas inuna mo pa ang paglalandi kaysa sa pamilya mo. Hindi ka nakakaintindi!" Marahas nitong tinanggal ang pagkakahawak niya. Galit na dinuro siya nito habang umaagos na ang mga luha sa kanyang mga mata kahit anong paliwanag niya rito. Hindi pa rin nito pinakikinggan. Kasalanan naman talaga niya ang lahat. Kung hindi sana inuna ang pangarap niya ay hindi sana nandito pa ang nag-iisang inidolo niya. Iyon ang kanyang ama. Hindi niya lubos isipin na mawawala ito. Hindi man lang niya nakausap o nakapagpaalam man lang. Napabalik siya sa katinuan ng muntik na siyang mabangga sa puno ng mangga kung hindi siya kaagad nakapagpreno. Paghinto ng kanyang sasakyan ay kaagad siyang lumabas at marahas na bumuga ng hininga. Napatingin siya sa paligid. Nakita niyang wala namang katao-tao sa paligid kaya napagdesisyonan niyang bumalik sa sasakyan. Napahawak siya sa kanyang pisngi. Nagtatakang napatingin siya salamin. Umiiyak na pala siya na hindi man lang niya namamalayan. Ang sakit lang isipin na wala na ang nag-iisang taong iniidolo niya. Kailangan niyang libangin ang kanyang sarili upang maibsan naman kahit kaunti ang bigat sa dibdib niya. Napagdesisyon niyang pumunta sa isang lugar kung saan siya lang, at ama niya ang nakakaalam kapag malungkot siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD