IRON'S POV "Nanliligaw ka na ba kay Iron, Xenon?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Cream, naramdaman ko din ang mabilis na pag-init ng mukha ko. Babatukan ko na talaga 'to eh. wala ng nasabing tama. Pero mas panalo ang reaksyon ng katabi ko. Napatayo siya, umubo-ubo tas halos mabulunan dahil sa dami ng tubig na kailangan niyang inumin. Nagtinginan rin nga yung mga estudyante na nasa ibang mesa sa nangyari kay Xenon eh. "Hahahaha!" kahit na narinig ko na ang nakakairitang tawa ni Cream, pinigilan ko pa rin na pasabugan siya ng bomba. Umiwas lang ako ng tingin sa mga taong kasama namin na panigurado akong palipat-lipat na ngayon ang tingin samin ni Xenon. "Bakit, may mali ba akong nasabi, pare?" Inirapan ko siya. Ay wala, wala kang maling nasabi, Cream! Kaya nga nabulu

