IRON'S POV H312 Tumawag si Fleen kaninang umaga. Kung hindi pa ako nagising sa pang-16 na tawag niya kanina, hindi ko pa masasagot. Simula kaninang 4 ng umaga, nagsimula na ang mga missed calls niya sakin. Bago ko sagutin ang tawag niya, nilibot ko muna ang buong kwarto para masigurado na walang ibang tao. Siguro bumaba na si Lantern. "Hello?" [Hah! Si Iron ba talaga 'to?] "Damn you." [Ah. Si Iron ka nga.] "Ibababa ko na 'to." [Sandali! Wala pa nga eh!] "Ano ba kasing kailangan mo at kailangan mo pang tumawag ng maaga? Kung alam mo lang kung gaano kasarap ang tulog ko, Fleen." [Bakit? Nandun ba si Xenon? O si Artery?] naramdaman ko ang malawak na ngiti niya habang sinasabi niya yun. [Nagagalit ka siguro kasi nasa kasukdulan na kayo ni Xenon nang magising ka. Don't

